Close Encounters: One

1.5K 40 11
                                    

Rita's POV

"Rita, you should just go out there and have fun. Masyado kang seryoso sa life! Ang bata-bata mo pa, enjoy while you can!"

Bwisit ka, Anna.

Tumapak ako sa kalsada, at padabog na sinara ang pintuan. Ako na naman ang inutusang mag-sara ni boss ng lounge. It's dark, cold and raining. Such a perfect weather for the perfect night. Nanginig ako ng maramdaman ko ang lamig na simoy ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko habang nagsimulang maglakad. Hindi ako maka-book ng Grab o taxi man lang - tamang commute lang dahil nagtitipid ako. Para na rin makapag-exercise, iniisip ko na lang. Kulang na kulang pa yung kinikita ko bilang singer sa lounge, pinipilit ko rin kasing makapag-ipon kahit papaano. Kasama ko si Anna sa pag-renta ng maliit na studio apartment sa isang building mga isang kilometro mula sa pinagtratrabahuhan ko.

I had tried having fun. Kanina lang ako nakipag-date ulit for such a long time tapos nalaman ko pang kasal na siya. Bakit hindi makuntento ang mga lalaki sa isa lang? Napa-iling ako. Why would someone stay in a marriage he is not satisfied with? Hindi ko talaga maintindihan at hindi ko na rin pinahirapan ang sarili ko sa pag-iisip.

There must be great guys out there, too. Yung mga kaibigan ko, they go out with nice guys all the time pero bakit pagdating sa akin naubusan ata? Puro mga gag*ng lalaki ang nakikilala ko. May mali ba sa akin? Siguro nga. Maybe I shouldn't go on a date ever again. Sa tuwing susubok ako ay lalo lang sumasama ang loob ko.

Sabi ng iba choosy daw ako, pero masama bang magkaroon ng standards? So kahit sino nalang. Alang naman kahit lalaking may asawa papatusin ko?

Napayuko ako habang naglalakad. Nakakapuwing ang hangin na humahampas sa mga mata ko, may kaunting luhang nagsimulang pumatak mula dito. Pero hindi ko na rin alam kung ang luhang to ay dulot ba ng hangin o dahil masama ang loob ko sa palpak ko na namang date. I deny myself crying, I swore to myself I'm not weak. Napatingin ulit ako sa daan ko, malayo pa pala ang apartment. Pagod na rin ako sa paglalakad kaya nang may makita akong 24 hours na cafe ay pumasok ako.

I enter the cafe, at yung mga iilang tao ay pinagtinginan ako. Anong meron? May dumi ba sa mukha ko? Siguro nga sobrang haggard ko. Nalanghap ko ang mainit na kape. Umikot ako ng tingin, nakapunta na pala ako sa cafe na 'to noon.

Lumapit ako sa counter.

"Hi. Anything for you?" Tanong ng staff na mabilis akong tiningnan bago bumalik sa gagawin niya.

"Hi, yeah. Isang coffee, please." Tumango ang lalaki at lilingon na ngunit nagsalita ako ulit, "and, um.. eight.. nine cupcakes please," Mahinang bulong ko. Tinitigan niya ako na para bang sinisigurado kung seryoso ako. Napa-buntong hininga ako. Nag-stress eating na naman ako. Halata sa mukha ko siguro na problemado ako at madaming iniisip. Kaya siguro pinagtitinginan kanina. Ewan ko ba lately, ang babaw ng luha ko. As soon as something goes wrong, I-

"Wow.. mukhang masama araw natin, huh?"

Bahagyang napalundag ako sa panibagong boses na narinig ko. Nilingon ko ito.

Napa-atras naman siya ng makita ang maluha-luhang mata ko.

"Oh...Miss, anong problema natin? Baka gusto mong pag-usapan? I'm a good listener." Sabi nito.

I studied this stranger's voice. Ang guwapo niya - morenong chinito. Nginitian niya ako, at naningkit ang kaniyang mga mata. He exudes a positive aura, para bang ang bait-bait niya. Nakaka-gaan ng loob.

Na-conscious na naman ako ulit sa itsura ko. Do I really look that bad? I pull a tiny mirror out of my bag. Yung mascara ko, kumalat na pala sa pisngi ko. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao. Bwisit.

Close EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon