CHAPTER 7
September 6; 7:10pm
"Charmaine..." he took a deep sigh.
Nasa loob si Wesley ngayon ng kuwarto ng dalaga. Nais niyang ibalik ang mga oras ngunit alam niyang hindi niya iyon maaaring gawin. Kung nagkaroon lamang sana siya ng sapat na lakas loob ay nasabi na niya sa dalaga ang totoo. Sinisisi niya ang sarili dahil sa mga nangyayari.
"I should have not been afraid." He regretfully uttered.
Naihilamos niya ang palad sa mukha dahil sa mga iniisip.
"Hindi ito dapat nangyari. I should have not proposed you a marriage,"he told himself. "I should have not let you go."
Napadako ang kanyang paningin sa isang picture frame sa bedside table ng dalaga. Picture ito na kinunan noong three years old pa si Charmaine. She was sitting on a swing while he was standing at her back. Kagagaling lang noon ng dalaga sa pag-iyak.
"OH, ANONG pumasok diyan sa kokote mo at naisipan mong samahan si Charmaine sa park?" nagtatakang tanong ni Yaya Romina. Mula kasi nang mapunta ang custody ng bata sa kanila ay di pa nakikita ng yaya na ninais niyang makasama si Charm.
Kasalukuyang binibihisan ni Yaya Romina ang bata.
"Ngayon po ang schedule ng pagpunta niya sa park diba? I'll go with here," walang emosyong sagot ng binata.
"Sigurado ka?" naninigurong tanong ulit ni Yaya Romina. May himig ng pagdududa sa boses nito.
"Oho," sagot ng binata. "Magbibihis lang po ako, pagbalik ko aalis na kami." Pagkatapos ay lumabas na sya ng kuwarto ng anak.
Kunot- noo namang tumango ang tagapag-alaga ng bata. Alam nitong may dahilan ang binatang amo kaya niya sasamahan ang alaga. Aloof ang binatang amo kay Charmaine at lalo pa siyang naging mailap sa bata nang mamatay si Donya Victoria. Ano't bigla na lamang siyang nagbago? Napailing si Yaya Romina.
"Mana ka talaga sa iyong ama. Napakahirap basahin," nausal ng matanda sa sarili.
PANAY ang ang lingon ni Wesley sa paligid nang makarating sila sa Linton Park. Maingat ang bawat galaw. Nangangambang makikita ng sinumang nakakikilala sa ama.
Mayamaya pa'y natanaw niya ang isang lalaking kasing-edad niya lang ang hitsura. Lumapit ito sa kanila.
Tiningnan ng lalaki si Charmaine. Mababakas ang pagkasabik sa mga mata nito ngunit pagkatakot naman ang kay Charm. Marahil ay dahil sa estranghero ang lalaking nakatingin dito.
Humakbang ito palapit sa bata. Humawak naman ang bata sa kamay ni Wesley.
Bahagyang umupo ang lalaki nang makaharap si Charmaine at sabik na niyakap bagaman wala itong reaksyon.
"C-Charmaine..." naluluha nitong usal. Tiningala nito si Wesley. "Maraming salamat sa pagpayag mo na makita ko siya."
Ngumiti si Wesley. "Walang anuman,may karapatan ka rin sa kanya dahil ikaw ang tunay niyang ama."
"ANAK..." The stranger said to the child. Kasunod niyo’y bumitaw na ito sa mahigpit na pagkakayakap sa bata.
Nang makabitaw na sa pagkakayakap ng hindi kilalang lalaki’y agad namang nagtago ang batang si Charm sa likod ni Wesley.
"Daddy..." the child called Wesley in a very frightened voice.
BINABASA MO ANG
MARRYING MY FATHER
RomanceFor edited version, please proceed here: http://www.wattpad.com/34888438-marrying-my-father-edited-version God bless!