Run!

2 0 0
                                    

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita na si louise.

"Exits were blocked right?"

"Pumunta kami sa isa sa pinakamalapit na exit kanina and It was locked. So yes! Trap na tayo dito sa loob"

"Kalma lang guys, makakahanap din tayo ng daan palabas."

we started planning kung saan kami Dadaan. Sa aming apat si Louise ang pinakamatagal ng nagtatrabaho dito so alam niya ang mga pasikot-sikot sa pasilidad na ito kaya siya ngayon ang nagpaplano.

"So Rico and Monica dun kayo sa Left ward at pumasok kayo sa Opisina ni Dr. Fiasco, sa pagkakaalam ko kasi may dalawang pinto doon sa loob at isa doon ay pinto Palabas dito. Susubukan naman namin ni Eunice I check ang Cr"

takang-taka kaming napatingin sa kanya.

CR? bakit sa CR?

"Chill! we will try to find an open window na maaaring daanan natin palabas. if na check na natin bumalik tayo ditqo."

nakahinga ako ng maluwag, at sa isip-isip ko, How I wish someone is stupid enough para makaiwan nang bukas na bintana or kahit maiwan man lang itong hindi naka lock mula sa labas. that will totally save our lives!

pinakiramdaman muna namin ang paligid bago kami tuluyang lumabas.

dahan dahan kaming naglakad ni Louise papuntang CR.  sobrang tahimik, nakakatakot.

Tuluyan akong nakahinga ng maluwag ng makapasok na kami sa loob at dali-dali ni lock ang pinto.

agad naman naming tiningnan lahat ng bintana, nagbabakasakaling may nakabukas, nakausli o hindi naka lock galing sa labas.

pero dismayado kami.

naupo kaming pareho sa sahig. Tahimik, nagmamasid at nakikiramdam.

"wait" sabi ko ng may naisip ako. tiningnan niya ako na may halong pagtataka.

"Right!" sabi ko ulit.

"bakit ba?"

"bumalik tayo at maghanap ng matigas na bagay na magagamit natin sa paghampas ng bintana."

"Tama naman pero isn't it risky? Makakagawa tayo ng ingay."

"Take the risk or lose the chance?"

tiningnan niya lang ako, "Okay fine."

***

"walang exit. Ted was wise and quick enough para ma block lahat ng exits. we're on a Dead end" bungad ni Rico ng makabalik kami.

"Not yet." napatingin sa amin ang dalawa.

"We need to find something solid panghampas sa bintana, in that way maaaring makalabas tayo ng buhay."

umirap si Monica, "ano pang hinhintay natin? let's go!"

Nagumpisa kami sa opisinang kinaroroonan namin pero wala kaming makuha so we decided to get out.

I am really a fan of horror movies, and I was like in one those scenes na nakikita ko, totoo nga lang ngayon.

who would have thought na maeexperience ko pala ang ganitong pangyayari sa loob pa mismo ng Mental Asylum.

The blinking emergency lights are giving me chills, napahigpit tuloy ang kapit ko sa uniform ni louise.

una naming pinuntahan ang pantry, pero wala kaming nakita na pwedeng gamitin so we continued hanggang sa nakarating kami sa Medicine room.

we're about to open the door nang makarinig kami nang halakhak na hinding-hindi namin makakalimutan.

sabay-sabay kaming lumingon.

then we saw Ted and the other patients from the second ward.

I was stunned.

hindi ako makagalaw.

"TAKBO!!"

The AsylumWhere stories live. Discover now