2 - Accident
Hope
"Oh bakit ngayon ka lang?! Umuwi ka pa?! " nagising ako sa sigaw ni mama. Pagtingin ko sa orasan alas kwatro pa lang ng umaga.
"Pwede bang tigilan mo yang kakasigaw mo?! Nakakarindi sa tenga! " sigaw naman ni papa. Umupo ako sa kama at nakinig sa bangayan nila. Kailan ba matatapos ito? Nakakasawa na kasi eh.
"Pano ko titigilan kung di ka nagbabago?! " sigaw naman ulit ni mama. Katabi lang nila ang kwarto ko kaya rinig na rinig.
"Ikaw ang magbago para sa punyeta mong anak! " sigaw ni papa.
"Anak mo rin yon hayop ka! " sigaw ulit ni mama. Nag-uumpisa na namang tumulo yung mga luha ko. I tried to cover my ears but I can still clearly hear them.
"Baka nga hindi talaga sa'kin 'yang punyetang batang yan eh! Baka sa mga naging nobyo mo yan noon! " sigaw ni papa kaya lalo akong napa-iyak.
"May gana ka pang sabihin sa'kin 'yan ngayon?! Put*ng i*a mo pala eh! Ikaw ang naka-yna sa'kin, 'wag kang bobo! " sigaw ni mama at humihikbi na.
"Malay ko ba? Pokpok ka diba?! " sigaw ni papa kay mama na mas lalong nagpaiyak sa'kin.
Tama na po...
"Punyeta ka! Hindi ako pokpok! " sigaw ni mama, nakarinig ako ng mga nababasag kaya pinunasan ko ang mg luhang nalaglag at agad na lumabas ng kwarto para puntahan sila mama.
"Papa! " sigaw ko dahil sakal-sakal ni papa si mama. Lumapit ako sa kanila at inalis ang kamay ni papa kay mama.
"Papa, mama tama na po..." umiiyak kong sabi.
"Huwag kang maki-alam dito punyeta ka! Bumalik ka sa kwarto mo! " sigaw sa akin ni mama.
"T-tama na po..." pagmamaka-awa ko.
"Bumalik ka sabi don! " sigaw ni mama at tinulak ako ng malakas kaya napahiga ako sa mga bubog ng flower base.
"Hope! " sigaw ni papa. Nanlalabo ang paningin ko. Dumodoble na rin sila mama at papa.
"H-hope, anak, hindi ko sinasadya." nag-aalalang sabi ni mama. Dahan-dahan akong bumangon at nakitang maraming dugo ang nakakalat sa sahig kung saan ako bumagsak.
Nahihilo ako, ang sakit ng baywang ko kaya napa-tingin ako rito at nakitang may nakasaksak na malaking bubog.
"Tumawag ka na ng ambulansya! " sigaw ni mama kay papa.
"Oo na! Punyeta kayong pareho! " sigaw ni papa at tumawag sa ambulansya.
Nanghihina na talaga ako, siguro dahil sa daming dugo ang nawala.
"Punyeta ka kasing bata ka! Sino bang nagsabi sa'yong pumunta ka rito ha?! Sinabi ko ng bumalik ka sa kwarto mo diba?! Di ka talaga marunong makinig! " galit na sigaw sa akin ni mama.
50/50 na ang buhay ko pero nagagawa pa rin nilang mag-away at magsigawan sa harap ko. Mamamatay na ako pero nagawa pa rin nila akong murahin.
Oh God, please take me.
"Andyan na ang ambulansya! Samahan mo yang anak mo tutal kagagawan mo naman yan! " sigaw ni papa.
"Pabigat ka talagang bata ka! " sigaw ni mama. Umugong ang malakas na tunog ng ambulansya, andyan na nga. Great, sana hindi na lang dumating. Yun ang huli kong narinig bago mawalan ng malay.
--
Liwanag ang bumungad sa akin at napagtanto kong nasa ospital pala ako. Hinang-hina ang buong katawan ko at ni magsalita ay hindi ko magawa.
"Oh mabuti't gising ka na! " sabi ni mama.
