Dear Idol,
Hindi naman talaga kase kita kilala, hindi ko nga alam na sikat ka. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayare, nakilala kita at doon nagsimula ang kakaibang takbo ng buhay ko.
Kasama ko noon ang kaibigan kong si Weather, mayroon ka daw kasing book signing. Dahil boring ako sa bahay, sinamahan ko siya.
Matagal kaming nag hintay sayo ng mga oras na iyon. Ang tagal mo, nainip ako at pumunta ako sa isang ice cream shop. Hindi sumama si Weather kase iintayin niya daw ang pag dating mo.
Umupo ako ang iniintay ang order ko na banana with chocolate sunday and sprinkles. Dumating ang order at kinain ko yon, at hindi pinansin ang mga nasa paligid ko. Hindi ko din napansin na may umupo na pala sa tapat ko, saka na lang kita napansin ng naubos ko na ang kinakain ko.
Nagulat ako noong una, pero nginitian mo ako at binigyan ng tissue upang ipunas sa gilid ng labi ko. Nagulat uli ako kase ikaw na mismo ang gumawa 'non, kakaiba ang aking naramdaman ng lumapat ang balat mo sa aking mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ano ang ibig sabihin nito?
Lumipas ang isang oras, marami akong nalaman tungkol sayo. Nalaman kong ikaw pala yung tinutukoy ng bestftiend ko na isang sikat na manunulat. Tinanong kita kung bakit hindi ka pumunta. Sinabi mo sa'kin na masama ang pakiramdam mo kaya agad akong naalarma. Hinawakan ko agad ang iyong noo kasabay ng pag hawak mo sa aking kamay at sinabi mong okey ka lang.
Gusto ko pa sana makipag kwentuhan sayo, kaso naalala kong may kasama ako. Binigyan mo nga pala ako ng libro na may pirma mo. Sinabi kong ibibigay ko na lamang ito sa kaibigan ko, sabi mo 'huwag na, ipakilala mo na lamang ako sa kaibigan mo at ako na mismo ang mag bibigay sa kanya. Sigurado naman akong mabait din ang kaibigan mo katulad mo'. Nag paalam na ako sayo, nagalit pa nga si Weather kase ang tagal tagal ko.
Alam mo ba? Kwinento kita sa kaibigan
ko, sinabi ko sa kanya kung gaano ka kabait at kadaling pakisamahan. Sinabi ko din sa kanya sa crush kita. Wala e, masyado ka kaseng mabait at napaka gentleman mo.Pag kadating ko pa lamang sa bahay, kinuha ko na agad ang laptop ko at binuksan ang twitter ko. Hinanap ko ang pen name mo na nakalagay sa libro. @kendy ang inilagay ko. Madami ang lumabas kaya hindi ko agad nahanap. Sayang hindi ko alam ang pangalan mo at tanging pen name mo lamang na nakalagay sa libro. Nakakahiya man ngunit tinanong ko kay Weather ang pangalan mo, ganito siguro talaga pag nagugustuhan mo yung isang tao. Makakagawa ka ng bagay na hindi mo akalain na magagawa mo.
Natuwa naman ako kase agad binigay niya ang pangalan mo. Agad ko itong hinanap. Max Garcia pala ang pangalan mo, at doon nakita ko ang account mo.
Ang dami mong followers at fans na sumusuporta sayo, pinapansin mo din kaya sila katulad ng ginawa mo saken?Finollow kita at laking tuwa kong finollow back mo agad ako makalipas lamang ang limang minuto. Muntik din akong mapatili ng nag dm ka saken. Nakakatuwa lang na ang isang sikat na manunulat ay kausap ang isang hindi sikat na tao katulad ko. Simula din noon naging Idol na kita.
Dumaan ang buwan naging mas malapit tayo, naging mag kaibigan tayo at doon na din nag simulang lumalim ang nararamdaman ko sayo. Araw araw mo akong kinukumusta at tinatanong kung kumain na ba ako. Ang sweet sweet mo saken kaya hindi na ako nag dalwang isip na ipag patuloy itong nararamdaman ko. Ang saya sa pakiramdam, sa bawat araw na lumilipas ay lalo akong nahuhulog sayo. Lagi din akong pumunta sa book signing mo. Para ngang naging personal assitant mo na ako e, pero ok lang atleast makita kita ng malapitan.
