"Panahon ng Quarantine"

16 2 0
                                    

Magkausap ngunit di magawang magkita.
Tumatawa pero hindi sigurado kung totoo nga ba?
Walang ibang maisip, kundi ano nga kayang ginagawa mo.
Pagkikitang inaasam-asam, mukhang mananatiling malabo.

Buryong na buryong na sa kasalukuyang pamumuhay.
Tila ba lahat ng mga araw ko'y walang pinagkaiba't nakakulong na sa ganitong buhay.
Pareho kaya tayong ganito o may pinagkaiba lang ng konti?
Pagbalik ng lahat sa kaayusan, hinihiling ko rin palagi.

-The boy in a black fan.

Poetic Emotions, Rhyming Feelings.Where stories live. Discover now