PROLOGUE

89 5 0
                                    






YUGTO 1








October 27, 2028






















"Mukhang natagalan pa sila ah," kalbit sa akin ni Mika na nakuha ang atensyon ko mula sa tinitignan kong tanawin sa harap ko. Ang ilog na parati naming nadadaanan nung highschool pa kami. 












Ngumiti na lang ako at iniabot sa kanya ang bulaklak na ireregalo para sa kaibigan namin.













"Mika! Ara!" sigaw ng dalawang boses na papalapit sa amin. Sila Kim, Carol at Jeron. 













"Aga niyo naman, mag-jowang to talaga!" asar ni Kim sa aming dalawa ni Mika. Hinampas ko sa kanyang braso ang hawak kong boquet. 













Bigla namang itinaas ni Jeron ang kanyang ang kamay, "Malapit na makumpleto ang barkada! Tara na kay Thomas!" at tumakbo. Sumunod na agad kami sa kanya.














Habang naglalakad kami ay nakanta lang kami ng 'Happy Birthday, Thomas'















"Baka mainip pa yun, bilisan na natin." mahinang sabi ni Kim na tumigil sa pagtakbo. 















Binagalan naming apat ang paglalakad dahil hinihingal na kami sa pagtakbo namin kanina. Sinabit naman ni Mika ang kamay niya sa braso ko.












"Excited ka?" tumango ako. "Ako rin." 















Nang makarating kami sa labas ng bahay ni Thomas, napatigil lang kaming apat sa labas ng gate.  Pumunta si Carol sa harap namin.  













"Bago ko buksan ang gate, paalala ko lang ha, dapat happy lang mamaya." Isa-isa pa niya kaming tinapik sa ulo. "Diba ayaw ni Thomas ng malungkot?" 












Nilapitan naman ni Kim si Carol upang tapikin din siya sa braso nang medyo malakas. "Oo na, tara na! Hindi na ako mapakali e." at binuksan ang gate. Pagkapasok namin ay tuloy parin ang asaran.












Hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Mika na nakakapit sa akin. Tinignan ko ang tatlo pa naming kasama at nginitian sila. Sabay-sabay silang tumango.












Saktong pag-alis ng kapit ni Mika sa akin ay sumalubong ang tita ni Thomas. 










"Kanina pa kayo niya hinihintay." bati niya sa amin.



















Pagpasok namin sa bahay nila, nakita namin agad si Thomas. Nakangiti.
















Ang ngiti na gusto kong makita palagi. Palagi.



















"Buti nakarating kayo."




















*Bawat Piyesa - munimuni
















-----

Thoughts? Hehe :> Please leave a vote! 

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now