A Fathers Love [on-going]

66 1 0
                                    

A Fathers Love

 [A/N: No Plagiarism. Kundi Ipapakulong kita!!]

Main cast:

Tanya Erica Salvador

Eduardo Salvador

Paolo Riviera

Prolouge

"Pao, your here. Salamat." sabi ko sa kanya habang may tumutulong luha sa aking mugtong mata. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ngunit nagulat ako ng ikinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Hindi ako pumunta para sayo Erika, pumunta ako dito para sa isang mabait na kaibigan, para sa papa mo." sabi niya sabay alis papunta kay papa. Napaluhod na lng ako sabay takip ng aking mukha. Umiyak na naman ako.

Ang sakit, ang sakit-sakit. Ang sakit isipin na pati ang lalaking mahal na mahal ko ay iniwan na rin ako. Sabagay, deserve ko lahat ng ito. Napakasama ko kasing anak at girlfriend. Wala akong kwenta.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, itatama ko ang lahat ng pagkakamali at kasalanan na nagawa ko. Pero alam kong imposible ng mangyari yon. Imposible.

*********************

"Anak, na pro-mote nga pala ako. Kung dati company driver lng ako ngayon family driver na, sila yung may ari ng kompanya. Mas malaki ang sweldo dun. Nagus--"

"PWEDE BA !!!.. Wala akong ganang makinig sa mga kwento mo. Umagang-umaga ang ingay-ingay mo.!!" pag-putol ko sa kinukwento niya. Ewan ko ba, basta naiirita ako sa boses niya. "Proud ka pa talaga na driver ka lang ha?! Grabe !!!" sabi ko sa kanya.

"Marangal na trabaho naman yon anak" sagot niya.

"Pwede ba wag mo nga akong matawag-tawag na anak !! Tanya Erica pangalan ko hindi ANAK !!!" inis kong sabi sa kanya. "Siya nga pala dumating na ang bill natin sa ilaw at kuryente, nasa ibabaw ng altar, bahala ka na don." sabay alis para pumasok sa school.

"Ahh anak puwede bang ikaw muna ang magbayad??" sabi niya. Bigla akong tumigil sa paglalakad at tumalikod para harapin siya.

"ANO??!! Bakit ako?! hindi ba responsibilidad mo na yon. Yun na nga lang natutulong mo, sakin mo pa din iaasa." galit kong sabi sa kanya.

"Ah eh, si pareng Ted kasi, nagka-dengue anak niya. Humiram muna siya ng pang-ospital sa akin pati sa iba ko pang kasamahan para sa pag-gamot sa bata." dahilan niya.

"Bakit? kasalanan mo ba yon?! Problema niya yon bakit ka makikihalo?!"

"Matalik ko kasi siy--"

"OO NA!! ako na ang bahala !!! tss.." sabay alis para pumasok sa school. Male-late ako ng dahil sa kanya eh. Panira ng araw.

Ako nga pala si Tanya Erica Salvador. 19 y/o. At ang taong kausap ko kanina?! Masakit man isipin, siya ang tatay ko. Kainis talaga yung taong yun kahit kailan. ERASE-ERASE. Ayoko siyang pag-usapan. Aksaya sa oras.

--------

30 mins. bago mag-time for my first subj. nandito ako sa favorite kong tambayan, sa ilalim ng puno ng mahogany. Sa ilalim ng puno, may ginawang upuan na nakapalibot dito. Maganda din ang view kasi kita mo yung field. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari sa bahay. Kahit kailan talaga, panira ng araw ang lalaking yun.

"Goodmorning Babe." nagulat ako ng may magsalita sa  kaliwang tenga ko. Paglingon ko si Paolo, boyfriend ko.

"Goodmorning too babe." malambing kong sabi. Tumabi siya sa akin.

"Mukhang malalim ang iniisip mo? May problema ba?" tanong niya.

"Ha?! wala naman, na mi-miss na kasi kita." sabay kurot sa pisngi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Fathers Love [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon