Hailey Evans. Isang babaeng masasabing...normal lang. Galing sa isang di mayaman pero di rin naman sobrang mahirap na pamilya. Bata palang alam na niya ang dapat niyang gawin, mag-aral ng mabuti at makapagtapos, magtrabaho at iahon ang pamilya niya sa kahirapan.
Sabi nila ang swerte niya. Na wala siyang hirap na pinagdadaanan. Na masaya siya. Sabi nila.
Pitong taong gulang palang siya ay natuto na siyang hindi dumipende sa iba. Di na siya nagpapatulong sa mga asignatura sa mga magulang kase alam niyang pagod na ang mga ito sa trabaho. Oo, nakikipaglaro parin siya gaya ng ibang mga bata na kasing edad niya pero di nila alam kung anong mga bagay na ang tumatakbo sa kanyang musmos na isip.
Pinagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral kaya naman siya lagi ang top 1 sa klase nila. Marami siyang kaibigan, pero yung iba kinakaibigan lang siya kase matalino, kase marunong sa klase, kase top 1. Alam niya yon pero alam niya ring kahit papano ay mayroon paring iilan na totoo, at kuntento na siya doon.
Hanggang makapagtapos siya ng Elementary ay siya ang nangunguna sa klase. Shempre sobrang saya ng mga magulang niya at masaya rin naman siya dahil doon. "Para kay mama, para kay papa" ang lagi niyang pinaghuhugutan ng lakas ng loob.
Pero sa pagpasok niya sa highschool, nag-iba ang pananaw niya sa buhay. Na hindi naman grades sa card o ranking sa klase ang magpapasaya sayo sa buhay. Na hindi mo naman pala kailangang mag-aral araw araw, oras oras. Na hindi mo kailangang maging top 1. Na andami niya pa palang hindi alam sa buhay. Na ang swerte niya at nakilala niya ang mga kaibigan niya.
Napatunayan niya na "highschool is the best part of life".