Halos dalawang araw na ang nakakalipas nang makatanggap ako ng email mula sa dati kong classmate na si Donnie, ayon sa kanya may reunion daw ang highschool batch namin.
Magkahalong excite at kaba ang naramdaman ko.
Limang taon na pala ang nakalilipas nang mahiwa-hiwalay kami ng mga kaibigan ko, nami-miss ko na ang mga tawanan, tampuhan at tuksuhan.
Kamusta na kaya sina Shainne, Claire, Genova, Jean, Alyssum, Blaire, Precy at Amy, nakakamiss na ang barkada.
By the way ako nga pala si Janah isang news writer and a teacher at the same time. Medyo malayo nga lang sa tinapos ko hehe licensed phychiarist kasi ako. ^____^
————————————————————————————————————————————————————————————-
Habang iniisip ko ang mga bagay patungkol sa aking nakaraan, natagpuan ko ang aking sarili nakaupo sa harap ng mga estudyante nakatitig sa orasan, hinihintay ko ang pagring ng bell,
nais ko na magpahinga sa buong araw na pagta-trabaho ko.
[ BELL RINGS ! ]
SA BAHAY ... pagbukas ko ng pintuan sinalubong ako ng aking alagang aso na si Mabo isang golden retriver na mula pa sa Amerika regalo sa akin ng ate ko.
nakipaglaro ako kay Mabo at agad akong dumiretso sa computer at in-update ko ang email ko,
panibagong messages uli.
kay Donnie pa rin ... sa Saturday na pala ang reunion and wow ! Palawan ang setting !!
Kinabukasan ....
BOOOGGGGSSHHH !!!! BOOGGGSHHH!!!
KRINGGGG!! KRINGGGGG!! KRINGGGGG!!
Ginising ako ng malalakas na kalabog mula sa pinto ng aking apartment
at tunog ng telepono sa kusina.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga
hindi ko alam kung ano ang uunahin ko...
" Sandali !! " ani ko sa pag-aakalang may kumakatok.
nang akmang dadamputin ko na ang telepono
tumigil ang pagtunog nito at maging ang pagdabog ng pinto.
Sandali akong napahinto...
napalingon ako sa wall clock .. 3am —
sino naman kaya ang manggigising sa akin ng ganung oras ??
Iniisip ko nalang na baka isa iyon sa mga prank jokes ng
anak sa kabilang bahay.
Bumalik ako sa higaan.
bago ko ipikit ang aking mga mata...
nangyari na naman ang kalabog at pagtunog ng telepono.
Bumagon ako at dali-daling nagpunta sa front door
sa pag-aakala kong maabutan ko ang mga pilyong bata..
pagkabukas ko ng pinto isang babaeng umiiyak at duguan ang
aking nakita..
wasak ang kaliwang pisngi nito na kitang kita ang laman
at lapnos naman ang kanan..
wasak ang kanan mata at ang noo nito ay may sulat ngunit hindi
ko mabasa...
Halimaw !! sa isip ko .
Gusto kong sumigaw pero hindi ko maibuka ang aking bibig..
Di rin ako makakilos
palapit sya ng palapit sa akin
Dyosme !
OH my GosssH ! Help !!
BINABASA MO ANG
Missing !
Mystery / Thrillerhey guys !this is my first story hope you like it !! GBU. thank you in advance .