Cabrera 1: Groceries

364 12 0
                                    

Eirol's POV

Nakatitig ako ngayon sa listahan na binigay sa akin ni Maddie. At nandito ako ngayon sa grocery. Pinasama sa akin ni Maddie ang dalawang bata. Si Aleyna at Ilayda. Si Ilayda ay nakasakay sa cart. At si Aleyna ay akay-akay ko.

Okay. Singhaba lang naman ng ruler ang listahan. At mukhang 60 items lang naman ito mahigit. Ayos lang naman ako. Ayos na ayos. Bukod sa hindi ko alam ano una kong hahanapin ay nag-iiiyak itong si Ilayda sa cart dahil gustong bumaba at itong si Aleyna naman ay hatak ng hatak sa laylayan ng damit ko na kanina pa nagtuturo ng gusto.

Ako kasi ang laging nag-ggrocery ngayon dahil buntis si Maddie. Ayokong maistress siya at baka mapaano ang bunso namin. Tsk.

"Ilayda, stop crying na please. Nababaliw na nga ako dito sa listahan na binigay ng Mama mo eh." sabi ko sa kanya habang pinapatahan siya kasi nagtitinginan na ang mga tao dahil sa iyak niya.

"Papa! I want that! And that too. Oh, and also that! Let's go there! Let's go!" pangungulit ng limang taong gulang na si Aleyna. Napabuntong hininga na lang akong tinulak ang cart papunta sa tinuturo niya para manahimik na ang batang ito. Hahanapan ko na din si Ilayda ng kung ano para tumahan.

Napatingin na lang ako sa cart na puro pagkain na si Aleyna naglagay. At oo. Wala pa akong nakukuha ni isa sa mga nakalistang binigay ni Maddie. Si Ilayda di pa rin tumatahan. Hanggang sa makakita na naman si Aleyna ng kung ano at lumapit sa ice-cream section. Kumuha siya doon ng gusto niya. Saka humablot ng isa pa at inilapit kay Ilayda.

"You want this one sister? Or this one?" sabi niya sa kapatid niya at ipinakita ang dalawang ice cream na hawak niya na tila pinapapili si Ilayda. Magnum at Selecta hawak niya. Agad hinablot ni Ilayda yung magnum at akmang bubuksan nang pigilan ko.

"Baby, mamaya na natin iopen yan. Bawal pa. Hindi pa yan bayad." sabi ko kaya ngumawa na naman siya. Kaya iyon wala akong nagawa. Binigay ko ulit. Nako nako. Kung hindi ko lang mga anak ito eh.

"That's enough na ha Aleyna. Magagalit na ang Mama mo sa dami ng kinuha mo. Ako malilintikan niyan eh. Huhu." sabi ko. Tumango-tango na lang siya at nag-thumbs up sa akin tapos iyon nag-proceed na ako sa pamimili nung mga nilista ni Maddie dahil tutal natigil na sa pangungunsume itong dalawa.

Nang sa wakas ay matapos na ako pamimili ay agad ko ng inilagay sa compartment ang mga pinamiling groceries at agad iniupo si Ilayda sa car seat carrier at binuckle ang seatbelt. Si Aleyna naman ay naupo sa unahan katabi ko. Kahit na sawayin kong bawal siya sa harapan dahil maliit pa siya ay hindi siya nakinig. Nilantakan niya lang ang ice-cream. Ganon din si Ilayda na halos maglagkit na ang mukha at kamay sa kinakain na ice cream.

"Oops. Papa. Sorry." sabi ni Aleyna nang may magpatak patak na ice cream sa sahig ng kotse. Napapikit na lang ako. Gosh. Eirol sige. Anak pa. Ginusto mo yan.

Nang makauwi na kami ay agad ko ng pinababa ang dalawa kaya tumakbo agad sila papasok ng bahay. Ako naman ay kinuha na ang groceries sa compartment at ipinasok sa loob. Naabutan ko si Maddie sa kusina. Napalunok na lang ako nang salubungin ang masama niyang aura. Nasa harapan niya na ang dalawang bata na parehong madungis dahil sa ice-cream.

"Binilhan mo na naman sila ng ice-cream?" tanong niya sa akin.

"Ahh. Oo kasi nagmamaktol yang dalawa kanina sa grocery. Hindi ko natiis eh. Hehe." sabi ko at agad nilapag ang mga supot ng groceries sa countertop.

