ML Chapter 1

3 0 0
                                    

•SCARLETT•

Andito kami ngayon ni Gavin sa may cafeteria malapit sa may school dahil dito daw siya imi-meet nung bestfriend niya.

Ang tagal naman nun. Masyado siyang pa importante ah.

"Gavin punta lang ako sa CR." Pagpapaalam ko.

"My goodness Scarlett! I told you not to call me on my second name!" Inis niyang sabi. Hahaha. Para siyang babae kung magsalita.

"It's fine! It's just me who will call you that name naman eh. Hahaha!" Sabi ko habang papalakad na papunta sa may CR.

I need to call Sky na malelate ako ng pasok dahil kay Gavin. Hinanap ko ang phone ko sa loob ng bag ko.

"Asan na ba yun?" Sabi ko sa sarili ko saka kinalkal ang laman ng bag ko.

"Ouch!"

"Ouch!"

Sabay daing namin nung lalaki. Di ko kasi siya nakita dahil nakatingin ako sa bag ko na hawak hawak ko na ngayon ay nasa sahig na dahil nahulog ito nung  hinahanap ko ang phone ko.

"I'm sorry." Sabi niya saka pinulot ang bag ko dahil nahulog ito nung nagkabangaan. "Here." Sabi niya saka inabot sa akin yung bag ko.

"Thank you! And I'm sorry too. Di kasi kita nakita na dadaan ka. Sorry." Sabi ko.

"It's okay. Just be careful next time. Parang ang lampa mo pa naman." Sabi niya saka naglakad mg mabagal.

What the?! Ako lampa? Hindi ko lang nakita na dadaan siya tapos nabunggo ko lang siya sasabihan akong lampa? Akala ko naman ang bait yun pala may ugali din!

"Hey idiot!" Tawag ko sa kanya habang di pa nakakalayo.

"Are you calling me idiot?!" Sigaw niya.

"Yes! You're an idiot because you're calling me 'lampa' eh pareho naman tayong nagkabangaan so you're 'lampa' din!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Whatever!" Sabi niya. Saka lumakad ng mabilis pero hindi ako nagpatalo.

"Whatever! You idiot!" Sabi ko. Di ko na nakita kung lumingon pa ba siya dahil pumasok na ako sa cr.

My goodness! I thought he is good but there's a side of him that he is like a spoiled brat because of his attitude.

I can say that he's handsome but I don't like his attitude!

Nakita ko yung phone ko na naka lagay lang pala sa bulsa ng bag ko. I dial Sky's phone number and she pick it up.

"Hello?"

"Sky. I'm sorry malelate ako ngayon gawa kasi ni Gavin pinilit akong samahan siyang imeet yung bestfriend niya na kakadating galing Cali eh."

"Bakit ka naman nag papilit?"

"Pumayag na ako kesa naman sunod ng sunod sa akin."

"O siya sige na. Hintayin na lang kita dito."

"Okay. Thank you Amarah!"

"You're always welcome my dear beatfriend! Bilisan mo lang ha!"

"Yeah. Sasabihin ko kay Gavin."

"I'll hang up na. Bye Scarlett Avery!"

"Bye Amarah Sky!"

Pagkatapos kong mag cr ay bumalik na agad aki sa table kung nasaan si Gavin na may kausap na isang lalaki. Ito na siguro yung bestfriend niya.

"I'm sorry Gavin kung natagalan ako sa cr. There's an idiot guy kasi na nang bully sa akin." Sabi ko saka umupo sa tabi niya. Hindi ko pa din tinitignan yung lalaki na nasa harap namin kasi inaayos ko pa yung bag ko ng biglang nagsalita yung bestfriend niya.

"I'm sorry Gavin if I am late. Galing pa kasi ako sa cr at nabangga pa ako nung babae kanina na mukang lampa." Sabi nung bestfriend ni Gavin.

Agad naman akong napatingin dun sa lalaki.

"IKAW NA NAMAN?!"

"IKAW NA NAMAN?!"

——————————————————

VOTE

COMMENT

SHARE

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mischievous LoveWhere stories live. Discover now