Prologue

21 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming naghahanda ng aming mga gagamitin papunta sa resort na pagmamay-ari ng pamilya nila fiona. The truth is wala talaga akong balak sumama sadyang mapilit lang talaga sila pampawala daw ng stress.

Ideya lahat ito ni jayron next week kasi magiging busy nanaman kami para sa final exam.

"Ano nga palang course kukunin mo?" ani ni cheska habang busy sa pagaayos ng mga bibitbitin namin.

Cheska is my bestfriend. Balingkinitan ang kaniyang katawan bumabagay pa dito ang pagkamorena at mahaba at animoy tuwid na tuwid niyang buhok, mayroon din siyang mapupungay na mata sabayan pa ng mahaba nitong pilikmata inshort
cheska is one of the best example of dalagang pilipina.

"ahh ehh siguro mag me-med nalang ako, wala pa kasi talaga akong alam na kukunin ko" nahihiya kong sambit lahat sila ay may kaniya-kaniya ng plano sa darating na college samantalang ako ni hindi ko panga alam kung saan ako papasok na university o makakapasa pa ba ako.

"fine arts kaya? magaling ka sa pag guhit nagawa mo pangang i-drawing ang mukha ng crush mo dati" nakabusangot naman akong lumingon sakaniya at ang gaga sige ang pag pipigil ng tawa!

sabi nila first year highschool daw yun nang binigyan ko ng portrait yung dati kong crush na arogante pero imbis na tanggapin pinahiya pako grabe daw iyak ko nun halos hindi daw ako nalabas ng kwarto buti nalang nandyan si kuya daniel lagi niya ako dinadalhan ng ice cream sa kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako 2 years ago kasi simula nang maaksidente ako bigla nalang siyang hindi namamansin. I lost my memories at hindi ko alam kung babalik paba.

"hoyyyy ano na natulala ka na dyan iniisip mo parin ba yung crush mo dati? ayieeee!! ikaw huh!? ano may feelings ka parin? ayieeee" sambit niya habang sinusundot ang tagiliran ko, todo iwas naman ako.

"Tama na kasi pag ito nagulo sinasabi ko sayo tsaka duhh tagal na nun ni hindi ko na nga maalala" ani ko sabay irap at upo sa sofa tatawa tawa naman siyang lumapit sa pwesto ko

"Malamang sa malamang. Remember? wala kang maalala" saad niya.

"Matulog kana nga maaga pa tayo aalis bukas" hanggat maari iniiwasan ko ang topic pag dating sa past ko dahil nangako ako sa magulang ko na hindi ko na uungkatin pa ang mga nangyare noon. At first I doubt them sino bang tao ang ayaw bumalik ang alaala nila diba? pero ipinaliwanag naman nila saakin na sa ikabubuti ko lang naman ito.

"pikon talaga kahit kailan" rinig kong bulong ni cheska hindi ko nalang siya pinansin at dumeretsyo nalang sa kwarto ko.

Dito na natulog si cheska para sabay na kami pupunta sa bahay nila fiona bukas. Dahil likas matatakutin siya at madaling araw namin balak umalis kaya nag decide siya na mag sleepover nalang at hindi rin naman ito ang first time na dito siya matutulog.

Agad akong humiga sa kama nakita ko sa gilid ang wallet ko, binuksan ko ito at kinuha ang nagiisang larawan na pinagkaka ingatan ko.

Isang larawan na naging dahilan ng pagbabago ng mundong ginagalawan ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories of yesterdays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon