Chapter Six

956 17 0
                                    

PARANG gusto nang magsisi ni Kath na sumama pa siya kay Jemarie. Nahihilo na kasi siya sa mga pinaggagagawa nito sa kanya.

Pagdating pa lang nila sa mall ay agad na siyang hinila nito sa iba't-ibang boutiques at kung ano-anong mga damit ang ipinasukat sa kanya. Binilhan pa siya nito ng swimsuit na gagamitin niya sa birthday nito sa weekend. Gusto nga niyang mag-protesta dahil hindi siya sanay magsuot ng two-piece bikini sa harap ng ibang tao. Ngunit walang nagawa ang pagpo-protesta niya dahil binili pa rin nito iyon.

Binilhan din siya nito ng mga doll shoes na gagamitin niya sa paglabas-labas niya. Talagang kina-career nito ang pagbabawal sa kanya na magsuot ng maluluwang na damit kahit na palagi niyang sinasabi dito na doon siya komportable kaya iyon ang mga sinusuot niya. Sa huli ay hinayaan na nga lang niya ito. Ito naman ang nagbayad ng lahat ng mga pinamili nila. Ipababayad din naman daw nito iyon sa kuya nito dahil may malaking kasalanan daw ang kapatid nito dito. Nang tanungin naman niya kung ano iyon ay inisnab lang siya nito.

Pagkatapos ng walang humpay na pamimili ay kumain muna sila bago siya dinala nito sa isang salon. "Anong gagawin natin dito?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. 'Wag nitong sabihing pati ang buhok niya ay pakikialaman din nito? Hindi pa naman niya basta-basta pinagagalaw kahit na kanino ang buhok niya.

"Don't worry, pagagandahin lang naman lalo kita eh. 'Wag kang matakot, magagaling ang mga parlorista dito." paniniguro nito. Hinila siya nito sa loob at ipinaubaya sa isang guwapong bakla. Sayang ang hitsura ng baklang mag-aayos sa kanya dahil guwapo naman talaga ito.

"Don't worry, Mama ako ang bahala sa inyo. Mamaya lang ay hindi n'yo na kilala ang sarili n'yo dahil lalabas ang gandang hindi n'yo inakala." pangako nito sa kanya.

Hindi niya napigilang matawa dahil sa sinabi nito. Hinayaan na nga lang niya itong gawin ang gusto nitong gawin sa buhok niya. Weird man pero magaan ang loob niya sa baklang 'to. Sa tingin nga niya ay mapapaganda siya nito sa paraang hindi niya inaakala.


"AYAW mo na agad uminom? Lubos-lubusin mo na ang treat ko sa'yo."

Tumango lang si Kath bago inisang-lagok ang tequila na nasa baso niya. Nandoon sila ni Jemarie nang mga sandaling iyon sa Black Rose Bar and Restaurant. Kilala nila ang isa sa mga may-ari niyon. Si Slater Young, isa sa mga kaibigan at kasamahan ni Dennis sa Camp Speed. Ang akala talaga niya ay uuwi na sila pagkatapos nilang suyurin ang buong mall pero nagkamali siya. Dahil doon sila dumeretso.

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa din makapaniwala sa kinalabasan ng make-over na ginawa ko sa'yo?" nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ni Jemarie mayamaya.

Natatawang umiling siya. Hindi naman kasi niya inakalang may itinatago pa siyang ganoong hitsura sa likod ng hindi niya pag-aayos. Sinasabi naman sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya na maganda siya at nagmana siya sa mommy niya pero mas maganda pa pala siya sa inaakala niya. Nalagpasan ni Russel---ang baklang nag-ayos sa kanya sa salon---ang expectations niya. Totoong napaganda pa nga siya nito. Ni hindi nga niya nakilala ang sarili niya nang matapos si Russel sa ginagawa nito sa buhok niya. At pakiramdam niya ay tumaas ng bonggang-bongga ang self-confidence niya nang makita niya ang pinagbago ng hitsura niya.

"So, ano ang pakiramdam mo ngayon?"

"Iyong totoo, napaka-gaan ng pakiramdam ko. No'ng nakita ko iyong hitsura ko kanina pagkatapos akong ayusan ni Russel, parang biglang tumaas ng bonggang-bongga iyong self-confidence ko. Ewan ko, parang ang laki ng pagbabago." Naguguluhan talaga siya sa nararamdaman niya ngayon. Mixed emotions kasi ang pumupuno sa buong sistema niya mula pa kanina sa mall. Masarap naman palang mag-shopping kasama ang mga kaibgian. Hindi kasi niya naranasan iyon kahit minsan dahil wala naman siyang kaibigan. Ngayon nga lang sila nag-bonding ni Jemarie sa pagsa-shopping nito.

"Ganyan dapat. Maganda ka naman kasi talaga eh, ayaw mo lang mag-ayos. Matagal ko na naman kasing sinasabi sa'yo, ayaw mo lang akong sundin. I'm such a genius," pagpuri nito sa sarili na madamdaming humawak pa sa dibdib nito.

Natawa siya pero sa isang banda ay naniniwala siya dito. Isa nga itong genius dahil nagawa siya nitong baguhin physically in just a short span of time.

Mayamaya ay may tatlong lalaking lumapit sa table nila. "Hi girls," bati ng mga ito sa kanila.

Sabay pa silang dalawa na nag-angat ng tingin. Gusto niyang tumango-tango dahil guwapo ang tatlong lalaking lumapit sa kanila. Pero hindi naman kasi siya ang tipo ng babaeng basta-basta nakikipag-kilala sa kung sino-sino kahit na guwapong lalaki pa iyon.

"Hello. Anong kailangan n'yo?" nakangiting tanong ni Jemarie sa mga ito.

"If you don't have anyone with you, can we join you? Tatlo lang kasi kaming magkakasama eh. Mas masaya kung madami 'di ba?" sabi ng lalaking naka-bull cap.

Tumaas ang isang kilay ni Jemarie. "I'm afraid I have to disagree with you. You see, my friend and I are enjoying the night with just the two of us. Kaya kung okay lang, iba na lang ang lapitan n'yo."

Gusto niyang palakpakan si Jemarie sa pambabara nito sa lalaki. Kilalang mabait at pala-kaibigan si Jemarie pero simula nang nakaraang tatlong taon ay naging aloof na ito sa mga kalalakihan. Alam niya kung bakit pero hindi naman niya isusugal ang buhay niya para buksan ang paksang iyon. Dahil alam niyang sensitive ito doon.

"Mag-iingat ka sa mga lalaking gano'n ha? Gusto lang nilang maka-score sa mga babae." Pumapalatak na sabi nito pag-alis ng tatlong lalaki. Kakamot-kamot sa ulo at binabalikan pa sila ng tingin ng mga ito.

Napapalatak na lang din siya. Minsan talaga ay gusto niyang sabunutan ang babaeng 'to. Hindi lang niya magawa dahil mabait naman ito sa kanya at para na din niyang nakababatang kapatid ito.

Inubos na lang nilaang oras nila sa pag-iinuman at pagku-kuwentuhan na nauwi sa pagpa-plano ngkung ano-anong kalokohan.

Camp Speed Series 13: Why are we still friends? [Published under PHR] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon