Mula sa imahinasyon ni nathalie_pueda
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Ano ba naman yan. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo o sadyang bulag kapang? "
"Sorry." cold na sagot nya
Tss." tumalikod na lang ako at naglakad paalis
Hi,Im Athalia Lausiv Lux. The devil of this school. Lahat ng estudyante sa paaralang ito ay takot sa akin. Im your worst nightmare. I can make your life living as hell. Hindi mo ako gugustuhing makabangga.
At yung boy kanina,yun si Ash Montero.
Ang pinaka hot na lalaki dito sa Liby Academy. Pero sya din ang pinaka cold sa lahat. Di ko sinasabing crush ko sya, dinidescribe ko lang para sa inyo. Sobrang puti niya,mas maputi pa sya sa akin at mas maputi pa sayo.Pumasok na ako sa classroom ko at dumiretso sa paborito kong upuan sa likod. Wala akong the ibang kasama dito dahil takot silang lahat sa akin,maging ang mga teacher ay ayaw akong makalaban. Subukan lang nila,sisiguraduhin ko hindi na sila makakapagturo kahit kailan.
Mayamaya pa ay nagdatingan na rin ang mga kaklase ko. Kasunod nila ay ang teacher namin. Binati nya kami at nagtayuan ang mga kaklase ko,syempre hindi ako kasama bat pa ako tatayo ehh papaupuin lang din naman.
Nagsimula na siyang magturo, nasa kalagitnaan sya ng pagtuturo ng biglang may kumatok at nagbukas ng pinto.
"Good morning Ma'am, I'm sorry I'm late. I got a hard time finding this section."
Napuno ng bulungan ang buong classroom dahil sa pagdating nya.
Okay class siguro naman kilala nyo na sya ,di nya na kailangan pang magpakilala. Mr. Montero pwede ka nang umupo."
"Wait lang ma'am,bakit po sya nandito." tanong ng isa kong kaklase na babae. Tss,napaka chismosa talaga
"Ahh ,pinalipat sya ng principal sa section natin. Wag na kayong magtanong pa."
Tumahimik na lang ang mga kaklase ko at yung Montero naman dirediretso sa likod at umupo sa katabi kong upuan. P*ta,alam ba nito yung salitang Personal Space? Nakitang ako lang mag-isa dito tapos makikisama pa. Hinayaan ko na lang sya,lilipat na lang ako ng upuan sa susunod na subject.
"Hi." saad nya
"Hi moto." pambabara ko
Muli nya na lang ibinaling ang tingin sa teacher naming bising-busy sa pagtuturo.
Natapos ang unang subject lumipat na ako ng upuan sa pinakasulok na para di na sya makalapit. At ulit dumating ang pangalawang naming teacher at nagturo ng nagturo. Pagkatapos nyang magturo ay sakto namang tumunog ang bell,hudyat na break time na.
Lumabas ako at dumiretso sa cafeteria para bumili ng sandwich at coke. Pagkatapos kong bumili ay umakyat ako sa rooftop ng school para doon kumain. Lagi akong tumatambay sa rooftop ng school lalo na kapag kapag break time o free time ko. Wala kasi akong kaibigan dahil nga sa pagka siga ko.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan at saka kinain ang binili ko. Mayamaya pa ay nagulat ako ng may tumabi nanaman sa akin. Sasapakin ko na sana ito pero hindi ko na lang itinuloy. Anong bang problema ng mga tao ngayon at hindi sila nakakaintindi ng personal space?
Bakit mag-isa ka lang dito?" pamilyar sa akin ang boses na iyon. Oo tama kay Ash iyon. Teka ano namang ginagawa nya dito
Pake mo ba. Bakit ba ang kulit mo kanina kapa lapit ng lapit sa akin. Di mo ba alam yung salitang Personal Space?" hindi na sya sumagot pa at sinabayan na lang ako sa pagkain.
⟩⟩TWO MONTHS LATER⟩⟩
Sa loob ng isang buwan nagpaulit ulit lang ang mga nangyayari. Papasok ako, tatabi siya sa akin, sasamahan ako kapag pumupunta akong mag-isa sa rooftop at uulit lang.
