Chapter 5 - Back in Training

11 0 0
                                    

Hello! matagal na din noong huli akong nakapag-ud. Atsaka pasensya na kung maliit lang madami pa kasi akong gagawin at naghahanda pa ako sa bagyo. Iyon lang at maraming salamat sa pagbasa.

______________________

Hannah Aliana Lim

KINABUKASAN

Maaga pa lang ay naghanda na ako para sa training. Kakailanganin ko pang mag-traning ng mabuti para ihabol sa mga araw na hindi ako nakapag-training.

Nakarating na ako sa may builiding ng court at hindi na ako nagulat ng makita ko ang madaming reporters na sumusunod sa akin. Pinatay ko naman ang kotse at kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na ng kotse.

Reporter 1: Hannah kamusta ka na?

Reporter 2: Bakit kayo naghiwalay ni Lincoln?

Reporter 3: Hannah, ano ang masasabi mo sa balitang aalis daw si Lincoln ng bansa para mag-aral?

Natigilan naman ako sa sinabi ng reporter kung kaya ay tinanggal ko ang shades na sinuot ko.

Hannah: Okay na po ako. Please huwag na ninyo akong tanungin tungkol kay Lincoln. Ang mga tanong tungkol dyan ay nasagot ko na. Hintayin na lang ninyo ang video kung saan in-interview ako ng isang kaibigan.

Iyon lang ang sinabi ko at sinuot ulit ang shades at dumiretso lang ako sa kwarto kung saan palagi akong nagbibihis doon. Pumasok naman agad ako doon at ginawa ang kailangang gawin at agad naman akong lumabas pagkatapos noon. Agad naman akong dumiretso sa court at nakita ko naman na andoon na si Lizzie.

Lizzie: Handa ka na?

Hannah: Handa na.

Lizzie: Ang daming media sa labas ah... pagdating ko dito nabigla na lang ako na pati ako ay tinanong nila.

Hannah: Parang bago naman iyan sa iyo ang mga pangyayaring iyan Lizzie.

Lizzie: Medyo hindi na din kaso nagulat na lang ako sa kanila ng bigla nila akong nilapitan. Muntik na nga akong makuyog ng mga media eh... Kaso hindi na lang ako nagsalita.

Hannah: Mabuti na din iyan Lizzie.

Kung kaya ay agad na kaming nagsimula sa pag-eensayo. Hanggang sa nabigla na lang kami na may mga umiilaw at pagtingin naman namin ay mga media lang pala. Maya-maya ay dumating si coach kasama ng madaming securities.

Hindi na lang namin pinansin ang lahat ng iyon dahil sayang lang naman ang oras namin kung mag-rereact pa kami sa mga nangyayari.

After 2 hours...

Hannah: Pagod ka na?

Lizzie: Gutom na kamo.

Hannah: Kain na muna tayo.

Lizzie: Sige malapit na din ang tanghalian. Ano ang gusto mong kainin?

Hannah: Pa-deliver na lang tayo. Madaming taga-media ang malamang naghihintay sa atin sa labas.

Lizzie: Mabuti pa nga.

{MBFAP} My Beloved from another planetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon