Beginning

5 0 0
                                    

Ashaia's POV

'No! Please.. Not my baby. Don't hurt her.' as the woman started crying.

'You will never be happy Selene, I swear your life will be vulnerable. You will never be the same person as you are always.' The black women said as if she never feel pity for her.

'I will do everything, just don't hurt her. I never did anything wrong to you! Bakit mo ginagawa' to?!' She shouted while catching her breath.

'Wala kang ginawang masama?' She smirk. 'Just for you to know you're the one who messed up my life. You're the reason why sister died, and now you're telling na wala kang kasalanan?' As she started to laugh.

'No please... Not her. Ako na lang kung pabayaan mo na siya.'

'Please... Noooo'

"Asha! Gumising ka na diyan male-late ka na naman! Yung kapatid mo nakaalis na ikaw nakahilata pa!"

Napabalikwas na lang ako sa kinahihigaan ko habang hinahabol ang aking paghinga. Narinig ko naman ang umaalingawngaw na boses ni mama sa labas ng kwarto.

Anong klaseng panaginip 'yun. Nakakatakot kung ano ano na lang ang napa panaginipan ko, dahil sa kanonood ko ng mga horror movies.

"Argh! Nababaliw na ata ako." Bulong ko sa aking sarili. Sabay gulo ng aking buhok.

Umaga na at tinatamad pa din talaga akong pumasok hanggang ngayon. Ewan ko ba sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Naka kainis namang panaginip 'yon masyadong nakakatakot.

Tumayo na ako at nagasikaso na dahil malelate na naman ako. Pero sabagay lagi naman akong late, walang pinag bago. Sanay naman na ang mga prof ko sakin. It's better to be late than absent' sabi nga nila. Wait tama ba sinabi ko?

Lumabas na ako ng aking kwarto at nakita ko si mama na nagluluto. "Ikaw talagang bata ka, lagi ka na lang late. Gusto mo bang matanggal sa school mo ha?!" Inis na sigaw ni Mama habang hawak hawak ang sandok.

"Ma... lagi naman akong late eh. At saka sanay na din naman mga prof ko sakin." saad ko sa kaniya bago kumuha ng pagkain sa mesa.

"Kahit na, 'wag kang tatamad tamad asha para sa future mo 'yan." Ani mama, at nagpatuloy na siya sa kaniyang niluluto.

Tama nga naman si mama, kung palaging akong tamad walang mangyayari sa buhay ko. Since tatlo lang kami sa bahay dahil nasa U.S si Papa nagta-trabaho para lang makapag-aral ako, tapos eto ako laging puyat. Eh basta go with the flow na lang, at least nagaaral akong mabuti. Pero joke lang yun. Hehe.

"Ma, alis na po ako baka tuktukan nanaman ako ni Sir Rio." Pagpa paalam ko kay mama.

"Sige. Anak mag-iingat ka palagi ha? Tandaan mo mahal na mahal ka namin ng papa at nang kapatid mo." Ani mama. Sabay yakap sakin.

"Mama naman parang hindi ako uuwi ah.. Syempre mag-iingat ako, 'di ba nga magta-travel pa tayo." ngiti kong saad kay mama.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Syempre dapat tuparin mo yan." natatawang sabi ni mama, sabay hawak sa magkabilang balikat ko. "Basta kapag isang araw wala na kami sa tabi mo... Alagaan mo sarili mo anak." Nakangiting sambit ni mama sabay yakap ulit sa'kin. Nararamdaman kong malungkot si mama ngayon.

"Bakit mo ba 'yan sinasabi ma.. Uuwi naman ako." Nakanguso kong sabi. "Ikaw talaga mama."

"Sige na at baka malate ka na naman."

"Alis na po ako ma." Kinuha ko na lang aking bag, huminga muna ako ng malalim bago lumabas. "Ang drama ni mama ngayon." Bulong ko sa aking sarili. Nag abang na lang ako ng tricycle na masasakyan. Dahil dalawang sakay pa 'ko for sure late talaga ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Special Ability: Of MagicWhere stories live. Discover now