Nung mga unang linggo ay medyo naiinis at naiilang pa ako, pero unti unti ay nasanay na rin ako. Di nagtagal ay nag-uusap na rin kami, nagkukwentuhan, at nagtatawanan. Palagi nya akong inaantay sa harap ng school para salubungin, sabay kaming umuuwi at kung ano ano pa.
Pero habang tumatagal ay natatakot ako din ako. Masyado na akong nasasanay na nandyan sya palagi sa tabi ko. Natatakot ako na baka itransfer sya sa ibang paaralan o kaya naman ay hindi na sya pumasok. Natatakot ako na wala sya sa pagpasok ko.
At tama nga ako.
Isang magandang araw ito para sa akin, iyan ang akala ko. Kaarawan ko ngayon kaya maaga akong pumasok. Yayayain ko sana si Ash sa cafeteria para ilibre ko sya.
Pero pagpasok walang Ash na sumalubong sa akin, kaya mag-isa akong nagmamadaling pumunta sa room. Nagbabakasakaling nandoon sya, pero wala,walang bakas ni Ash Montero. Natapos ang araw na ito na malungkot ako. Sa araw pa talaga ng kaarawan ko sya umabsent.
Naglakad akong pauwi ng mag-isa. Nasa madilim na parte ako sa lugar namin ng may biglang tumulak sa akin sa pader at sunggaban ako ng halik. Isang uhaw na uhaw na halik.
Alam ko ang amoy na ito. Iisang tao lang ang alam ko na may ganitong amoy, si Ash. Gumanti ako sa halik nya. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa balikat nya hinatak ko ang leeg nya dahilan para mapalalim ang aming halikan.
Sya ang unang pumutol sa aming paghahalikan. Kapwa kaming hinihingal at naghahabol ng hininga. Iniyuko nya ang ulo nya sa balikat ko at saka bumulong.
"Happy birthday Athalia." napangiti naman ako at niyakap sya. Akala ko hindi ko na sya makikita.
"Sorry kung hindi ako pumasok. Ihinanda ko pa kasi ang regalo ko sayo." inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at tinignan sya na may pagtataka. Paano nya nalaman ang birthday ko? Wala pa ako pinagsasabihan kahit kanino noon.
"Do you wanna see your gift?" tanong nya, agad naman akong tumango-tango
Niyakap nya ako ng mahigpit. Nagulat ako ng bigla kaming napadpad sa rooftop ng school. Teka, ano ba talaga sya. Tinanggal nya ang pagkakayap sa akin at umupo sa madalas naming tambayan. Sumunod lang ako sa kanya.
"Dito kita nakilala, dito kita naging kaibigan, at dito rin kita minahal." nabigla ako sa sinabi nya
"Isa lang ang pangarap ko para sa ating dalawa." natahimik sya at tumingin sa buwan
"Ano?" tanong ko
Do you really wanna know?" tumango ako bilang sagot
Huminga sya ng malalim bago yumakap sa aiin at bumulong.
"For us to be Young Forever." pagkatapos nyang sabihin iyon ay may naramdaman akong matulis na bagay na bumabaon sa leeg ko.
Ano bang ginagawa nya? Nahihilo ako. Gusto ko ng matulog, and everything went black.
⟩⟩TWENTY YEARS LATER⟩⟩
Isa na ako ngayong ganap na bampira. Ginawa akong bampira ni Ash. Naging magkasintahan kami at nagpakasal ayon sa tradisyon ng mga bampira.
Dalawampung taon na kami mag asawa nag bunga ang aming pagsasama ng isang sanggol ipinangalan ko sya sa aming dalawa ni Ash. Si Ashlia Lux Montero.
At nabubuhay kami kasama ang mga normal na tao. At iyan ang kwento namin ni Ash Montero.
Nath's Note:
Sorry sa pangit na story plot

BINABASA MO ANG
Young Forever
VampirosSi Athalia Lausiv Lux ay isang normal na tao. Walang espesyal sa kanya. Wala kaibigan, at walang nagmamahal. Pero nababago iyun simula ng makilala niya si Ash Montero, ang pinaka cold na estudyante sa Liby Academy. Pero hindi siya basta bastang est...