make up artist

4.7K 68 6
                                    

may part 2 pero iba ngalang hehehe.


Ang galing mo talaga bes" pagpupuri saakin ng kaibigan kong si eviana.

"Maliit na bagay HAHA"

Nasa bahay nila ako ngayon para ayusan siya, debut niya kasi ngayon.

Ako kinuha niyang make up artist niya.

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko ng bigla itong tumunog.

"Sandali lang, tumatawag si klian"

"Sige lang, pakilala mo naman ako dyan sa boyfriend mo" tumango lang ako.

Lumabas ako ng kwarto at sinagot ang tawag.

"Klian, bat ka napatawag?"

"Busy ka ba mamayang gabe, love?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Hindi ko alam e, nandito kasi ako sa debut ni eviana, text nalang kita love kung pwede"

"Sige"

Bumalik na ako sa kinaruruonan ni eviana.

"Hoooy evi, sino yang katext mo at sobrang busy ka dyan?"

"Boyfriend ko"

"Abaaa, ako nalang pala walang boyfriend dito sating tatlo? Hahanap ako, makikita niyo"

Nagtawanan kaming tatlo.

---

"Eviana, si klian pala boyfriend ko"

Nagkamayan silang dalawa.

"Nice to meet you"

"Nice to meet you too, Miss Eviana"

Hinila ako papalapit ni eviana.

"Pogi pala boyfriend mo ha"

Tinawanan ko nalang siya.

Loko 'to.

---

"Love"

Napatingin ako kay klian.

"Po?"

"Pag ikakasal tayo, dapat ikaw maging make up artist ha? Ang galing mo kasi"

"Sure, why not"

Lumapit ito saakin at hinalikan ako sa noo.

Minsan lang kami magsama ni klian, pero sinusulit din namin bawat minuto at oras na magkasama kami.

---

"Love, dinner tayo"

Umiling ako "Sorry love, may aayusan pa kasi ako, bye love, late na kasi ako"

Hinalikan ko ito sa pisnge.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi na kami nakakapag labas ni klian dahil busy din ako.

Pinag iiponan ko kasi ang regalo ko sa 'kanya para sa darating niyang kaarawan.

Sana naman maintindihan niya ito.

---

"Ayan, tapos na"

Tumingin ito sa salamin.

Sinuri niya ng maagi ang kanyang muka.

"Ako ba talaga 'to?"

"Oo, ikaw na ikaw"

Napatingin ito saakin at tumayo.

Niyakap ako nito.

"Salamat, bes"

Sa pangalawang pagkakataon kinuha ako ni eviana bilang make up artist sa kasal niya.

"No problem"

"No, salamat dahil pumayag ka parin maging make up artist sa kasal namin ni klian"

Ngumiti ako sa 'kanya.

Yes, kasal ni eviana at klian ang dinaluhan ko.

Akalain mo yun, ang bestfriend ko pala at ex-boyfriend ko ang magkaka tuluyan.

"Ingat sa flight mo"

Niyakap ulit ako nito.

"Thank you"

---

Natapos na ang kasalan nina klian at eviana.

Pumunta ako sa gawi nila para makapag paalam na.

"Eve, klian"

Lumingon silang dalawa sa akin.

"Uy, eunbi. Thank you pala at pumayag ka, nagmuka na tuloy tao 'tong asawa ko HAHA"

Kinurot ni eviana ang tagiliran ni klian.

"I hate you"

"But, i love you"

"Ahm.. sisirain ko muna kalandian niyong dalawa, gusto ko lang mag paalam. Ilang hours nalang kasi preparation ko."

"Ay oo nga pala, ingat sa flight mo ha?" Ani klian.

Tumango lang ako.

---

Sa huling pagkakataon na silayan ko ang muka ng taong pinakamamahal ko.

Klian.

Bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Natupad ko ang pangako ko sayong ako ang maging make up artist sa kasal mo, but sad to say hindi ako ang bride mo.

Kumapit ako sa salitang akala ko mag tatagal ka, pero nauwi sa salitang "temporary ka lang pala"

♤short story♤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon