A one shot, short story by jsooner_0815
They said that if you've been forgotten by someone, you should prefer to forget them too, pero sa paanong paraan?, how could I forget them in a simplest way? na wala ni isang masasaktan?
"Gusto kong libutin ang buong mundo!" sigaw ko habang naka-tapak sa tuktok ng bundok, just like I'm seeking anonymity, at itago ang aking pangalan, itago ang aking personalidad, na ni isa wala nang makakakilala sa akin.
"Gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyayare ngayon!, gusto ko maging malaya!" isa, dalawa, tatlong beses akong nagsisisigaw sa aking kinaroroonan.
Ilang minuto pa ang nakalilipas ay napa upo ako, tiningnan ang napaka aliwalas na bulubundukin, habang ang araw ay nagtatago sa makulimlim na kalangitan, ang tahimik ng lugar, simoy ng hangin ang tangi mo lang maririnig, parang gusto kong dito nalang tumira at ibalik ang sinaunang gawain, na ang tao'y nangangaso pa lamang ng mababangis na hayop...
Napa-isip ako na parang noong nakaraang araw lang, masaya pa ang mga taong nagsisipuntahan dito sa taas ng bundok, upang magpalipad ng saranggola, upang mag laro ng tagu-taguan sa iba't ibang sulok ng kapunoan, subalit ngayon, ni isang tao wala man lang.
Napatayo ako at umalis na sa aking kinaroroonan, tinignan ang aking orasan na halos isang oras na pala akong naka tambay doon, plano kong dumiretso sa syudad, ngunit ang hirap paniwalaan na napupuno ito ng mga pulis at mga taong naka civilian ang kasuotan, nakakatakot, takot na takot na ako sa nangyayare sa paligid, just like parang napaka laking hamon ng mundong ito sa tao.
Sa hindi kalayuan ng aking kinaroroonan kanina'y, may narinig akong yapak ng mga taong parang paparating sa aking kinaroroonan ngayon.
hanggang sa may biglang humatak sa aking likuran, pinilit kong manlaban sa taong naka civilian na ito, armadong lalakeng may hawak na napakalaking baril.
Hindi ako takot, hinding hindi ako matatakot, hinubad ko ang aking jacket upang maka takas, gusto kong sumigaw ng tulong, subalit ang tanging makakarinig rin ay kapwa niya armado...
Shit, ayoko na "put*ng ina!" sigaw ko sa lalaking armado at nagkaripas na ng takbo.
Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, sinigawan ko at nag pumiglas sa isang maituturing na bayani ng bansa, ewan, pero gusto ko pang gumala, gusto ko pang libutin ang mundo...
Kasabay ng aking pagtakbo ang pagbagsak ng tubig galing sa kalangitan, ano ba ang nangyayare sa mundo?, sa taon na ito marami na agad nangyayare, pero ni isang balita tungkol sa bagyo ay wala pa, nakapagtataka, what if malakas na bagyo ang susunod?
Pinunasan ko ang aking mukhang puno ng tumutulong tubig buhat ng malakas na patak ng ulan.
Patuloy parin ako sa pag takbo, gusto kong bumalik sa aking pamilya ngunit hindi ko magawa, I'm confirmed COVID-19 positive, buhat non ang pagkalimot ng pamilya ko sa akin.
Itinaboy nila ako papalayo sa kanila, Just like I'm the dirtiest person that they've encounter in their life, bakit ganon? Sakit lang naman ito, ngunit ang kapalit nito ay tunay na crisis sa aking pagkatao.
Onti-onti akong nawawalan ng pag-asa, napapagod na ako, walang hintong takbo ang ginawa ko na kahit alam kong malayo na ako sa taong armado... Pagod, na pagod, na pagod, na ako...
Ayoko na, ang hirap pakisamahan ang mga tao dito sa mundo, I prefer to stop pero parami ng parami ang armadong nakakakita sa akin, hahabulin rin nila ako...
Para saan pa?, bakit pa nila ako huhulihin?, para pagalingin?, para ikulong?... Tapos ano? Pagka-tapos kong gumaling, pagka-tapos kong makulong, may mababago ba?
Pinaranas na sa aking ikahiya, pinaranas na sa aking kalimutan, pinaranas na sa aking pandirian, mababago pa ba iyon?
Inihampas ko ang payong na aking dala-dala sa isa pang armadong sinubukan akong hulihin.
I keep running, pagod na talaga ako, sa kabila ng aking itinuon na pawis para pagalingin ang kapwa ko COVID-19 positive, ito lang ang magiging kapalit...
Nagtapos ako ng medisina, naging matagumpay akong tao, pero sa kabila no'n ito lang ang kabuuan ng aking pag hihirap... Tumakas ako sa hospital na aking pinanggalingan, dahil sa pang-aabuso, sa pang-aabusong pinagkakaitan kami na maka-kain, buhosan ng chemical sa katawan... "Ouch" walang wala yang tugon ko sa hapdi ng nararamdam ng aking katawan sa sugat na natutuluan ng tubig galing sa malakas na ulan buhat ng chemical na ibinuhos sa akin.
Triny kong mag sumbong, but I want to heal first my patients, bago ang aking sarili...
Fuck, patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa isang putok ng baril ang narinig ko hindi kalayuan sa aking kinaroroonan... Napa isip ako, anong nangyare?, sino ang napa putukan?, bakit?...
Mas binilisan ko pa ang aking takbo, hanggang sa hindi ko na namalayan ang dugong patuloy na pumapatak sa aking likuran, nang hihina na ako, nag didilim ang aking paligid, I prefer to close my eyes at ibinagsak ang aking sarili sa aking kinaroroonan.
Sa aking pag pikit ng mata'y naalala ko ang hirap ng aking ginawa para sa aking bayan, kamatayan lang pala ang kapalit, hindi ako namatay sa sakit na aking nadarama, bagkus namatay ako dahil sa kapwa kong bayani na basta nalang ipinutok ang armas na hawak nila para hindi na sila mahirapan pa...
Siguro hanggang dito nalang ako, kinalimutan nila ako, kakalimutan ko sila sa totoong buhay, pero bilang espirito sa mundo, hinding hindi ko sila malilimutan...
"GUSTO KONG LIBUTIN ANG BUONG MUNDO" pag uulit ko sa aking sinabi kanina, hindi ko man yan magawa nang ako'y buhay pa, ngayon... Masisigurado ko nang malibot ang mundo... Libre na akong gumala... GAGALA AKO ng walang nakaka kita sa akin...
Uulitin ko... gagala ako ng malaya, at walang iniindang sakit... GAGALA AKO... At ipagpapatuloy ang pagsisilbi bilang bayani ng lipunan.