1

21 3 0
                                    


ATHENA'S POV

'Athena, tara?' Tumango naman  ako at saka kinuha yung bag ko

'Peter! I like you' napahinto naman ako at tinitigan si Peter with another girl na nagconfess sa kanya

Nakita ko namang ngumiti lamang ito.

'Tara naaa, parati namang may nag coconfess kay Peter walang bago' Miaka said tsaka ako hinila

Totoo naman, parang linggo linggo may nag coconfess sa kanya why? Sikat siya, sobrang bait, matalino at sporty. In short  ideal type ng karamihan and sad to say isa ako sa kanila

Yes I like peter pero I don't have the guts para umamin why? Coz I know him, he does not want to be in a relationship with anyone right now at isa pa crush ko lang siya hindi pa lumalalim para problemahin ko.

And btw I'm Athena Gonzales a Grade 12 Stem student.

Napabuntong hininga naman ako.

'ayos ka lang?' Tumango naman ako tsaka inakbayan si Miaka

'Hatid kita ngayon?' Tanong ko kay Miaka last time kasi may muntik ng mang harass sa kanya. Sobrang hinhin kasi ni Miaka and sobrang cute pa kaya parating napagdidiskitahan.

'Wag na, nakakahiya na rin kaya ko na sarili ko' She said tsaka ngumiti

'Ang cute mo talaga Miaka'ngiting ngiting tugon ko tsaka pinisil yung chubby cheeks niya

'A-aaw!'

'Oopss! ' natatawang sabi ko tsaka nag sorry

Napahinto naman ako sa pagtawa ng may narinig akong parang may away

'Andito ka sa teritoryo namin bata, huwag kang umastang siga dito' rinig kong bulyaw ng isang senior college students na sila

Eto na naman sila nambubully ng lower years tsk tsk

Nakita ko namang may nakaupo sa kalsada na lalaki, nakayuko lang ito habang nakahawak sa labi nito at halatang nasaktan na siya

'Athena.. wag ka ng makialam' nagaalalang sabi ni Miaka sakin ngumiti naman ako tsaka pinisil yungpisngi niya

'Don't worry, malakas to' I said tsaka lumapit sa mga senior

'Grabe, maganda bang role model yung ganito?' Nakangiting sabi ko naikinalingon naman nila

'Isa na namang pakielamerang Junior'

'Hoy ikaw miss umalis ka na bago kapa madamay' pagbabanta nila pero hindi ako natinag at lumapit dun sa lalaki

'Hoy ayos ka lang ba?' Tanong ko

'Huwag ka nang makialam' bulong nito sasagot na sana ako ng may humawak sa braso ko

'Hindi ba sabi ko umalis ka?' Nangigigil na sabi nito habang mahigpit na nakahawak sakin

Napaismid naman ako at saka siya tinitigan

'Ayoko sa lahat yung hinahawakan ako ng mga taong walang kwenta' deretsang saad ko at saka sinipa siya sa pagkalalaki niya

'Ack! Bullshit!' Bulyaw nito lalapit sana yung mga iba pang kurimaw ng may dumating na teachers kaya nagsitakbuhan sila

'Nice one Miaka ' nakangiting sabi ko kasi alam kong siya yung tumawag sa mga teachers

'Okay ka lang ba?' Nagaalalang tanong nito tumango naman ako tsaka nilingon yung lalaki

'Makakatayo ka ba?'

'I'm okay' maiksing saad nito at pilit na tumayo but he failed kaya agad akong lumapit sa kanya

'I said I'm okay!' Medyo malakas na sabi nito na ikinagulat ni Miaka

'Yah, tama bang sumigaw ka?' Sabi ko at saka pinisil yung sugat niya sa mukha

'Aw!' Daing nito

'Wag ka ng magreklamo tangkad' sabi ko tsaka inalalayan siya napaismid naman siya

'Miaka, umuwi ka na baka hinahanap ka na ng tita ako ng bahala dito' nakangiting sabi ko tumango naman siya tsaka nagpaalam

Naghanap naman ako ng first aid sa bag ko buti nadala ko

'Gotcha'

'Leave me alone' he said ng nakayuko. Actually kanina pa siya nakayuko

'Ayoko nga, ang turo sakin nila mama pag may kailangan ng tulong kailangang tulungan okay?' Sabi ko at saka inangat yung mukha niya at diniin yung bulak na may alcohol sa sugat niya

'Gwapo ka naman pala bakit ba yuko ka ng yuko?' Natatawang sabi ko

'You look familiar' he whispered

'Huh?' Tanong ko at nagulat naman ako ng lumapit pa siya lalo at tinignan ako ng deretso sa mga mata ko

Lalayo sana ako pero masyado akong nadala sa mga mata niya, kulay asul to at maihahalintulad ko sa kulay ng dagat

'What's your name?' Biglang tanong nito

'Athena' deretsang saad ko and nagulat naman ako ng naramdaman ko yung mga kamay niya sa bewang ko
niyayakap niya ko.

'Y-yah, bakit mo ko niyayakap?' Naiilang na tugon ko at pilit na lumalayo sa kanya.

'I finally found you' he whispered at saka lalo pang hinigpitan yung pagkakayakap sakin.

"Huh?!'

'Teka anong pinagsasabi mo? Nagkita na ba tayo? Hindi kita matandaan' tuloy tuloy na tugon ko habang pasimpleng kumawala sa yakap niya

Which is almost impossible dahil sa laki niya

'I know you can't remember me but that's okay' mahinang tugon nito at biglang tumawa ng mahina

'Baliw ka ba?!' Singhal ko dito at tinignan siya na parang nahihibang na siya

'No I'm not' he said and pinches my cheeks

'Eh?!' Lalo naman nanlaki yung mata ko sa pinag gagagawa ng lalaking to kaya agad akong napaatras

'Don't be scared hindi pa ko baliw but for now linisin mo muna yung sugat ko' napatulala naman ako ng makita ko ng ayos yung mukha niya na nakangiti habang  nakaturo sa sugat niya

Bakit ang cute niya? Mukha siyang bata

Hindi ko naman alam pero napatango na lang ako without thinking twice.

-----------------

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon