Chapter 1

7 0 0
                                    

'ILYSB'

"Oh, my heart hurts so good, i love you babe, so bad, bad, Oh my heart hurts so good, i love you, babe, so bad, so bad.."

Naka pikit ako ngayon habang kinakanta ng paborito kong banda ang pinaka paborito kong kanta nila.

"Ayos ba Vanny?" Tanong ni Mira na nasa concert ngayon ng LANY, dahil bestfriend ko siya gumawa siya ng paraan para makapanood din ako. Kaso nga lang habang nakikipag video call. Di ako naka punta dahil madaming bayarin sa school tsaka kulang din yung ipon ko para sa concert kaya eto tamang nood lang sa pag vivideo ni Mira.

"Sana all talaga.." Yun nalang yung nasabi ko at biglang nawalan ng connection. Kingina!!! Sinubukan ko ulit makipag video call kaso hindi niya na sinasagot. Wala na nag enjoy na ang gaga.

Nag ayos nalang ako ng sarili para pumasok ngayon sa trabaho, nag tatrabaho ako sa milk tea shop malapit sa school. Kapag umaga estudyante ako kapag gabi naman nag tatrabaho ako.

Saktong pag labas ko ng boarding house may dumaang jeep papunta sa school ko kaya pinara kona yon. Iniabot ko ang bayad tsaka umayos ng upo, isinalpak ko ang earphone ko sa aking tenga at nag patugtog nalang ng LANY song.

Now playing: ILYSB

Napapa head bang nalang ako ngayon dito sa loob ng jeep, buti nalang at kokonti ang tao at wala pang pake sa paligid nila. Ipinikit ko ang mata ko at iniisip na nasa concert ako ngayon ng LANY.

"Oh my heart hurts so good, ilove you, babe so bad, so bad.." Hindi kona napigilan at napakanta nako, habang naka tingin sa bintana ng jeep iniimagine ko na nagawa ako ng music video parang ewan lang diba.

"Oh my heart hurts.. oh my heart hurts.. so bad.. so bad."

Pag lingon ko sa harapan ko nagulat ako ng makita kong naka ngiti sakin yung lalaki kaya naman napatitig ako sakanya. Sabog ba 'to? O nagagandahan sa boses ko? Jusko Vanny nakaka hiya mukang napapalakas na yung pag kanta mo. Tinanggal ko ang earphone ko sa tenga at umiwas ng tingin sa lalaki. Di naman siya mukang masamang tao pero ang weird niya.

"Miss?"

Nagulat ako ng bigla niya kong tawagin. Lumingon muna ko sa kaliwa't kanan ko at ako nga talaga ang tinutukoy niya.

"Ako? Bakit?" Takang tanong ko bigla siyang lumipat ng upuan at nagulat ako ng bigla siyang tumabi sakin kaya napa usod ako ng konti.

"Fan ka ng LANY?" Naka ngiti niyang tanong kaya tumango nalang ako kasi naman ang weird niya talaga.

"Same, fav song mo yang ILYSB?" Tanong niya ulit. Sabog ba 'to? Sayang maitsura pa naman kaso mukang nakaka hithit ng rugby.

"Oo 'e. Bawal ba?"

"Nako hindi 'a. Same tayo!"

'O tapos? Di ako sanay na makipag usap sa taong madaldal katulad niya, ang weird bakit kasi ang layo ng school sa boarding house ko ang tagal ko tuloy makarating, tapos may sabog na lalaki pang kumakausap sakin.

"Oyy sorry kung nagulat ka sa pag lapit ko, napansin ko lang na ang ganda ng boses mo tapos fav song ko pa yung kinakanta mo na fav song mo 'din pala hehe." Mukang nahihiya niya pang saad pero salamat sa papuri. Maganda ba talaga boses ko?

".. Concert pala nila ngayon 'no? Sayang hindi ako naka punta busy ako sa school 'e." Dugtong niya. Napapa nganga nalang ako habang nag sasalita siya, napaka daldal niyang nilalang.

"Ang talkative mo din 'no?" Saad ko.

"Ayy pasensya na, first time ko kasing maka encounter ng isang LANY fan tapos dito pa talaga sa jeep." Natatawa niyang sagot. Ngumiti nalang ako ng pilit sakanya at bigla ng tumigil yung jeep sa may school. Buti nalang at makakalayo nako sa lalaking 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LANY'S PLAYLISTWhere stories live. Discover now