"Stop calling me love!"
"Please,love don't leave me. Why are you doing this to me?"
"Get away from me! Stop pretending! YOU BETRAYED ME!
"Alice...."narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Nagisip-isip ako sandali.
"Alice...."
"Muntik ko nang makalimutan, yun pala ang mama Kong si Janice Gomez.
Ang mama ko ang nag-iisang magulang ko simula noong mamatay ng maaga ang papa ko dahil sa cancer at dahil wala din naman akong kapatid. Itinataguyod niya ako sa tarabaho niyang pagiging secretary sa isang kompanya.
Kasalukuyan akong narito sa aming sala at nanonood ng drama series na ang pamagat ay ,Carrying my revenge "Ughh.... ano bayann... malapit na sana ako sa pinakaaabangan kong eksena" sinabi ko iyon ng may pagkairita at pagkadismaya ngunit bigla akong napatakip sa aking bibig dahil akala ko narinig iyon ni mama, pero salamat naman at hindi.
"Alice...." tinawag ulit ako ni mama ngunit sa pagkakataong iyon ay pasigaw niya na itong sinabi. Hindi ko na maipagpapatuloy pa ang pinapanood kong drama dahil alam kong malapit na siyang magalit sa tono ng boses niya dahil hindi ako sumagot sa mga unang pagtawag niya sa akin. Kapag nagagalit siya, para siyang isang gutom na Leon na handang-handang atakihin at lapain and kanyang pagkain kahit anumang oras. Pero, matindi din naman siya sa pagtawa kapag nasisiyahan. " Opo ma, andyan na po" pinatay ko ang telebisyon at pumunta ako kung saan man nanggagaling ang boses na iyon.
Naabutan ko si mama na nakaupo na at hinihintay ako kasama ang mga pagkain na inihanda niya "Bakit ka natagalan sa pagsagot sa akin?" tanong niya. "Ahh....nakaidlip lang po ako sandali sa sala ma" napakamot ako sa aking ulo at itinuro ang sala. Medyo malayo kasi ang aming hapag-kainan mula sa sala kaya hindi naririnig ni mama ang ingay ng aming telebisyon." Hindi mo dapat pinagpapaliban ang tamang oras ng iyong pag-kain, halikana kumain na tayo"
Sumama lang ang aking kalooban dahil hindi ko natuloy and aking panonood ng pinakapaborito kong drama, pero anyways, tama din naman ang sinabi ng aking mama at ayoko din namang suwayin siya.
(Actually maldita talaga ako pero ayoko lang talaga ipakita ito sa mama ko hehe)
• • • • • • • • • • • • • • • • • •
Kriing.....kriing....kriiiing......
Tumunog na naman ang aking alarm clock na parang baliw dahil lunes ngayon at oras na din para ayusin ko and aking sarili para pumasok na sa eskwelahan. Bumangon na agad ako sa aking higaan dahil ayokong maging isang galit na Leon na naman ang aking mama. Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis na rin at kumain.Sa nakagawian, naghihintay ako ngayon sa aking mga "bestfriends" dito sa malapit na waiting shed dahil ako ang parating maaga sa amin at sinasabi ng aming mga magulang na dapat ituring namin ang isa't isa na parang tunay na magkakapatid. Kaya eto ako ngayon naghihintay sa kanila dahil magkakasabay kami dapat pumunta sa aming paaralan. Magkapareho din kasi ang taon na iniluwal kami ng aming mga magulang kasi si Bea ay walong buwan lang noong biglang sumakit ang tiyan ng kanyang nanay at napaanak ng maag. Kaya immature siya nang ipinanganak siya. At ang aming bahay ay magkakalapit lang din. Bigla ko tuloy naalala noong sinabi ng mama ko ang istorya tungkol sa kanilang pagkakaibigan nina tita Alexandra na nanay ni Bea at tita Karen, nanay ni Zsean.
"Ma, bakit ba kailangan po namin maging matalik na magkaibigan? Hindi naman kami malapit sa isa't-isa at....hindi naman din namin kilala ang isa't Isa."
"Yan mismo ang gusto namin na gawin ninyong tatlo anak. Naalala ko pa ang araw ng aming kabataan, ang araw na nagkakilala kaming tatlo sa sa paaralan. Pinagkakaisahan at kinukutya ako noon ng aking mga kamag aral dahil ako ay bagong lipat lang sa eskwelahang iyon at wala akong kaibigan kahit isa man lang. Nilapitan nila ako at kinausap. Silang dalawa and nagtanggol sa akin. Sila lang ang naging karamay ko at naniwala sa akin. Kaya naging magkaibigan kami, sama-sama kaming tatlo na kumakain ng tanghalian at higit sa lahat, tinuring nila akong matalik na kaibigan. So that's when we made that promise, na kapag malaki na kami at may kanya kanya ng buhay at pamilya, ang mga magiging anak namin na babae ay tutulad at ipagpapatuloy ang aming pagkakaibigan hanggang sa susunod pa na mga henerasyon. Pero sa kasamaang-palad, ang naging anak ng tita Karen mo ay isang lalake at ayaw na din niyang manganak ulit dahil nahirapan siya at muntik ng masesarian nang iluwal niya si Zsean. Kahit naman ganoon ang nangyari, napag isip-isipan naman namin na hindi hadlang ang kasarian ng tao sa pagkakaibigan. Kaya Alice anak, gusto kong sundin mo iyon dahil gusto ko ring bumawi at tumanaw ng utang na loob sa kanila kahit na....Hindi naman din nila it hinihingi na bumawi ako sa kanila. At....ang pinakaimportanteng rason.....ay ang aming matatag at walang katapusan na pagkakaibigan. I know that you don't want your mama to be sad, am I right?" Sinabi niya iyon kasabay ang pagngiti.
YOU ARE READING
Bestfriend's Words (Three Of A Kind, The Complicated Love Story)
RandomFriendship and love complications. Three people who continued the friendship between their mothers.Zsean heard the ashaming gossips about the three of them, so he tried to find other friends. Which has result the curiosity of Bea and Alice who were...