I lied

5 0 0
                                    

(June 15, 2020)

"TROY gusto kita, gustong gusto kita. Eversince our talk nung highschool, noong sinabi mong di ko kailangang magbago para sa kagustuhan ng iba. I started to have feelings for you."

"I will never like you and I will never love a girl like you" sinabi ko yun sa harap nya at ng maraming tao.


(June 17, 2020)

"FINALLY!!! History class is so boring" Ani ng kung sino sa mga kaklase ko, I don't know them si Kiko at Daryl lang ang kilala ko dito.

"Tara bro,cafeteria tayo" aya ng dalawa sakin. I just gave them a simple nod at nag patuloy sa pag aayos ng gamit ko.

"Una na kami dre sunod ka nalang ah?" Sabi ni Daryl na nasa may pinto
"And bro andyan na sya" dagdag pa nito, alam ko na ang susunod na mangyayari
3
2
1
"Trooooy!" napapikit nalang ako sa narinig kong matinis na boses. I picked up my bag at lumabas para harapin ang delubyong laging humabol sakin saan man ako pumunta.

"Candice" I looked at her with a plain face.

"Good morning Troy" she smiled
That smile, that fucking smile panira na agad ng araw.

"What's good in the morning if you're here?" I look down.

"Another piece of shit? How many times do I have to tell you not to buy me bullshit gifts?" Asar na saad ko looking straight into her eyes, ugly eyes.

"Uhm ah ito? Kararating lang nito kagabi straight from Japan limited edition yan stuffed toy na Pusa diba favorite mo ang Pusa?" She said cheerfully.
"Here take it, that didn't cost much anyways" she said laughing. Sakit sa tenga.

"Nagsayang ka pa ng pera, di ko naman sinabing bilhin mo yan." Kinuha ko ang paper bag at lumapit sa basurahan na malapit sa kinaroroonan namin.

"Lahat ng bagay na galing sayo, ay basura" inihulog ko ang paperbag sa basurahan sabay alis at di na sya nilingon pa, narinig ko ang pagtakbo nya paalis. Uuwi na ako nawalan na ako ng gana pumasok pa ulit.

——
(June 18, 2020)
SHE'S Candice ang babaeng laging sumisira sa araw ko. Araw araw nyang pinepeste buhay ko. Andito ako ngayon sa cafeteria habang ang dalawa ay nasa library may kukunin daw halata naman susundan lang nila yung babaeng nakita namin kanina habang papunta dito.

"Troy here oh ice-cream favorite mo" Bored kong siyang tinignan.

"I hate ice cream"

"Huh? How come? I just saw you kaninang umaga eating one"

"Ayoko na ngayon" tumayo ako at kinuha ang ice cream na hawak nya at inilagay sa noo nya. I smirked
"Unicorn"

——
(October 20, 2020)

ARAW araw na laging ganun ang eksena naming dalawa sa loob ng kalahating taon namin sa college. She gives me something and It's either I throw it away or sakanya ko mismo itatapon. I just hate her to hell the reason is.
"Troy oh tubig" I'm in my basketball practice right now at break namin.

"No thanks" pag tanggi ko sa tubig na hawak nya.

——
(October 30, 2020)
"TROY di ka bumaba kanina so I decided na dalhan ka ng snacks" here she goes again

"Kiko! Snacks oh" hinagis ko kay Kiko ang chichirya na agad naman nyang binuksan para kainin.

"Thanks bro!" Pagpapasalamat nya, napailing nalang ako sa sagot nya at yumuko sa desk ko para matulog naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga ng babaeng nakatayo sa harap ko at tsaka umalis.
Kailan ba titigil ang isang yun?

——
(December 23, 2020)
"BRO si Candice andyan nanaman" Andito kami sa may corridor at naglalakad papunta sa fourth class namin after ng break time. Tumalikod ako para di na kami mag kasalubong ng babaeng yun agad namang sumunod ang dalawa kong kaibigan.

"Troy wait!!" Napapikit ako sa inis, nang pagmulat ko bumungad sa akin ang naka ngiti nyang mukha, tss.

"What do you want?" I ask plainly.
"Uhm magpapasama sana ako sayo mamaya after class, bibili sana ako ng regalo para sa kuya ko. Mag aantay ako dun sa may gate ah? Pumunta ka ah?" And then she left, does she think mapapapayag nya ako sa pag alis nya agad? Napailing ako sa sobrang inis. I won't go.

Last subject na namin pero andito na ako sa bahay para tumakas sa babaeng yun.

——
(February 26, 2021)

TODAY is unusual, matatapos na ang break time pero hindi ko pa din nakikita si Candice. Nakayuko lang ako sa desk ko nang may tumapik sa balikat ko.

"What took you so long Candice? Akala ko di mo na masisira araw ko ngayon" I looked up to see Daryl together with Kiko curiosity is written all over their face.

"Akala ko si Candice, kayo lang pala, tss. Asaan ba yung babaeng yun?!" Bulalas ko.
"Ahm bro, Wala na si Candice" Daryl said with a low tone voice, I looked at him.
"Lumipat? Kailan pa?" I asked.

"Troy, patay na si Candice remember? 2 months ago"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Kiko.
Lumabas ako sa classroom na puno ng pagtataka at tumakbo nang tumakbo, memories came rushing into my mind until I found myself sa eskenita kung saan nangyari ang lahat, kung saan binaboy at pinatay ang babaeng pinakamamahal ko sa araw na nagpasama sya sakin para bumili ng regalo. Napaluhod ako sa sobrang panghihina. I LIED. a tear fell from my eye na nasundan pa ng nasundan ng maraming luha.

I lied. I lied when I said that her smile ruins my day.

I lied. I lied when I said that her eyes is ugly.

I lied. I lied when I said that her laugh hurts my ear.

I lied. I fucking lied when I said that I don't like her. I love her. And now I lost her.

I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon