A Fairytale Love Story #11

56 9 0
                                    


Miss...... Miss..... sandali lang naman may itatanong lang ako? Sino ka ba talaga ha? Kausapin mo naman ako kahit saglit lang? Please.....

Eto nanaman tayo parang kailan lang ang huli gaano man kalayo pero parang tayo'y pinagtatagpong muli.... kasi alam ko na hindi lang kita napapanaginipan, nakikita rin kita kapag mulat yung mga #dolleyes ko pero ang gusto ko lang naman ay maka-usap ka at malaman kung ano ang connection mo sa buhay ko? Kung sino ka? Kaya sana naman mapagbigyan mo ako kahit ngayon lanp kasi wala akong mapapala sa ganda at pag-ngiti mo lang!!!

Gusto mo ba talagang malaman, kung sino talaga ako? Malalaman mo rin ang lahat ng mga kasagutan sa tanong mo, sa tamang panahon....

Pati yung tanong ko kung ano ang pangalan mo hindi mo rin masasagot? Gorabeeh ka naman! may mas pa pala sa kaartehan at ka-OA-han ko!

Eh! Kung Jumbagen kaya kita....Kung inaakala mo na hindi kita papatulan. Hoy! Kahit extra lang ako sa mga imaginations at panaginip mo papatulan talaga kita gagang toh! Nakakaloka..... Oh siya sige Ako nga pala si Preciousa from the beautiful and magical land of your dreams.... parang Genie in a bottle ba? O kaya'y hmpf??? Guardian Angel pwede ring Fairy God Mother teh!

Bongga di ba? Kaya ang masasabi ko lang sayo teh! "Never Stop making wishes" because our Life isn't a Fairytale, but sometimes....Your wish can come true. Congrats girl, dahil sa tingin ko the long wait is over, at worth it ang paghihintay mo kasi feeling ko natagpuan mo na ang lalaking iyong mamahalin at iibigin habang buhay nandiyan lang siya sa paligid mo at sa tabi-tabi.....

Sino???

Hindi ka naman abusado noh! Sobra-sobrang impormasyon na nga yung binigay ko sayo may bonus pa tapos hindi ka pa makuntento....Kung gamot lang siguro ang ibinigay ko sayo baka hindi ka lang naoverdose namatay ka pa!

Ay, ang taray mo teh! Pasensiya ha? Last na talaga to! Bigay ka pa ng clue...please????

Ah! Basta nandiyan lang siya sa paligid mo malapit sayo pero kung desperada ka talaga bahala ka ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan at diskarte.... Break a Leg nalang, saka gumising ka na lang at nang makita mo kung sino ang hinahanap mo.... Bayiiih!!!!

Beka's POV:

At tulad ng sinabi sa akin ni Preciousa na gumising nalang ako para makita ko kung sino ba talaga ang hinahanap ko? Pero bago ko pa maimulat ang aking mga maganda at mapupungay na mga mata nagising nalang ako bigla sa mga kaluskos ng mga nagtatalunang paa at sa mga nakakabinging pagtili ng mga malalanding babaita na ito....

A Fairytale Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon