VII

40 2 0
                                    


Charlotte's POV

Today is today not tomorrow or yesterday but-- okay tama na ang englishan baka ma nosebleeding yung mga readers.

"Ready ka na ba junakins? Ngayong mukhang tao ka na. Maging confidence ka okay?" Saad ni mama sakin.

"Hindi ko kailangan ng confidence. Nakakalungkot lang na hindi nakauwi si papa. Hindi ba ako importante?" Pagdadrama ko.

"Junak. Hayaan mo na. Siya naman gumastos neto lahat. Akala ko ba nagka intindihan na kayo?" Maluha-luhang tanong sakin ni mama. Oa much.

"Char it's time. Labas na kayo dyan." Singit ng make up architect ko.

"Sige nak mauna na ako sa baba."

"Mudra naman eh. Sabayan mo ako."

"Ayoko wag na. Baka masapawan lang kita sa beauty kong mala Yoon Seri. Birthday mo pa naman." Saad ni mama kaya napairap nalang ako.

Bago ako lumabas tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin at nag gangnam style. Nakasuot ako ng long gown na gold na kita ang likod at heels din na gold. Expired kasi ako sa kadenang ginto.

Yung buhok ko ay ginawang kulot pero bumagay naman sakin. Sa huling pagkakataon ay nangulangot ako at lumabas na.

Pagbaba ko ng hagdanan lahat sila napatingin sa akin. May iba pang nakanganga kaya napasukan ng langaw ang bibig. Ngumiti ako at nag slowmo ang pagbaba gaya sa mga napapanood ko. Ang haba pa naman ng hagdan baka bukas pa ako makababa.

Hinanap ng mata ko si tito Ansel. Siya kasi yung escort ko mahirap na at andun nga siya nakangiting nakatingin saakin na parang ako ang pinaka magandang babaeng nakita niya hihi. Ang gwapo niya din sa suot niyang gold na tuxedo nag mukha siyang Kpop.

Na boring ako sa pag slowmo na pagbaba kaya para maiba naman ay hinaluan ko ng boomerang style ang pagbaba ko. I'm so bright like a diamond. Nakita kong natawa si Ansel kaya inirapan ko nga.

Pagkarating ko malapit sa dulo ay hinawakan ni Ansel ang kamay ko at inalalayan agad ako pababa. Bakit ngayon pa? Kung kailan dalawang kembot nalang makakababa na ako? Bobo amp.

Binigyan naman ako ng mic ni Donna. Anong gagawin ko? Omo?! Mag e speechless ako? Bakit hindi ko alam to?? Lahat sila ay nakatingin sakin at nag aabang sa sasabihin ko. Tiningnan ko si mama habang nanlalaki ang mata pero nag finger heart at nagpa cute lang siya. Kainis.

"Just greet them hi." Bulong sakin ni tito Ansel my hero.

"Uhm...








Hi everything!


How are you to find out?"

Masaya kong sabi dahilan ng pag tahimik lalo ng mga tao.

"Yes!" Sigaw ni Ansel at pumalakpak ng malakas.

Pumalak na din lahat ng tao at may nag hiyawan pa kaya napangiti nalang ako. Mukhang magiging masaya tong birthday ko. (Play Birthday by Jeon Somi nasa taas).

Ang daming ganap teh. Tapos na ang kainan kaya party party. Nakaupo na ako dito sa harap para sa candle something. So ayun may mga nag speechless sakin na hindi ko naman kilala. Nakikikain lang pala.

"Hi sissy. Since elementary we were friends. I was always bullied before because yeah I was a nerd but may isang babaeng pinagtanggol ako I was amazed of how tough she was and then I thought, I wanna be strong like her. So here I am. We may not be sisters by blood but you have always been a sister to me, by heart. Kaya sana kahit anong mangyari we'll stay friends." Speechless ni Descyrie at niyakap ako habang umiiyak.

That ML player thingWhere stories live. Discover now