Gustav.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagdampi nang malamig na bagay sa mukha ko. Marahan kong iminulat ang mga mata ko na siya namang sinalubong nang masayang mukha ng kapatid ko. Sa pagkakataong iyon ay napangiti rin ako habang iniisip na nasa mas maayos na lugar na siya ngayon.
"Don't worry bunso, Kuya will do everything to find your killer."
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" napukaw ang atensiyon ko sa tanong ni Cyanne.
Nakatayo siya ngayon sa tapat ng bintana habang binunuksan ang kurtina. Tanging boxers lang ang suot niya na nagpangiti sa'kin. Tinitigan ko ang dibdib niya hanggang sa bumaba ito nang bumaba patungo sa suot niya. Napansin niya ang ginawa kong pagtitig kaya agad niya akong nilapitan at binatukan. Mapang-asar akong ngumiti bago siya hinila pabalik sa kama.
"Round two?" bulong ko.
Hinampas niya ako sa ulo at mabilis na tumayo sa kama. "Hindi ako makina Gustavo. Baka gusto mong mamatay nang maaga?" malokong sambit niya.
"Mamatay sa sarap? Okay lang naman." pagpapatuloy ko pa.
"Just shhh grand master, malelate tayo kapag pinagpatuloy mo pa yan. O baka naman gusto mong kami na lang ang pumunta? Pampabagal ka lang din naman." binato ko siya nang nahablot kong unan pero mabilis niya itong naiwasan.
Matapos naming maglipit at maligo ay nagtungo na kami sa baba kung saan naabutan naming kumakain sa lamesa yung apat. Sigurado akong itong katabi kong lalake ang nagluto. Siya lang naman maalam magluto sa grupo namin. Dati siyang culinary student bago siya lumipat sa department namin. Bale kaming lima talaga ang unang magkakasama, pero dahil may kinasangkutan kaming kalokohan nung first year, na-drop kami sa lahat ng subjects namin. Kaya nadelay kami, dahilan para makasabay namin si Cyanne.
Sa ngayon graduate na kaming lahat ng Psychology. Imbis na magtrabaho nagpatayo na lang kami ng sarili naming resto bar at resort. Nag-training din kami ng isang taon bilang reserved army, at isa pa uling taon sa Bureau of Investigation. Doon namin nagamit nang mas maayos yung naipon naming kaalaman sa loob ng apat na taon. Sa maikling salita, parte kami ng special investigation team ng BOI. Pero nang namatay si Emma, napagpasiyahan kong kumalas na. Nalaman ko na lang kay Major Xander na kumalas na rin pala silang lima. Tinanong ko kagabi si Cyanne kung bakit, sabi niya sakin ano pa daw ang gagawin nila d'on kung wala ako.
"Maalam ata ang iniisip mo Gustav." giit ni Tedd.
"Malalim, hindi maalam psh." pagtatama ni Mikee.
Matapos nito ay nagsimula na silang magbangayan habang kumakain. Napailing na lang kaming apat at 'di na sila pinansin.
"So? Shall we head straight to Kaseiko or shall we have a detour first?" nakangiting tanong ni Fixie. Hawak niya sa kanan niyang kamay yung susi ng van. Sa kaliwa naman ay ang paborito niyang basahin na libro.
"Head straight. Let's value our time. More time to plan, the better. Ayokong maapura sa gagawin natin." sagot ko naman.
Nang masiguro naming okay na ang lahat ay nagtungo na kami sa Kaseiko. Alas-otso-trenta nang marating namin ito. Naghanap lang ng parking spot si Fixie bago kami bumaba at nagtungo sa Assessment Hall. Pagdating namin dito ay may ilang estudyanteng nakapila sa isa sa mga Assessor. Mayroon din namang mga dumaraan lamang upang magtungo sa mga silid nila.
"Doon tayo." giit ni Cyanne habang itinuturo ang Assessor ng Engineering Department.
"Good morning po Ms. Dela Cruz." bungad ni Cyanne.
Napansin kong namula ang mukha nung babae habang mariing nakatitig kay Cyanne. Kung hindi lang babae 'to nahila ko na 'to palabas ng bintana. Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Class Trial
Mystery / ThrillerJoin Gustav and his friends as they unravel the mystery behind her sister's death.