Chapter 4

8 0 0
                                    

*Kaurine POV*

Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nasa tyan ko ano ba to?

Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko ang bagay na nakadagan sa tyan ko ay ulo?

Bat may ulo dito??
Sisigaw na sana ako ng maalala ko ang nangyari kagabi sh*t bat ba kasi ang landi ko eh!

Napatingin ako sa mukha Ni Brixx ang gwapo nya tsk! Pero one night stand lang yon Hindi ba?

Maingat kong inalis ang ulo nya na nakalagay sa tyan ko para hindi siya magising pa nakakahiya.

Pero ng maalis ko ang ulo nya sa tyan ko ay nagmulat siya ng mata.

"Where do you think you're going?"

Tanong nya hala?
Ano ba yan!

"Ahh- ehh mag siCR lang hehehe"

Sabi ko at tumayo na para mag CR kaso napaupo uli ako dahil sa sakit ng katawan at ng pagkababae ko

"Sh*t!"

Biglang hiyaw ko dahil ang sakit talaga . bigla naman pumunta sa tabi ko si Brixx

"Bat ba galaw ka ng galaw!"

Inis na bulyaw niya saakin aba! Kasalanan ko pa na kailangan kong umihi no?!

"Siguro kailangan kong gumalaw para makapunta sa CR no! Alang alang mag teleport ako!!"

Inis din na sigaw ko dahil nakakainis eh! Ininda ko nalang ang sakit na nararamdaman ko at tumayo na. May nakita akong pinto siguro CR yon kaya doon ako pumasok at tama nga ako naghubad agad ako para makapag shower.

Pagkatapos kong mag shower doon ko lang napagtantong wala akong dalang underwear !! Hala!!!! Kasi naman!

Okay lang yan Kaurine ! Nakita na naman nya lahat eh kaya wag kanang mahiya kaya mo yan tibayan mo lang lang loob mo OK!

Kausap ko sa sarili ko tama naman diba? Ay Ewan!! Lumabas nalang ako ng walang saplot dahil wala ring towel doon siguro dahil naglaba?

Paglabas ko sa malaking CR na yon may nakita akong underwear at damit sa kama I assume na pinapasoot nya saakin to.

Kaya kinuha ko na at nagbihis para makaalis na ako .

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako . nasa  second floor ala ako pag tingin ko nagiisang kwarto lang Ni Brixx ang nandito. Yung iba galaxy room tas may movie room and gym din dito hala saamin din naman
Ganito pero ang ganda ng design dito.



Nang makababa ako nakita ko siya na naghahanda ng pagkain ang gwapo niya !!

Nakita naman niya ako at naglakad papuntang harapan ko .

"Let's eat"

Sabi niya at hinila ako OK lang naman pero ganito ba talaga ginagawa kapag may ka one night stand?

Ang alam ko pag one night stand ay wala nang communication pag tapos ng isang gabing pinagsaluhan Hindi ba?

Kumain na lang ako para pagtapos ko dito ay papasok na ako sa boutique ko at marami pang trabaho ang naghihintay saakin.

The Wild and Free woman (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon