why#1

0 0 0
                                    

Created 4/7/2020

kailangan ba talaga magkaroon ng MAS mahal,  Mas importante,  Mas Pinapahalagan at Mas Prayoridad sa Magkakapatid? 

Hindi ba pwedeng parehas Mahal,  parehas Importante, Parehas Pinapahalagahan at parehas Inaalala? 

Hindi ba alam ng mga magulang na kapag may "Mas" sila sa mga anak nila  may nasasakatan pa sila sa mga anak nila. 

Mapa panganay man, bunso,  o lang gitna man yan sana pantay pantay nalang. 

Kaso yung mas pinapahalagahan nila Masyado ng mahaba ang sungay.  Kapag nilabanan mo ikaw masama.  Ikaw ang pinaka masama nilang anak. 

Samantala nung bata kapa sasabihin nilang pagbigyan o magparaya kana na kesyo ganito ganyan , hindi ba pwedeng parehas meron parehas wala. 

Kapag sa mga bagay na gagawin doon kalang nila unang naiisip UTUSAN. 

Kapag ako nagkapamilya ng akin sisikapin kong hindi matulad sa kanila.  Sinikap kong mabuting anak para makita nilang katulad din ako ng paborito nila...  Pero wala. Sinikap ibigay yung bagay na gusto nila...  Pero sa huli wala parin pala. 

Nagparaya ako o nag paubaya ako ng mahabang panahon,  yung pangarap kong kasama sila unti unti ng naglalaho . Gusto ko ibalik sa kanila yung sakit na naramdaman ko kung paano nila ako isinantabi. Pero mali.  Anak lang ako,  Magulang sila. 

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon