Doktora

12 1 0
                                    

May medical mission kami ngayon sa baranggay kaya maaga akong nagising para magpunta roon.

Inabutan kong marami ng tao ang mga nakapila roon, nagdiretso na agad ako sa likod at nagsuot ng lab gown. Hindi napansin ng mga nurse ang pagdating ko. Marahil ay masyado silang abala, kanina pa siguro ako nila hinihintay.

Umupo na ako sa lamesa at nagsimula ng magcheck-up ng mga tao sa baranggay.

"Dra. Ilang linggo na po kasi akong delayed, kinakabahan na po ako." ani ng unang nagpacheck-up.

"Jusko baka nabuntis ka na ng Engkanto, umuwi kana roon at magpa bawang." nalilito may sinunod nito ang sinabi ko.

"Next" sigaw ko sa susunod na nakapila.

"Ano po bang nararamdaman mo Nanay?" tanong ko sa rito, kung hindi ako nagkakamali ay nasa 50's na ito.

"Dra. Hindi po kasi ako mabilis makatunaw ng kinakain ko."

"Oh ano ngayon? Dejoke ano bang nangyari, may nakain ka bang nakapag pasama ng tiyan mo?"

"Nung kumain po kasi ako ng Mais, tumae po ako ng mais. Hindi po natunaw Dra. Nung kumain naman ako ng Mani, tumae rin po ako ng mani."

"Oh eh ano bang gusto mong itae?"

"Yung natural lang po sanang tae." sagot naman nito.

"Ede kumain ka ng tae." jusme pati ba naman pagtae nila ay ako pa ang mamomroblema.

"MICAELLA!" hindi ako pwedeng magkamali, boses yun ng isa sa mga Nurse ko.

"Paano ka nakalabas ng Mental hospital ha, at talagang sumunod ka pa rito?" halatang galit na si Nurse.

"Nurse! Tulungan nyo ako, ibalik nyo na si Micaella sa Mental hospital" lumapit naman sa akin ang mga lalaking nurse at pinwersa akong sumama sa kanila.

"Naku Micaella ikaw na talaga ang pinaka makulit na pasyenteng nakilala ko, himala at hindi mo mukhang bibig ngayon ang asawa mong si Lysander?" tanong naman ng nurse na lalaki sa akin. Hindi ko ito sinagot hanggang makarating kami sa kabilang highway lang. Magkatapat lang kasi ang Mental Hospital at Baranggay.

"Oh sige Micaella iiwan kana namin dito ah, babalik na kami doon."

"Pwede bang huwag ka maging sweet makipag usap sa akin? Baka magselos si Lysander psh" tumalikod ako dito at nag flips hair.

The End.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DoktoraWhere stories live. Discover now