Prologue

20 0 9
                                    

--HIS--


Ako na ata ang pinaka malas na lalaki sa mundo simula nung ipinanganak ako dahil sa maling ina ako napunta. No, I'm not adopted or something.. Ayoko lang talaga sa nanay ko. Kung pwede nga lang pumili ng ina, hindi ako mag dadalawang isip na pumili ng iba.


"San ka na naman pupunta iho? Late ka na ngang umuwi kagabi, aalis ka na naman ngayon? Tapos mamaya ano, ibang babae na naman ang dala mo dito?"


Yan ang litanya sakin ng magaling kong ina almost everyday. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, hindi ko na sya uuwian.. Sila ng magaling nyang kabit.

Yes. May kabit ang mom ko. Kahit sabihin pang ikinasal na sila, kabit parin ang lalaking yun sa mga mata ko. My dad will always be the best guy in the world and my mom was just too stupid to break his heart.

Damn her.

Dahil dun kaya ganito ako..

Pero nagbago ang lahat nung may nakilala ako.. Nag bago ang lahat nung maikama ko sya.. I mean, nung makasama ko sya. Ang daming nag bago mula nung makausap ko sya nung gabing yun.

Hindi ko ginusto yung ganung set up but it felt so right. Para bang hindi ko na sya kayang maalis sa sistema ko. It feels like, she has become my daily dose of vitamin.

Sakanya ako humuhugot..

Literal na hugot.

Sakanya ako nagiging masaya at sya lang ang may kakayanang i-satisfy ako.


Mali pero masarap.

Bawal pero mas masarap.



--HER--


Ang swerte ko..

Ang swerte swerte ko dahil magpapakasal ako sa lalaking kasama ko buong buhay ko. Isang lalaking alam lahat ng flaws ko, lahat ng weaknesses ko.Magpapakasal ako sa perfect guy na mahal na mahal ako at mahal ko din naman..


Ang swerte swerte ko.. Ubod ng swerte..


But not until.....


"San ka pupunta?" Tanong sakin ng fiancee ko.


"Sa bar.. You know, Friday night party.."


"Pero andito ako.. Nag off ako ngayon para makasama ka, wag ka nalang umalis babe." Pagpigil nya sakin in a sweet way.


"Huh? Hindi ko na kasalanan kung nag off ka ngayon, Hans.. Alam mo naman na Friday ngayon diba? Girls night out at hindi ko sila pwedeng indyanin." Pagtataray ko.


"Okay sige, sasama nalang ako sayo."


"Sasama? Girls' night out nga diba? Wala ka bang friends? Wala ka bang social life? Wala ka na bang ibang pwedeng samahan kundi ako?" I said sarcastically at napansin kong kumunot ang noo nya.


"Hinay hinay naman sa pananalita, Zyan.. Nakakasakit ka na.. Kaya lang naman ako ganito kasi mahal kita. Masama ba yun?" Sabi nya.


"Oo, masama na yun dahil nagmumukha ka nang buntot ko. No offense ha pero, why don't you get a life na wala ako? Kahit isang araw lang. Gotta go!"


Yung gabing yun ang nagbago sa buhay ko. Simula nung gabing yun, hindi na natahimik ang buhay ko. Isang pagbabagong pinagsisisihan ko but at the same time ay ikinatutuwa ko rin.


Dahil yun ang unang gabi na nagtaksil ako.

I cheated on him but it felt so good. Malaswa man pakinggan pero I enjoyed our first night.. Na-enjoy ko ang buong detalye nung nangyari samin nung gabing yun. I enjoyed every inch of him..

Yes, him..

The oh-so-hot casanova..

Ang isa sa casanovas na napagpustahan namin.

Pustahang nauwi sa kasalanan..

Pustahang nagbago sa buhay ng bawat isa sa amin.

Pustahang nauwi sa...

PLEASURE.


It all happened that night when I had a bittersweet taste of freedom.

A Taste Of FreedomWhere stories live. Discover now