"Alam mo namang gaano kadungis itong dalawang ito pag kumain ng ice cream. Tignan mo. Puro mantsa ang mga damit. Chocolate pa." sabi niya na napameywang pa sa akin. Buti nakakapustura pa siyang ganiyan sa laki na ng tiyan niya. Hehe. Shooter kasi ako.

"Hoy! Eirol!" tawag niya.

"Ahh. Oo. Don't worry. Ako na bahala diyan. Ako na maglalaba. Tapos lilinisan ko na sila." sabi ko saka inakay ang dalawa sa banyo.

"Sorry Papa. Mama is mad because of us." naka pout na sabi ni Aleyna. Nakita ni Ilayda na nakapout ang ate niya kaya nagpout din siya. Natawa ako sa dalawa kong anak at parehas silang pinisil sa pisngi.

"It's okay. As long as you're both happy." sabi ko sa kanila. Ngumiti silang dalawa sa akin.

"Eirol." saktong paglabas namin ng banyo ng dalawang bata ang siyang rinig ko sa pagtawag ni Maddie sa pangalan ko. Kaya nga agad akong lumapit sa kanya.

"Bakit umabot ng sampung libo itong grocery? Seven thousand lang ang budget ah?" sabi niya habang nakatingin sa listahan. Napakamot naman ako sa ulo.

"Ahh. Iyan ba. Hehe. Kasi ano."

Nang halungkatin niya ang mga supot ay nakita ko na naman ang masama niyang aura. Hehe. Paktay.

"Bakit tatlong supot ito ng mga puro snacks?" tanong niya sa akin.

"Eh kasi ano. Hehe. Yung dalawang bata ang daming kinuha. Nagmamaktol kapag inaalis ko sa cart." paliwanag ko.

"Sabi ko naman sa iyo yung nasa listahan lang ang bibilhin. Nagpadala ka na naman sa dalawang bata. Tignan mo imbes na 7k lang ang total balance naging 10k?! Eh ang dami pa nga nilang stocks ng pagkain diyan sa pantry."

"Sorry na. Hindi na mauulit." I told her.

"Oo hindi na talaga. Ako na maggrocery sa susunod." sabi niya at isa-isa ng nilabas ang mga groceries sa supot. Yumakap naman ako sa kanya mula sa likod at ipinalupot ang kamay ko sa umbok ng tiyan niya.

"Madds, wag ka na magalit please? Baka ikasama ng bunso natin yan. Sorry na." pag-aalo ko sa kanya.

"Eh ikaw kasi." sabi niya pa.

"Sorry na talaga." sabi ko.

"You should not spoiled them. Gusto ko kahit hindi nga tayo salat sa pera ay matutunan nilang magtipid. Hindi porque maraming pera ay puro sige sa gastos." sabi niya.

"Sorry. I just want to give them what they want lang naman hangga't kaya kong ibigay. Gusto kong makita silang masaya. Pero don't worry. I promised hindi na mauulit." sabi ko. Napatingin naman siya sa akin.

"Sige ha? Sabi mo iyan." tumango ako saka yumakap ulit sa kanya nang maramdamang may gumalaw sa tiyan niya. Nanlaki naman ang mata ko. It's the first time na maramdaman ko ang bunso namin. Lagi na lang kasi kay Maddie nagpaparamdam eh. Kapag ako na hahawak, nawawala.

"Tignan mo, pati anak mo mukhang naiinis sa iyo. Iniistress mo daw ako." sabi ni Maddie. Natawa naman ako at pumantay siya tiyan ni Maddie.

"Hey, there buddy. Don't worry pagkalabas mo ikaw naman iispoiled ko." sabi ko saka humalakhak. Sinamaan naman akong tingin ni Maddie kaya nag-peace sign ako.

"I hope it's a boy this time." I told her. Ineexpect kasi namin dati nung pinagbubuntis niya si Ilayda is lalaki. Pero babae pala ulit. Kaya excited na excited na talaga akong malaman kung babae ba o lalaki itong bunso namin.

"No matter what the gender is ganon pa din naman ang pagmamahal na ibibigay natin sa kanya katulad sa dalawang ate niya." she smiled. Tumango ako.

"Yes, baby. Mama is right. Kahit na anong gender mo paglabas mo ay mamahalin ka pa din namin."

And I will note to myself na ikaw na talaga ang huli. Tsk. Mukhang hindi ko na kakayanin pa ang apat. As in hindi na. Last ka na talaga promise!

***

Dare for Love: Reverse the Bottle (Extended Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon