kabanata 11

27 2 1
                                    

(3 weeks later)

"Anak kumusta kana? oh ba't ganyan ang itsyura mo? hindi ka ba masaya na okay kana?"
tanong ni Robie sa anak nyang si Sean ....

" I'm fine and i'm happy mom, naiisip ko lang mom kung bakit hindi ako dinadalaw ni Bianca dito sa bahay" saad nito

" anak, palagi kayang nandito si Bianca sa bahay natin, palagi mo din syang kasama, nga pala may bisita ka" saad ni Robie kaya napa kunot ang noo ni Sean, hindi nya na gegets ang sinabi ng ina

" ah hello sean" napatingin naman si sean at nakita nya ang bestfriend ng kanyang kasintahan

" hey, why are you here?Where is Bianca" tanong ni sean

" gusto lang sana kitang kumustahin, at gusto ko rin sana ibigay sayo itong gustong ipabigay ni best" malungkot na saad ni shanaya,

" why? bakit nya pa sayo ipinadala? bakit hindi nalamang sya ang pumunta dito?galit parin ba sya saakin?" saad ni sean

" hindi kailan man magagalit sayo ang bestfriend ko sean, mahal na mahal ka noon, kaya nga gusto nya yang ipabigay sayo eh " saad ni shanaya

" tsss, kung mahal nya ako bakit  bindi nya man lang ako puntahan dito sa bahay?" inis na saad ni sean...malungkot na napangiti naman si Shanaya

" lagi syang nandito sainyo sean, lagi mo din syang kasama,dimo ba nararamdaman? *beeepp* ay sige na uuwi na ako hinihintay na ako nila mom and dad sa baba" saad ni shanaya at umalis  na nga... bumilis naman ang tibok ng puso ni sean kaya dali dali nyang tiningnan ang bigay ni shanaya at ng buksan nya ito ay doon nya nalamang diary pala ito na pag mamay ari ng kanyang kasintahan kaya nag taka sya kung bakit nito ibinigay sakanya ang sariling diary...

.......

mag hapon nyang pinag tuunan ng pansin ang diary ni Bianca ,
Ito ay diary na ginawa ni Bianca mula ng Grade 7 ito , paunti unti lang naman kasi ang sulat kada araw ... natutuwa si sean dahil karamihan pala na isinusulat nito sa diary ay puro tungkol sakanya mula grade 7 palang pala si bianca ay may pag tingin na ito sakanya ....

habang palapit sya sa last page ng diary ay bumibilis ang tibok mg puso nya ... at ng mapunta nga sya sa last page ay napa kunot ang noo nya, para sakanya talaga kasi ang sulat na iyo

Play the instrumental music of  Nothing Gonna Change My Love for You
By; George Benson

0ctober 5,20**

Christian Sean Aquino , Ang pinaka Gwapo , pina ka Matalino, pina ka Masungit , pero pina ka ma pag alaga at mapag mahal na taong nakilala ko , uhm I love you very very very much...
and i want to be with you forever kaya kung mamatay man ako bukas o sa mga dadaan pang araw ay gusto kong ibigay ang puso ko sayo , syempre para ako lang nasa puso wala ng iba at kapag may nag tangka man pumasok ay papalabasin ko agad ito ,ano sila sinuswerte?hahaha charing lang , kung mag mahal kaman ng iba ay okay lang saakin , maramdaman at makita ko lang na masaya ka ay paniguradong sasaya narin ako noh ... alam kong habang binabasa mo ito ay pumipintig ang puso mo, diba diba? bakit? syempre kasi buhay ka hahaha ,

Pero alam mo sean, nasaktan ako kanina promise, di kasi ako sanay na hindi mo ako pinapansin , syempre sinanay mo ako eh ...baliw ka kasi ...

Natatakot ako Sean , kanina kasi habang nag lalakad ako pauwi saamin ay hinarang ako ng isang tambay na mukhang adik or adik nga talaga kasi namumula ang mata eh,

tapos may masama itong balak sakin, pano ko nasabi?  simple lang, Minolestiya kasi ako nito hinawakan ang mga private part ko at matapos naman ay tinutukan ako ng kutsilyo , kaya sa sobrang takot ko naman ay itinulak ko ito ng napaka lakas at tumakbo na ako ng mabilis hanggang sa maka uwi ako, pero ng nasa kwarto na ako ay sumilip ako sa bintana at natakot talaga ako ng sobra ng makita ko yung lalaking kumakaway habang may hawak na kutsilyo ... kaya napapa isip ako ngayon na  siguro hanggang dito nalang ang buhay ko hanggang 4th year lang din ako, actually nararamdaman ko din naman kasi pagod na pagod na ako eh baka gusto narin akong pag pahingahin,pero alam mo kahit pagod na ako sa buhay ko? di ko tinangkang saktan ang buhay ko kasi alam ko din namang ako lang ang mag sa suffer at ayoko pa talagang mamatay kasi nga gusto kitang makasama habang buhay gaya ng plano natin diba,

hahaha siguro huling gabi ko na ito , pero syempre pipilitin ko parin naman na labanan si kamatayan noh,

bukas nga eh kakausapin kita gusto ko kasing malaman ang dahilan mo , kung bakit hindi mo ako pinansin buong araw...at gusto ko rin sanang mag pahatid sayo bukas , baka kasi harangin nanaman ako nong lalaki eh , natatakot talaga ako....

Pero sean, kung sakali mang mamatay ako,  hinihiling ko na alagaan mo ang sarili mo at wag na wag mo itong pa babayaan ah, kapag naibigay ko narin sayo  ang puso ko ay sana alagaan mo din ito gaya ng pag aalaga mo saakin kasi para naman talaga yan sayo , at wag ka din palang magalit saakin kung iiwan agad kita kasi diko naman to ginusto no eh duhhh sino ba ang gustong mamatay ? isipin mo nga!  Pero seryuso na ito, Ipag patuloy mo sana ang mga gusto mong gawain sa buhay, puntahan mo ang gusto mong puntahan , at sana dimo ako maka limutan kasi masasaktan ang puso ko nyan, kahit alalahanin mo nalang ako bilang isang kaibigan oks na oks na ako ,

Basta ha! Lagi mong tatandaan at wag na wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita...
maraming salamat sa lahat sean, maging masaya ka sana sa buhay mo kahit wala na ako paki sabi din kila tito at tita na salamat , kasi dahil sakanila naranasan kong mag karoon ng mapag mahal at ma pag alagang magulang ...

sige na matutulog na ako, pagod narin naman na ako at masakit na ang mata ko kaiiyak, sige paalam Christiansean Aquino ( Boyfriend ko ) hanggang sa muling pag kikita ...

Love ;  Bianca

At isinara na nga ni Sean ang Diary ni Bianca... at napa hawak sya sa puso nya saka umiyak ng umiyak...

" I'm sorry Bianca kung hindi kita. pinansin noon and i didn't mean what i say to you that time! i love you so much! nasabi ko lang yun kasi nawawalan na talaga ako ng pag asa noon, akala ko mamatay na ako, kaya umiwas ako para kung sakali mang matay ako ay dika iiyak kasi galit ka saakin, akala mo ba  ay sasaya pa ako ngayon? alam mo mas gugustuhin ko pang maunang mamatay kisa sa ganito ! ang sakit Bianca , ikaw ang kaisa isang taong bumuhay ng ilaw sa buhay ko pero ikaw din pala ang papatay nito!" puno ng galit na saad ni sean habang umiiyak ...

" sean anak, wag ka ng umiyak, sa palagay mo ba masaya din yun sa kabilang buhay si Bianca ? syempre hindi kasi hindi ka na nya makakasama, mahal na mahal ka nya anak , at hindi nya rin ginusto ang nang yare sakanya " saad ni Robie sa anak at yinakap ito

" mom, it's hurts !" parang batang sumbong ni sean habang umiiyak sa ina at yumakap din sa ina...

........

Bianca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon