Chapter 1

18 3 4
                                    

Arriving Seoul_

---

"Hana... dul ... set... net...."


"Sheesh! nanay naman bakit kailangan ko pang pag-aralan to, hindi naman po ako fan ng kpop e!" Inis na bulyaw ko kay Inay.


Pano ba naman lilipad daw kami papuntang South Korea dahil hindi na daw kami pwedeng magtagal dito sa bulacan!


For seventeen years of existence ko rito sa earth ako na yata ang pinaka malungkot na adventurer.


I sign-- este sighed,


Pano ba naman kada taon kailangan naming lumipat ng matitirahan kaya wala kaming maayos na bahay hindi pa naman ako adventorous hmp!.


Noong bata pa ako nae-enjoy ko kase sakay kami ng sakay sa mga sasakyan pero ngayon? Sheesh! ewan ko ba kay Nanay may balak siguro netong libutin ang buong earth.


"Puro ka nanaman reklamo Vennin," nilapitan niya ako at hinawakan ako sa balikat "lilipad nga tayong South korea anak kaya kahit mga basic word or language ay malaman mo." yan nanaman tayo sa lilipad e wala naman kaming pakpak.

"Alam ko na iyan nanay pero ang akin lang bakit pa, okay naman na tayo dito diba? may lahing dora-the-explorer ka ba 'nay? koreana lahi mo po diba?" binatukan naman ako ni Nanay ng mahina, "Araaaaay!" mahilig ba talaga mambatok ang mga taga korea, baka kapag binatukan ako doon e masuntok ko kaagad.


Sinamaan niya ako ng tingin "Eh kung mag english nalang kaya ako Nay? I can speak english naman po, kahit bali-baliko pa yan maiintindihan naman po siguro nila ako Nay." palusot ko pa


For almost years ay pinilit ko talaga ang sarili kong matuto ng Ingles kahit basic lang. Kahit mali-mali, bahala na sila umintindi hindi ako ang mag aadjust sakanila!

"konti lang ang nakakaintindi ng salitang english doon anak, konti lang din ang nakakapagsalita sakanila kaya baka hindi ka rin nila maintindihan." paliwanag pa ni Inay.


"eh kung mag sign language nalang kaya ako Nay? siguro naman kahit onti diba?" mapilit na tanong ko pa kay Inay pero tinaasan niya lang ako ng kilay.


Antaray!

"Puro ka kase kalokohan Vennin tara na tuturuan pa kita, yung mga galaw galaw mo bawal yan doon. Be a Maria Clara, Vennin huwag yung tataas taas ka ng paa sa silya."



pati kilos ko?


"Parang hindi makatarungan naman yan Nanay! Dapat tuloy tumira nalang tayo sa Korea noon pa, para naman natutunan ko na ang mga iyan." Nakangusong sambit ko.


"Hindi pwede anak, mapapahamak ang pamilya ko kapag ganun." ngumiti na lamang ako sakanya.

Kapag usapang ganun na ay hindi na ako ulit umiimik. Hindi ko alam yung buong kwento kasi hindi naman chinichika sakin ni Nanay, madamot.


"Liligo muna ako nay," sabi ko tsaka tinungo ang kwarto namin para kunin yung towel.


"Sige na't ihahanda ko ang damit mo," aniya


"Opo tapos pupunta ako kila Raquel." pahabol ko pa


"Oo pero huwag magpa-gabi nak ha, maaga flight natin bukas." paalala ni Inay


Okay, tuloy nanaman to. Ready yourself again V!


"HALA BAKIT?! andaya naman ninin!" bulyaw sakin ng kaibigan kong si quel, napapunas agad ako sa mukha ko dahil nay tumalsik na konting laway mula sa bibig niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck on you Where stories live. Discover now