"In a far away land long ago lived a King and his fair Queen. Many years had they longed for a child and finally their wish was granted. A daughter was born, they called her 'Aurora'―" Naputol ang pinapanood ni Gallia ng bigla itong nilipat ng bunso niyang kapatid. "ANO BA? BASTOS NAMAN! NANONOOD AKO EH! AYON NA EH! NAIPANGANAK NA SI PRINCESS AURORA!" Singhal niya sa kanyang kapatid."Ate naman! Parang tungak eh! Alam mo, kung hindi kita kapatid napagkamalan na kitang baliw," Sabi ng kanyang kapatid sabay umirap pa.
"Baliw? Nanonood lang, baliw agad?" Sagot naman ni Gallia.
"Sino ba naman kasing matinong babae na patuloy pa rin na nanonood ng Sleeping Beauty kahit na 21 yrs. old na siya?" Sabi ng kanyang kapatid na si Anna habang tumatawa.
"Pake mo ba! Sobrang sweet kaya nila ni Prince Phillip! Nakakilig!" Sabi nito habang nakayakap ng mahigpit sa unan.
Tinignan ni Anna ang kapatid niya na parang ito ay nababaliw. Well, baliw na nga siguro talaga ito. "Hay nako, Ate! Magtigil ka na nga dyan! Mabuti pa nood ka nalang nitong Two Wives oh! Ayan yung realidad sa buhay, okay?" Sabi niya habang nakatutok ng maigi sa TV.
"Eh puro kadramahan lang yan eh!" Inis na sabi nito at tumayo na, "Ayoko manood niyan. Akin na 'yung laptop, sa taas nalang ako manonood," Sabi ni Gallia. Binigay naman agad ni Anna sakanya habang nakatitig pa rin sa TV.
Panandalian siyang tumingin sa TV. Nakita niyang nagiiyakan lang yung mga character dun. She snorted.
"Parang tanga lang 'tong si Anna. Ano kaya maganda dun sa iyakan tsaka emote-emotan doon?" Bulong nya habang umaakyat sa hagdan.
Agad siyang nagtungo sa kwarto niya at ipinagpatuloy ang panonood ng Sleeping Beauty.
----------------------------------------------
Maagang nagising si Gallia dahil marami pa siyang kailangan gawin. Graduating student probs.
Maliligo na sana siya ng bigla namang magring ang kanyang cellphone.
Calling: Rafa
'Ano nanaman kayang kailangan ng baklang 'to?' Tanong ni Gallia sakanyang isip pero agad agad din naman niyang sinagot.
"Hel―"
"HOY BABAITA! WHERE NA BA YOU? HAYEP KA! KANINA PA US NANDITEY SA KANTO NIYO. ANG INIT INIT PA NAMAN! JESKE ANG BEAUTY KO, NALULUSAW!" Tuloy-tuloy na sabi nito.
"Teh, Kalma! Ang aga aga mo naman kasi! 10:00 usapan diba? 9:00 palang! May 1 hour pa ako!" Sabi naman ni Gallia.
"1 hour ka jan! Leche! Bilisan mo!" Sabi nito at binaba na ang phone.
Dumiretso na si Gallia sa loob ng CR at agad din na naligo.
Mabilis siyang natapos at agad ding nagbihis ng isang simpleng floral dress at pinartneran niya ng isang puting doll shoes at headband na ribbon. Kinuha niya ang shoulder bag niyang baby pink ang kulay at ang mga libro't notebook na kailangan niya.
Pagkalabas niya ng kwarto niya ay nakita niya si Anna na nakasuot ng tank top na dark blue at cardigan na color white at nakashorts na puti. "School?" Tanong ni Gallia.
"Yuuup!" Sagot nito habang inaayos ang ponytail ng buhok niya. Napatingin naman si Anna kay Gallia, "Ate? Sure ka na yan talaga susuotin mo?" Sabi nito habang patawa-tawa pa.
Kumunot naman ang noo ni Gallia, "Bakit? May problema ba sa suot ko?" Tanong nito.
Tumatawa ng malakas si Anna, " Pfft. Ate, graduating student ka na! Kung makapagdamit ka naman, akala mo highschool ka palang!" Sabi nito. 4th year student si Gallia at siya naman ay 2nd year student sa Southfield University. Marketing ang course niya at Interior design naman ang sa kapatid niya.
"Fashionista kasi ako!" Sabi ni Gallia at bumelat pa sa kapatid niya. Tumawa na lamang si Anna sa ate niya.
Sabay silang sumakay sa tricycle at pagkababa nila sa kanto ay agad nilang nakita si Rafa. "Baby!" Pabiro na tawag ni Anna.
"Hoy yuck ha! Ang kadiri mo talagang gaga ka! Tumigil ka ha. Hindi tayo talo, gaga!" Sabi nito at binatukan si Anna.
"Aray! Yung buhok ko ha!" Sagot ni Anna at nagdeath glare kay Rafa.
"Hoy teh! Saan ang picnic?" Tanong ni Rafa habang pinagmamasdan ang suot ni Gallia.
Humagalpak si Anna sa narinig niya, "I tried to talk to her about it," Sabi pa nito.
"Ano ba kasi talagang problema niyo sa fashion style ko?" Kunot noo na tanong ni Gallia.
"Teh, ano ba naman kasing trip mo sa buhay? Sa school ang punta natin hindi sa park. 'Yang damit mo para naman kasing makikipagdate ka sa park." Sabi ni Rafa.
"Ay nako! Ewan ko sainyo! Tara na nga! Nasaan na nga pala si Jana?" Tanong ko kay Rafa.
"Ayon, kasama nung latest jowa niya. Nauna na sa school." Sabi ni Rafa.
"Ay waaaaait! Mauna na kayo. Later pa yung classes ko. Daan muna ako ng Mcdo." Sabi ni Anna.
"Sus! Ang sabihin mo, makikipagkita ka lang sa lalake mo!" Pangaasar ni Rafa.
"So? Inggit naman you?" Sagot ni Anna.
"TSE! Asa ka naman! Layas na nga!" Sabi ni Rafa at hinila na ako papasok sa jeep.
Nagwave ako kay Anna at ganon din siya pabalik. "May boyfriend ba si Anna?" Tanong ko kay Rafa.
"Teh, ikaw ang kapatid. Baketchi me ang hinahot seat mo?" Tanong niya ng makaupo na kami. Makes sense. Ako nga naman ang kapatid. Ako ang dapat na nakakaalam.
I shrugged. Nilabas ko nalang ang cellphone ko at nanood ng snow white clips sa youtube. Narinig naman ata ni Rafa ang pinapanood ko dahil agad siyang nagreact. "Teh! NAKAKALOKA KA NA! AYAN KA NANAMAN. PLEASE STOP!" Sabi nito na nakapagpatawa sa akin.
"Tumahimik ka nga! Ang lakas lakas ng boses mo diyan eh!" Sabi ko habang natatawa-tawa pa rin.
He sighed, "Teh, please lang. I will really freak out if papanoorin mo yan. Please lang." Pagmamakaawa niya.
Natawa nanaman ulit ako. "Oo na, oo na!" Pagsuko ko at binalik na ang cellphone ko sa loob ng bag ko.
------------------------------------------------------------------------------------------
A/N Nakakamiss din pala magsulat ng isang light story lang. Iba yung feeling. Hahahahaha! There you have it! How was it? Sana nagustuhan niyo. :)

BINABASA MO ANG
The Truth About Love
RomanceChoices. Lahat tayo may choices sa buhay. Choice mo kung gusto mo na maging masaya, choice mo kung gusto mo na maging malungkot, choice mo kung gusto mo magpakatanga, choice mo kung gusto mo na mag-isa, choice mo kung gusto mo maging bakla, choice m...