Tunay na Pag-mamahal sa Ganap na Panahon (True Love at the Perfect Moment)

534 12 0
                                    

Tunay na Pag-mamahal sa Ganap na Panahon (True Love at the Perfect Moment)

Sa paaralan ng FEU Silang ay nag-aaral si Sarah Geronimo. Siya ang mag-aaral na may pinakamataas na karangalan hindi lamang sa kanyang klase kung hindi rin ay sa buong baitang nila. Siya ay nasa ikatlong baitang pa lamang nang siya ay ligawan ng kanyang kamag-aral na si John Lloyd Cruz. Parehas silang may kaya sa buhay, mas mayaman nga lang sila John Lloyd. Hindi lingid sa kanilang mga magulang ang panliligaw ni John Lloyd kay Sarah.

Sa bahay nila Sarah…

John Lloyd: Sarah?

Sarah: Bakit?

John Lloyd: Kailan mo ba ako balak sagutin? Tatlong araw na akong nanliligaw saiyo eh.

Sarah: Naiinip ka na?

John Lloyd: Hindi naman. Sadyang sabik lang akong maging tayo.

Sarah: Sige na nga. Sinasagot na kita.

John Lloyd: Tayo na?

Sarah: Oo nga! Bakit parang hindi ka makapaniwala kasi.

John Lloyd: Masaya lang talaga ako. Mahal kita Sarah.

Sarah: Mas mahal kita John Lloyd.

 Nag-tagal ang relasyon ni Sarah at John Lloyd. Nakalipas ang tatlong taon at dumating ang panahon na nasa ika-anim na baitang na sila ng elementarya. Dumating din ang napakaraming programa sa baitang at paaralan nila. Kagaya na lamang ng Thanksgiving Night, Mr. and Ms. Sports Fest, at ang huli ay ang Graduation at Graduation Ball. Sa mga nasabing programa ay sina Sarah at John Lloyd ang magkapareha.

Sa gabi ng Graduation Ball nila…

Host: (sa entablado) And now ladies and gentlemen. We will proceed to the awarding of the special awards to the glamorous and gorgeous men and women. Eto po yung mga nag-shine ngayong gabi.

Kim: Guys for sure si Christine yung mananalo sa mga girls.

Maja: Kim talaga! Eh paano naman si Sarah?

Yeng: Oo nga Kim! Sa ganda ni Sarah siguradong taob yang mayabang na si Christine.

Kim: (pabulong) Wag kayong magulo. Kailangan ko lang sabihin yun kasi binayaran ako ni Christine para sa publicity niya.

Host: (sa entablado) And now for our Prince of the Night, Wow! Deserving talaga siya. Walang iba kundi si Mr. John Lloyd Cruz.

Sarah: Heart ikaw yun. Pumunta ka na ng stage.

John Lloyd: Tandaan mo heart, ano man ang mangyari. Ikaw pa rin ang nag-iisang Princess of the Night ng buhay ko.

Yeng: Cheesy mo John Lloyd. Pumunta ka na lang doon.

Pumunta na si John Lloyd sa entablado.

Host: Congratulations John Lloyd. Ngayon naman para sa Princess of the Night natin. Congratulations to a glamorous and gorgeous lady of this night. Walang iba kundi si Ms. Sarah Geronimo. John Lloyd sunduin mo na ang prinsesa mo.

Kinoronahan sina John Lloyd at Sarah bilang Prince and Princess of the Night. At dahil sa kanilang parangal ay nagkaroon sila ng pagkakataon na sumayaw sa dance floor na silang dalawa lang.

Host: John Lloyd, yayain mo ng sumayaw si Sarah. Sa inyo ang dance floor ngayon.

Habang sumasayaw sila John Lloyd at Sarah…

John Lloyd: Ang ganda talaga ng girlfriend ko.

Sarah: Bolero talaga yung boyfriend ko.

John Lloyd: Totoo naman sinasabi ko ah. Bawal na ba magbigay ng compliment ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ashrald Fan Fictions - One Shot Stories Collection by Sarahgestrada17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon