"Madaling Araw"

17 2 2
                                    

Sa mga sandaling karamihan ay nagpapahinga,
Ako'y nananatiling dilat at gising ang diwa.
Nagsusulat, nag-iisip, at hinuhubog ang pagkamakata.
Nilalaman nitong aking mga tula, sadyang nag-iisa't kahanga-hanga.

Walang kahambing, syang nag-iisa na aking nais makapiling .
Sa ilalim ng kalangitang puno ng mga tala, ako'y nananalangin.
At pagkatapos kang alayan ng mga tula, ako'y maghahanda na para sa paghimbing.
Itatabi ang aking mga gamit, kasama ng tinta nitong natatanging pagtingin.

-The Boy in a black fan.

Poetic Emotions, Rhyming Feelings.Where stories live. Discover now