Ilang beses kana ba sumubok magmahal at ilang beses kana din ba sumuko sa nararamdaman mo para sa isang tao?
Kung iisipin baka madaming beses mo na din naitanong yan sa sarili mo, kung ilan at hanggang kelan mo balak magtanong sa sarili mo.
Wala naman bawal kung patuloy kang umibig at masaktan e, ang masama lang bat hindi mo subukan buksan ang puso mo para sa taong may gusto sayo hindi sa taong gusto mo lang.
Hindi nawawala sa isang tao ang isipin na kapag gusto ko dapat makuha ko, pero di minsan hindi nila maisip na hindi lahat ng gusto mo dapat makukuha mo at mapapasayo, dapat alam din ng tao kung hanggang saan lang dapat ang magging kanya.
Madami kanang beses naging sawi sa kwento ng pagibig mo, madami kana ding beses bumulong sa isip at puso mo na sana wag kanang mabigo at masaktan ulit.
Di man maging perpekto ang kwento ng buhay love life mo baka sa ibang kwento naman don ka makakakuha ng perpektong score, yung parang ikaw yung top 1 sa klase nyo sa eskwelahan.
Una tayong natuto na magka gusto sa tao sa mga kalaro at kapitbahay natin doon mo unang naramdaman na may gusto kana, pangalawa sa ekwelahan kapag nakikita mo yung klasmeyt mong babae/lalake.
Madaming panahon ang nagdaan, natuto kana magpahalaga sa mga binibigay sayo ng mga importanteng tao sayo, natuto kana din ngumiti magisa at kiligin kapag nakikita mong dadaan ang crush mo kasama yung girl friend nya, pero bakit mo pa din ba ginagawa na abangan sya sa gate kapag uwian na?
Nagpasya ka sa sarili mo na di mo na sya gugustuhin dahil hindi ka naman nya gusto kagaya ng pagkahumaling mo sakanya, pero bakit mo pa din ginagawa na tignan sya kahit nasasaktan kana?
Sinabihan kana ng mga kaibigan mo na itigil mo na ang pagsulat sakanya dahil hindi naman nya pinapansin ang laman ng sulat na binibigay mo sakanya, pero bakit mo pa din ginagawang sulatan sya kung pwede mo naman syang kausapin ng harapan?
Nung natuto kana sa sakit na naramdaman mo nuon sa crush mo, natuto din ba ang isip mo na itigil na ang lahat para sakanya? Pero bakit mo pa din ginagawang tignan ang litrato niya sa facebook at instagram nya?
Ang tao hindi natututo sa isanag bagay hanggat hindi nya nalalaman na hindi pala para sakanya ang isang bagay na kahit kailan ay hindi para sakanya, pero bakit mo pa ba ginagawa?