Minsan niyaya mo akong kumain, nahihiya ako kaya sinama ko si Weather. Pinakilala ko siya sayo, natuwa naman ako kase agad kayong naging close at yon ang bagay na pinag sisisihan ko. Mas naging close pa kayo, at hindi ko yon inaasahan. Ganun pa din naman ang pakikitungo mo saken kaya hindi ko na lang pinansin, siguro mabait ka lang talagang tao.
Lagi na din kaming mag kasama ni Weather sa book signing mo, mas close nga lang kayo. Lumipas pa ang tatlong buwan at tuluyan mo na nga akong hindi pinansin, kung hindi pa ako ang unang mag chachat hindi mo ako ichachat. Nag tatampo na nga ako sayo e, kase mas may time pa kayong dalwa ni Weather kesa sa'ting dalwa.
Nasasaktan ako sa mga nakikita ko sa post mo, litrato mo kase yon kasama ang kaibigan ko. Ang sweet sweet niyo nga e, ang dami ko ding nababasa sa comment section na bagay daw kayo, na ang sweet niyo raw, na sana kayo na lang daw ang mag katuluyan. Gusto kong sumigaw at mag wala, nasasaktan kase ako e.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, nakipag kita ako sa sayo pero hindi ko inaakalang kasama mo ang kaibigan ko. Mas lalo akong nadurog ng sinabi mong kayo na pala. Alam mo yung mas masakit? Sinabi mo 'saken na salamat kase dahil sa'ken naging kayo ni Weather'.
Nasaktan ako ng sobra, pakiramdam ko wala na akong kakampi. Bakit si Weather na kaibigan ko pa? Alam mo bang alam ni Weather na gusto kita? Ang sakit makita kang kasama mo yung kaibigan ko. Mahal na kase kita e, at ang tanga ko para hindi ko agad nasabi sayo iyon.
Binabad ko ang sarili ko 'non sa alak at bisyo, hindi na din ako nakakakain ng ayos at puro alak na lamang ang inaatupag ko. Umabot din ako na nag laslas ako, at nagising na lamang akong nasa ospital ako.
Nakakatawa lang na pag mulat ng mata ko, si Weather ang nakita ko. Nagalit siya saken, bakit ko daw ginawa yon. Sinisi ko siya kung bakit ko nagawa yon, inigaw ka niya saken e. Siya ang dahilan kung bakit ako nag naging ganon. I hate her to death, sinabi kong hindi ko siya mapapatawad. Nag sorry siya saken at gagawin niya daw ang lahat para mapatawad ko siya. Sinabi kong ipaubaya ka niya sa'ken, sinampal niya ako at pinamuka saken kung gaano ako ka selfish. Ang tanga ko diba? Wala na, pati friendship namin wala na.
Siniraan ko siya sayo, pero ang ending sinigawan mo ako. Nagalit ka saken kase sinisiraan ko yung prinsesa mo.
Dumating yung araw na parang ayaw ko na lang mabuhay. Hindi na ako pumapasok at puro sinco na ang grado ko. Pinuntahan na din ako sa supervisor ng aming paaralan, running for magma cumlaude kase ako pero napayaan ko ang pag aaral ko dahil sa tanginang pag ibig. Suko na ako sa buhay ko, wala na nga akong pamilya nawalan pa ng kaibigan, malas pa sa love life.
Idol? Kung nababasa mo man 'to ngayon siguro tahimik na ako ngayong nakahimlay. Mahal na mahal kase kita, hindi ko kinaya ang sobrag pag mamahal ko sayo na hindi nasuklian. Pero alam mo? Ikaw ang pinaka magandang nangyari aa buhay ko. Sana maging masaya kayo ng bestfriend ko.
Ingatan mo Max si Weather ah? Mahal kita pero mas mahal ko yang bestfriend ko. Hindi man kami nag kaayos bago ako mamatay pero mahal na mahal ko yan.
Ps. Subukan mong saktab yan mumultuhin kita.
Nag mamahal,
Alexa.