Bakit ba ikaw?

105 3 0
                                    

Bakit ba IKAW?

@BiyayangAraw

Pang karaniwan lang naman ang kwento ko ehh… CLICHÉ. Kwento na marami sa atin ang relate. Maranasan ang mag mahal; ang sumaya at masaktan. Gasgas na nga eh pero marami pa rin ang nabibiktima. Bakit? Siguro tao lang tayo. Nagmamahal. Nasasaktan. Parte na nga yata iyon ng siklo ng pagmamahal eh. Ang mahalin ang taong sa iba naman nakatingin.  Mahal mo ay may Mahal na iba. Corny man pakinggan eh totoo, marami sa atin ang natatamaan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sasangayon ang iyong buong sistema dito sa puso.

Ang sabi ng utak ko nga eh ‘Lintek! Itigil mo na iyan!’ sabi naman ng puso ko ‘Dug.Dug.Dug. Mahal ko siya!’ -_- gulo ng buhay ko pre! Ang dami namang babae dyan na maganda rin, mabait, matalino, sexy. Marami may gusto sa akin? EHEM! Marami namang pwede? Marami naman diyang single and ready to mingle? Pero…

Bakit ba Ikaw?

Bakit ba Ikaw ang tinitibok nitong puso ko?

Bakit ba Ikaw ang palaging natakbo sa isip ko?

Bakit ba sa’yo ko naramdaman ito?

Bakit ba Ikaw ang minahal ko?

BAKIT BA IKAW?

Pinakilala ka sa akin noon ng tropa kong si Justine. Birthday niya noon kaya may konting kasiyahan. Kainan, kantahan, at  syempre inuman.

“mga ‘pre si Angel nga pala. Pinsan ko.”

“weh?? Sure ka? Ganda naman niyan para maging pinsan mo? Hahaha :D” asar pa ng mga tropa kay Justine dahil maganda ka talaga! Sobra.

Ngumiti ka lang sa amin. Ang ganda mo talaga. Bagay na bagay ang pangalan mo sa’yo, para kang Anghel.

Habang nagkakasiyahan ang buong tropa ikaw nakatingin lang sa amin at tumatawa. Ikaw na yata ang may pinakamagandang ngiti na nakita ko eh. Shet.

Di ko namalayan eh nakatitig na pala ako sa iyo. Siguro napansin mo na may nakatingin kaya nagtama tuloy ang mga mata natin. Ngumiti ka.

*dug.dug.dug*

Binawi ko agad ang tingin ko sa iyo. Natakot ako. Parang lalabas itong puso ko sa bilis ng tibok.

Ano to?? O.o??

Baka epekto to ng alak. Ibang klase tama nito ah!

 Tinungga ko ulit ‘yong bote ng alak. Tapos sumulyap ako ulit sayo at nakatingin ka pa rin na parang nagtatanong, nagtataka ka siguro dahil bigla ko kanina binawi yung tingin ko. Eh anong magagawa ko parang may kabayo sa loob ng dibdib ko! Grabe. Nakakapanlambot. Baka nawe-weirduhan ka na sa akin kaya ang ginawa ko ay ngumiti nalang ako sa’yo at agad ring binawi baka kasi dumikit na yong mga mata ko sayo mahirap ng umuwi ng walang eyeballs -_-! At ayoko rin mamatay ng bata pa lang ng dahil sa pagluwa ng puso ko!

Bakit ba IKAW?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon