"HI, TROY. GOOD MORNING"

3 0 0
                                    

Author's Note: Hope you'll gonna love this. Errors Ahead!
Love is no Gender! Louder!

Matagal na panahon na ang lumipas pero sariwa parin sakin ang lahat. Naaalala ko parin kung paano kami nagsimula at kung paano kami natapos.

Nagsimula ang lahat sa isang 'HI', yeah hindi sweet ang simula ng aming kwento. Tuwing papasok ako ng umaga lagi syang nagsasabi ng “Hi Troy. Good Morning” tapos ngingiti. At first wala lang sakin, pero habang tumatagal parang iba na— iba na yung nararamdaman ko tuwing binabati nya ako.

“Hi Troy. Good Morning ” nakangiting bati sakin ni Paul.

“Good Morning din Paul” ganti ko at ngumiti din.

“May gagawin ka ba mamaya?” tanong nya sakin.

“Ahm— wala naman. Bakit?”

“Birthday ko kasi. Punta ka ah” sabi nya.

“Shit. Happy Birthday. Oo ba, pupunta ako.” sagot at bati ko sa kanya.

“Salamat. Sige ah hihintayin kita”

Lumipas ang mga oras at natapos na ang klase. Agad akong umuwi upang makabili ng regalo. Pagkabili ng regalo ay umuwi na ako ng bahay, naligo ako at nag bihis.

Nang makarating ako sa bahay nila Paul ay agad nya akong sinalubong ng ngiti, inabot ko ang aking regalo.

“Happy Birthday, Paul” bati ko sa kanya.

“Nako nag abala ka pa. Pero salamat, halika punta ka sa table ng mga kaibigan ko.” sabi nya at naglakad na. Sumunod ako sa kanya at hindi maiwasang igala ang aking mga mata.

Maraming tao, nakapaingay. Amoy ng sigarilyo at alak ang maaamoy. Para itong isang maliit na bar.

Nang makarating kami ay binati ako ng mga kaibigan nya, ngumiti lang ako sa kanila at nagpakilala. Kanina pa pala nagsimula ang party, medyo late na ako. Nakainom na din itong mga kaibigan nya, kaya nagsimula na rin akong lumaklak ng beer.

Habang tumatagal ay nagkakaroon na ako ng tama, nahihilo at umiikot na ang buo kong paligid. Ganon din sina Paul at ang kanyang mga kaibigan, ang iba naman ay umuwi na at tulog na sa kani-kanilang mga lamesa.

Lumalalim na ang gabi at lumalalim na rin ang usapan namin.

“Ikaw Troy? Wala ka pa bang nagiging girlfriend? ” tanong sakin ni Dex. Kaibigan ni Paul.

“Wala pa” nahihiyang sagot ko.

“Eh nagugustuhan?” sabat naman ni DJ. Kaibigan din ni Paul.

Tumingin ako kay Paul na nasa tabi ko bago sumagot. “Meron.” simpleng sagot ko at ngumiti.

Natapos ang party at bagsak na ang mga kaibigan ni Paul. Ako naman ay hindi na makatayo dahil sa hilo, agad akong nakaramdam na masusuka ako kaya pinilit kong lumakad papunta ng banyo at doon sumuka ng sumuka.

“First time mo ano?” rinig kong salita ng nasa likod ko. Alam kong si Paul yon, kilalang kilala ko na ang boses nya.

Tumango at tumingin sa kanya. Inalalayan nya ako tumayo at tinitigan ko ang maamo nyang mukha. Ang inosente at kumikinang nyang mga mata, ang ilong nyang matangos, kilay na malalago at makakapal, at ang labi nya na mapula.

“Paul? May sasabihin sana ako” medyo alanganin kong sabi sa kanya.

“Ano yun?” takang tanong nya.

“I like you. I love you.” sabi ko at agad sya hinalikan sa labi.

Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha at mga mata. Matapos yun ay naglakad na ako paalis, ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinila nya ang aking kamay at hinalikan muli.

“Gusto rin kita, Troy” sabi nya at siniil ulit ako ng halik.

Matapos ang tagpong iyon ay naging maayos ang lahat. Lagi kaming mag kasama ni Paul, at alam na ng mga kaibigan nya ang namamagitan samin.

“So kailan nyo balak sabihin kila Tita?” tanong ni DJ kay Paul.

“I don't know. Maybe soonest as possible, bago pa nila malaman sa ibang tao” sagot naman ni Paul.

“Hayst, basta support lang kami sayo, Bro.” sabi naman ni Dex.

“Thanks” tipid na pasasalamat ni Paul.

Habang tumatagal ay lalong sumisikip ang mundo samin. Nagiging komplikado ang lahat. Hanggang isang araw pumunta ako sa bahay nila, pinapunta ako ni Paul. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

Sa pangalawang pagkakataon ay nakatapak akong muli sa bahay nila. Sinalubong ako ni Paul at hinawakan ang aking kamay, pinilit kong alisin iyon baka may makakita samin ngunit mas lalo nyang hinigpitan.

Pumunta kami sa kanilang sala at nakita ko ang mommy at daddy nya. Seryoso ang tingin nito samin at dumako ang tingin sa kamay naming magkalapat.

“Mom, Dad sya ang gusto ko. Sya ang mahal ko” madiin at seryosong sabi ni Paul sa mga magulang nya.

“No Paul. Magpapakasal ka kay Claire at hindi sa lalaking yan. Mahiya ka Paul. Mahiya ka.” mariing sabi ng Daddy nya.

Ipapakasal sya? Ang sakit— nasaktan ako pero mga magulang nya ang kaharap namin ngayon. Walang salita na gustong kumawala sa aking labi, tikom ang aking bibig at parang umatras ang aking dila.

“No, Dad. Ayaw ko, si Troy lang ang gusto ko” sabi nito at hinila ako papunta sa kwarto nya.

Nang makarating kami ay agad nya akong hinarap at tiningnan sa mga mata.

“Baby, wag mo silang intindihin. Lalaban tayo.” sabi nya.

Ngumiti ako ng mapait at tuluyang lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Tangina, Paul. Mga magulang mo ang kalaban natin dito, ayaw sakin ng mga magulang mo Paul. Diring-diri sila sakin.” umiiyak sa sabi ko sa kanya.

“Ipaglalaban kita, Troy. Maniwala ka.” seryosong wika nito.

“Tama na Paul, ayaw kong kalabanin ang mga magulang mo. Itigil na natin ito.” sabi ko at tumalikod. Nang pipihitin ko na ang pintuan ay bigla syang nagsalita.

“Sa oras na lumabas ka ng pinto na yan. Itutuloy ko ang kasal.” pagbabanta nya na parang milyon na karayom na tumutusok sa puso ko.

“Sorry, Paul. Goodbye.” sabi ko at pikit matang pinihit ang pinto at agad lumabas ng kanyang kwarto. Tumakbo ako at nakasalubong ang kanyang mga magulang. Hindi ko sila pinansin at agad umuwi.

Ang sakit, sobrang sakit. Tinalikuran ko yung taong nagmahal sakin ng totoo, yung taong handa akong ipaglaban. Tama ba ang ginawa ko? Okay lang ba na masaktan ako? Sinaktam ko sya.

Hindi na magpakita si Paul, hindi na sya pumasok or lumipat na sya ng school. Sobra akong nasaktan sa naging desisyon ko. Ngunit alam ko na mas nasaktan sya dahil hindi ko sya pinaglaban.

Lumipas ang mga taon at nabalitaan ko na kasal na sya at masaya sa pamilyang binuo nila ni Claire. Masaya nga ba sya? Ako hindi— hindi masaya dahil sa desisyon na ginawa ko.

Tangina akala ko ayos na ako, akala ko okay na ako. Pero hindi pa pala, masakit parin. I wish I was her, ako sana kung hindi ako sumuko agad. Pero deserve ko ito, sinaktan ko sya. Hindi ko sya pinaglaban.

Masakit isipin na yung taong mahal mo ay masaya na sa iba. Masakit isipin na yung mga pangarap nyo ay binibuo nya pero hindi ikaw ang kasama. Masakit, sobrang sakit. Pero ito ang desisyon ko, kailangan ko itong panindigan.

From 'HI TROY. GOOD MORNING' To 'GOODBYE, PAUL'.

Thank you for reading :> —Kuya Anthony

"HI, TROY. GOOD MORNING" (One Shot Story) Where stories live. Discover now