DON'T FORGET TO VOTE❤️
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Isang nanaman bangkay ang natagpuan dito sa Sitio Dos , Mahalia City. Sinasabing ang may ari ng bangkay na natagpuan ay Liza Minter, ang nasabing biktima ay isa lamang dayo sa lugar. Ayon sa pulisya ay nagtamo ang biktima ng six hundred sixty-six na saksak sa iba't ibang parte ng katawan nito. Mayroon ding natagpuan na tatung barcode sa biktima. Ang nasabing barcode ay hinihinalang kahalintulad sa mga na unang ng biktima ng pagpatay. Inaalam pa ng pulisya ang buong ditalye tungkol sa nasabing pagpatay.
Pagbukas ko ng TV ay yan agad ang sumalubong na balita sa akin.
"Ayan anak ang sinasabi ko sa iyo. Kaya kayo ha, wag na wag kayong lalabas mag-isa lalo na pag gabi." bilin ni Nanay sa mga kapatid ko
"Opo nay." sagot naman ng mga kapatid ko
"O siya,Shelley, tulungan mo na akong mag-ayos ng lamesa dito at nang makakain na tayo. "
Tumayo naman agad ako at kumuha na ng mga plato. Pagkatapos naming mag-ayos ni Nanay ay tinawag ko na ang mga kapatid ko para makakain na kami. Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan at si Nanay naman ay nagpapatulog sa mga kapatid ko. Pagkatapos kong maghugas ng plato ay pumasok na rin ako sa kwarto at natulog.
Oo nga pala,ako si Shelley Davis. Ako ang breadwinner ng pamilya namin. Lahat ng raket pinapatulan ko. Ulitimo paglilinis ng inodoro nagawa kona. Kilala ako bilang palaban at walang inuurungan. Pero ngayon medyo nahihirapan akong maghanap ng trabaho dahil college undergrad lang ako.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
KINABUKASANMaaga akong nagising dahil maghahanap pa ako ng mapapasukang trabaho dahil kung hindi,baka mamatay pa kami sa gutom. Naligo ako at nagbihis ng maayos na damit. Nag-iwan na lang ako ng sulat kay Nanay at saka umalis.
[FAST FORWARD]>>
Kung saan saan na ako nakarating kakahanap ng trabaho. Pago na ako, dumagdag pa ang init. Napagpasyahan kong tumambay muna sa isang karenderya sa tabi ng kalsada. Nag-order ako ng makakain at tubig dahil gutom na rin ako. Mayamaya pa ay dumating na ang inorder ko. Binilisan ko lang ang pagkain dahil maghahanap pa ulit ako ng trabaho.
Pagkatapos kung kumain ay nilapitan ako ng isang maganda at sexy na babae. Uy baka isipin ninyo tomboy ako ahh.
Shelley long time no see!" bati niya sa akin. Wait lang,kilala ko ba ito?
Ahh miss kilala ba kita?"
Ako toh, si Michelle. Don't tell me nakalimutan mo na ang best friend mo." pabiro niyang sabi.
"Michelle ? As in Michelle Tuazon?"
"Oo !" sabi niya at saka ako niyakap.
Nagkwentuhan lang kami dahil sobrang tagal na rin naming hindi nagkikita. Ibang iba na siya kesa dati, mukha na siyang mayaman.
"San kana pala nagtratrabaho ngayon?" tanong niya
"Ahh,yun nga prinoproblema ko ehh. Wala na akong mahanap na trabaho."
"Ay saktong sakto. May bakante pang pwesto dun sa minamanage ko na Touring Company. Gusto mo dun ka na lang."
"Anong trabaho ba yan?"
"Tour guide lang. Saktong sakto sayo kase tourism naman ang kinuha mo sa college diba?" tumango na lang ako
"Sige ,amo ba kailangan ipasa?"
"Naku ako na bahala sayo. Kung gusto mo bukas magsimula kana."
"Talaga ! Maraming salamat Michelle." tuwang tuwa kong saad
"No problem. Para saan pa at naging mag best friend tayo."
Tinanggap ko ang ibinigay na trabaho ni Michelle. Pero hindi ko inakala na ang kapalit ng pagtanggap ko non,ay ang aking buhay.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Isang linggo na ang makalipas simula ng magtrabaho ako sa kompanyang pinapasukan din ni Michelle. Ngayong araw medyo maraming turista ang nagpapatour sa amin kaya ginabi ako ng uwi.
Habang naglalakad ako pauwi ay nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at binilosan ko ang pagpalakad ko hanggang sa may taong biglang sumulpot sa harapan ko. Akala ko ay holdaper lang pero nagkamali ako.
Umiwas lang ako at saka naglakad ng mas mabilis ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may naramdaman akong patalim na tumusok sa likod ko. Tinignan ko ito at hindi nga ako nagkamali.
Pinilit kong tumakbo palayo ngunit dahil sa sobrang sakit ay natumba ako at nawalan ng malay. Mayamaya ay naramdaman ko na parang may kumikirot sa pulso ng kanang kamay ko. Muli ako nawalan ng malay at sa pagkakataong ito ay hindi na ako muli pang nagising.
"Isa nanamang karumadumal na pagpatay ang naganap dito sa Sitio Dos, Mahalia City. Ang biktima ay kinilala ng mga pulis na si Shelley Davis na dito lang din lamang nakatira. Ayon sa mga pulis ay pauwi na ang biktima ng ng maganap ang pagpatay. Nagtamo ang biktima ng six hundred sixty-six na saksak at may roon ding tattoo na katulad sa mga unang biktima ng pagpatay. Batay sa pulisya ay iisang sindikato lamang ang nasa likod ng mga pagpatay na ito. Pinapaalalahanan po ang mga tao na huwag lalabas ng gabi lalo na kapag walang kasama dahil baka ikaw na ang susunod na biktima."
YOU ARE READING
BARCODE(One Shot)
RandomSa mundong ito,puno ng pagpatay. Pero paano kung ikaw na ang susunod