Lord! Give Me a Boyfriend

42 4 0
                                    

Gusto ko na talagang magka-boyfriend. Mag twe-twenty-two years old na ako, wala pa rin akong boyfriend. Dati hindi naman ako gaanong nag-aalala sa pagiging boyfriend-less ko. Nag-aaral pa kasi ako noon at iyon ang nagsisilbing excuse ko. Pero tapos na ako ngayon e. Ano pang excuse ko?

Aaminin ko na, hindi gaanong noble ang reasons ko kung bakit gusto kong magka-boyfriend. I want to have a boyfriend primarily because I feel curious. Parang pakiramdam ko kasi I'm missing out on something that most men and women of my generation are into. I want to know how it feels like. Ayoko namang habang buhay na lang nakikinig sa mga kwento ng ibang tao.

My second reason is well, alam niyo na. Dyahe mang aminin, gustong-gusto ko nang gawin (embarrassed giggle). Sabi nga ng isa kong baklitang kaibigan: Kung ayan lang naman ang gusto mo, pwes, maghanap na lang tayo sa Quezon Ave. Pero he doesn't get it. If I'm going to do it, I'm going to do it with somebody I know, somebody I can trust. Hindi kung sinong puta na naka-tambay sa Department of Agriculture na naka-black muscle shirt. No way! May standards din naman ata ako. Although kating-kati na ako, I want to do it with somebody whom, at the very least, I like.

Most importantly, gusto ko rin sanang magka-boyfriend for the companionship. My buddy once told me na pag bumabagsak siya sa mga production niya, naglalakad sila ng boyfriend niya around the oval. Andun lagi yung boyfriend niya to make her feel better. I want something like that. Although generally ay masayahin akong tao, may hang ups din ako at problema paminsan. Gusto ko rin yung may taong umaalalay sa akin. Yes, I have my friends. They're great people pero they don't really get involved with my problems. Hanggang Kaya mo yan no! Ikaw pa! lang ang maiibigay nila sa akin. Gusto ko ng taong talagang sasamahan ako. Tulad na lang noong isa pang kaibigan ko. Pag kailangan niya ng tulong sa prod niya, tinutulungan siya ng bf niya, paminsan yung lalaki pa nga ang nauutangan niya ng panggastos. Pag kailangan naman ng bf niya na may gumawa ng papers niya, yung kaibigan ko naman ang hahalili. Gusto ko ng isa pang kaibigan.

Recently nagte-text kami noong isang friend ko. Nasabi ko sa kanya na gustong-gusto ko na talagang mag-boyfriend, pero walang nagpapa-cute sa akin maliban sa mga tricycle driver, security guard at construction worker. Siyempre ang reply niya sa akin ganito: Alam mo, its never good to be happy because of just one man. Bakit, sino bang nagsabi na gaganda na ang mundo ko at magkakaroon na ng world peace pag nagka-boyfriend ako? Ang tingin kasi ng ibang tao, kahinaan para sa isang babae na mag-whine sa pagiging single niya. Ok lang naman yun e. Its just that, natural inclination ng maraming babae ang kagustuhan na magkaroon ng lalaki (o kapwa babae, for that matter) sa tabi nila. Oo, importante ang matataas na grades, ang mabuting career, ang mabubuting kaibigan, pero hindi masama ang maghangad ng isang mabuting lalaki (o babae). Paminsan, gusto lang nating magkaroon ng isang tao sa tabi natin na tatanungin natin ng ganito: In love ka sa akin, ano? At sasagot naman siya ng ganito, Oo naman, siyempre!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lord! Give Me a BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon