Third Person's Point of View
Ang Goryeo ay kasalukuyang sinasalakay ng mga kawal ng Dinastiyang yuan upang makakuha ng mga panibagong mga mangaggawa at alipin na magsisilbi sa kanila.
Ang mga kababaihan ay ikinukulong at ibenebenta ng malaking halaga sa mga dayuhan at minsan pa ay pinagsasamantalahan.Ang iba naman ay nagiging isang Alipin.
Ang mga lalaki naman ay nagiging mga manggagawa ang iba naman ay nagiging bahagi ng hukbo ng Yuan.
Sa bawat tumatakas ay hindi na muli pang sinisilayan ng araw.Naging malupit ang lahat sa mga mabababaw na tao.
"Patayin ang lahat ng mga susuway!" sigaw ng kapitan ng yuan.kaya agad namang sumunod ang mga kawal at nilagutan ng hininga ang mga lumabag.
"Pakiusap huwag niyo akong papatayin!"
"palayain niyo na kami pakiusap"
"Dalhin na ang mga iyan sa piitan at sila na ang bahalang magdesisyon kung anong gagawin sa mga yan." utos naman ng kanang kamay ng kapitan sa mga kawal.
dinala ang lahat ngunit lingid sa kanilang kaalaman na nakatakas ang isang Batang babae.
Ang batang babae ay naglakbay ng naglakbay hanggang sa makalayo ito sa Yuan.Napunta ang batang ito sa gitna ng kagubatan at doon nawalan ng malay.
Ngunit Natagpuan siya ng isang gobernador ng isa sa bayan ng Yuan kaya't dinala ito at inampon.
YOU ARE READING
Empress Ki
FanfictionSeung-nyang,Ang babaeng nanggaling sa Goryeo at Anak ni Heneral Ki Ja-Oh,Ang pinakamatapang na heneral sa Goryeo. Si Seung-nyang ay isang magandang dilag ngunit Isang napakabangis at napakawais nitong mag isip. Isang araw ay may mga Manlalakbay na n...