Alyana Zhong
Maaga akong nagising ngayon dahil binuhusan ako ni kuya Brett at ni Chenle ng malamig na tubig.
"Bwisit kayong dalawa! Birthday na birthday ko, eh!" sigaw ko habang tawa sila nang tawa. "Birthday gift namin 'yan sa'yo." sabi ni kuya. Inirapan ko na lang sila at bumangon na. Bahala sila! Sila magmop nu'ng sahig!
Bumaba na ako at nakita kong nandu'n sila Tamara. Nagulat sila nang makita ako. Mukha akong natulog sa swimming pool!
"What happened to you, bitch?" tanong ni Elisa.
"Taena ni kuya at ni Lele." sabi ko na kinatawa naman nilang tatlo. "Pakyu, tawa kayo diyan."
"Happy birthday nga talaga, Aly." sabi ni Scarlet.
"Happy talaga. Magkikita sila ni Renjun mamaya eh." sabi naman ni Tamara.
"Shut up. Mag-aayos na ako tapos alis na tayo." sabi ko kasi alam kong aasarin na naman nila ako. Tumango na lang silang lahat pero mapang-asar pa rin 'yung mga tingin sa akin.
Pumunta kaming apat sa mall. Nagshopping lang kami at kumain. Nagpahatid naman ako sa park nu'ng 3:45 pm na.
"Aga mo naman," salubong ni Renjun sa akin.
"Ikaw? Ba't nandito ka na?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Sungit naman!" reklamo niya. Kita mo 'to.
May inabot siya sa aking paper bag. Tinignan ko siya. "R-regalo ko. Iaabot ko lang sa'yo tas uuwi na ako. Happy birthday ulit, Aly." sabi niya sabay kaway. Napatango na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Umupo ako sa swing at binuksan 'yung paper bag na bigay ni Renjun. Mayro'n du'ng Moomin na keychain at... envelope?
—
Aly,
Hi, Aly! Happy birthday!
Sa totoo lang, dapat sa chat ko 'to sasabihin... pero mas gusto kong mag-effort kaya sinulat ko na lang.
Crush kita. That's all. Send tweet.
Love,
Renjun—
"Taena?"
Umalis ako sa park at pumunta sa bahay nila Renjun. Sa tapat lang ng park, eh. Nagdoorbell ako at sinalubong ako ni Jeno. "Oh, Aly, ba't—"
Nagtanong ako agad, "Si Renjun?"
"Nasa taas. Anong ginagawa—"
"Padaan." sabi ko.
"Huh? Ah, si—"
"Tabi!" sigaw ko. Ingay naman nitong ilong na 'to! Ano bang ginagawa nito dito?
"Galit? Hoy, happy birthday pal—"
"Salamat!"
Umakyat ako at kumatok sa pinto ng kwarto ni Renjun.
"Ano ba, Jeno?! Oo na, ikaw na may jowa! Taena naman, baka si Keisha 'yung nagdoorbell kaya bumaba ka—" Pinagsasabi nito?
"Pakyu, Renjun! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw ko sabay katok ulit, mas malakas kaysa sa kanina.
"Ta—hah?! Ba't babae boses mo, Jeno?! Teka—Aly?!" Mas nilakihan niya ang bukas sa pinto para makalabas siya.
"Ano 'tong letter mo, ha?! Letter ba 'to? Ina-April fools mo na naman ba ako?!"
"H-huh? Hindi ah! Crush talaga kita." sabi niya sabay kamot sa batok. Ano raw?!
"Taena, ano?!"
"Kaya ako nagchat sayo para mapansin ako." tumingin siya sa akin, "S-sorry, Aly."
Nawala naman ang pagkakunot ng noo ko nang magsorry siya. Wala naman siyang ginagawang masama. "Ba't ka nagsosorry?"
"Kasi ina-April fools kita lagi kaya akala mo niloloko kita. Tapos isang buwan kitang iniistorbo lagi. Tsaka sorry... kasi... ewan. Because I'm a fool?" sabi niya, medyo nag-aalangan pa sa huli. Ngumiti siya at nagsalita ulit, "Sige na. 'Wag mo na ako pagsayangan ng oras. Enjoy your day. Happy birthday ulit, Al—"
Lumapit ako at niyakap siya.
"I'm a fool for you, Renjun."
BINABASA MO ANG
april fools! | renjun
Fanfiction[dnyl series #2] renjun tries to catch the attention of his crush, alyana, by sending her messages at 12AM for the whole month of april. completed.