"Mamaya lang uuwi na tayo dahil gising ka na, wala akong paki kung bawal ka pa idischarge, masyadong malaking pera ang nasayang dahil sa iyo! Punyeta ka talaga! Pang tong-its ko rin yon! Malas ka talaga sa'min! Kaya siguro kami nag-aaway ng papa mo ay dahil sa'yo! " sigaw ni mama sabay labas at sara ng malakas ang pinto.
Expect ko pa naman na kakamustahin niya ako sa unang pagkakataon, pero hanggang expectations lang pala yon. Imbis na kamustahin ang lagay ko, nagawa pa niya akong sigawan. Imbis na pakainin, nilayasan pa niya ako. Hindi man lang niya tinanong kung okay na ba ako, may masakit pa ba sa'kin? Kasi kung sakali mang tanungin niya ako? Lahat sasabihin ko.
Napagtanto ko na umiiyak na pala ako, sobrang sakit. Sila yung pinaka kailangann ko sa mga oras na nanghihina ako, sila ang pinaka kailangan ko sa mga oras na "to. Pero nasaan sila? Iniwan nila ako.
Iyak lang ako nang iyak hanggang sa makatulog ulit ako.
"Hoy gising." pag gising sa akin ni mama kaya iminulat ko yung mga mata ko.
"Oh kumain ka, bilisan mo. " sabi niya at lumabas ulit. Tinignan ko ang binigay niya sa akin. Napangiti ako ng mapait. Tinapay, pandesal na dalawang piraso, walang palaman, walang kahit na ano.
Ito ang ipapakain niya sa'kin, hindi ako nakakain ng isang araw, gabi na ngayon. Tinapay. Tinapay ang binigay niya at dalawang piraso pa. Napa-iyak na naman ako, bakit ba ganito?! Lord, do I deserve this kind of life? May nagawa po ba akong mali para maparusahan ako nang ganito?
Sa huli wala rin akong nagawa kundi ang kainin.
"Oh? Anong ine-emote mo diyan? Tayo! Uuwi na tayo bilisan mo. " sigaw sa'kin ni mama at kinuha ang mga gamit.
"M-ma, h-hindi k-ko p-pa po kaya. S-sumasakit pa rin po yung sugat ko." naiiyak kong sabi.
"Misis, I told you, hindi pa kaya ng pasyente, baka bumuka lang ang sugat ng bata, isang araw pa lang ang pahinga niya." nag-aalalang sabi ng doktor.
"Paki ko?! Masyado nang malaki ang perang nagastos dahil sa punyetang batang to! At wag kang mangingialam! " sigaw ni mama, pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya hinila niya ako.
"Ma, masakit po. " umiiyak kong sabi habang nakahawak sa sugat ko.
"Huwag kang mag inarti riyan, Hope! " sigaw ni mama.
"P-pero m-"
"Wala akong pakialam! Bilisan mo! " sigaw sa'kin ni mama kaya binilisan ko na lang.
Naramdaman kong basa yung damit ko at nakitang puno na ng dugo.
"M-ma, dumudugo." umiiyak ko pa ring sabi.
"Punyeta ka talaga! Pabigat ka talaga sa'min ng tatay mo! " sigaw ni mama habang dinudut-dutdut yung noo ko. May tela pang nakabalot sa ulo ko.
"Ma tama na po! " umiiyak kong sabi. Nanghihina pa talaga ako.
"Sa bahay mo gamutin yan! " sigaw ulit ni mama bago pumara ng tricycle.
Sumakay kami ng tricycle at nagsimula ng bumiyahe. Nakarating kami sa bahay pasado alas onse ng gabi.
Iniwan niya ako rito sa sala at sinabing matutulog na raw siya.
Hindi nuya ba ako tutulungan manlang? Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nilinis yung sugat ko, hindi naman masyadong malaki at malalim ang natamo ko.
Hope. Means pag-asa. Kaya Hope laban lang, malalampasan mo rin ito, konting-tiis lang ang kailangan mo. Hindi ka pababayaan ng Panginoon.
Pagkatapos kong linisin ang sugat ko ay niligpit ko na ang mga nagamit ko at natulog. Sa monday na lang siguro ako papasok.
------------------------
Enjoy reading</3
YOU ARE READING
As I Slowly Disappear
Teen FictionIs disappearing the best way to solve her miseries? Will she survive? Will I survive? All Rights Reserved 2021