hyunjin's
sobrang pait ano ba to?
lumapit ako sa counter para magtanong sinong gumawa ng order ko.
" hello sir! may order po kayo ulet? " tanong ng cashier saakin. napa hinga nalang ako.
" ah hindi. gusto ko lang sana makausap sinong gumawa nung order ko na kape? " sabi ko sa cashier nang may naiiritang ngiti.
mukhang kinakabahan siya sa sinabi ko.
" a-ah sige sir. tatawagin ko lang po. maupo na muna kayo at siya nalang pupunta sa table niyo. " sabi niya sakin.
tumango ako at bumalik sa upuan ko. seryoso ang pait ng kape!
di nag tagal, may papalapit na babaeng nakayuko at naka apron. natatakot ata to.
" uh sir pinatawag niyo po ako? "
itinaas ko yung tingin ko para kausapin yung babae pero-
-shet ang ganda niya.
natulala ako onti bago niya ako tinawag.
" sir okay ka lang ba? may problema po ba sa ginawa ko? " tinanong niya sakin.
ah, oo pala.
" ang pait naman ng kape niyo! " naiinis kong sabi habang itinuro yung baso ng kape.
" pero sir... kape po yan eh. " medjo naiirita niyang sabi.
ilan ba ang magsasabi niyan sakin?
" oo pero sobrang pait naman neto! ano ba kasing ginawa mo? "
halos mapanganga yung babaeng nasa harap ko.
" sir order niyo po italian roast coffee. sadyang mapait po talaga yon. akala ko po alam niyo yon? " natatawa niyang sabi sakin.
GANON YON!?
" a-ah ganon ba? sorry medjo bago pako sa nga kapeng ganto. sorry. pwede ka nang umalis. " nahihiya kong sabi habang napaupo ako.
pinigilan ng babae yung tawa niya bago tumango at umalis papuntang kusina.
pota nakakahiya.
⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀
⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓
⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀
[ author's note ]sabi nila mapait daw talaga ang
italian roast coffee so ewan huhu⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀ ⠀⠀ ⠀
BINABASA MO ANG
kape. → hwang hyunjin
Fanfiction─ ❝ ang pait naman ng kape niyo! ❞ ; in which hyunjin orders a cup of coffee to help him study for the finals. ⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓ hwang hyunjin epistolary tagalog - english sqrrljisung ⓒ 2020 (ciellebys ⓒ 2020) status : discontinued started on : 2020.0...