Chapter 1 - REASON

22 0 0
                                    

Vanna's Pov

Hay nako, nakakainis talaga yung lalaking yun. Kung di ko lang yun kaibigan , sinipa ko na ang mukha non.

Kung nagtataka kayo kung bakit galit na galit ako, ganito kase yun....

Flashback

"Zhen sige na naman please kahit ngayon lang oh."Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa paglalakad. "Sige na please?"

"AYOKO!!" matigas na saad niya at kitang kita ang pagkainis sa mukha niya."Magkaibigan naman tayo diba, diba? "sabay pa cute , sana lang tumalab.

"AYOKO NGA SABI BA'T BA ANG KULIT MO."diin na saad niya. At yung kilay niya kulang nalang magdudugtong  na ang mga yun.

"Buhay ko ang nakataya dito, Zhen naman." pagpupumilit ko parin sa kanya. Hindi naman kase mahirap yung ipagagawa ko sa kanya eh. Ang kailangan lang naman niyang gawin ay ngumiti." Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko huh, Vanna ? "galit na anas niya. Mukhang nagalit ko ata siya

Pero kahit na nakakainis pa rin siya. Bakit ba siya ganun, smile nga lang ayaw niya pang gawi . Ang arte hindi naman yun mahirap gawin.

~Back to Present~

Padabog kong inilagay ang bag ko sa couch. Nang biglang dumating yung bwiset kong kuya. Na siyang may pakana lahat ng yun. Ayon tuloy galit na si Zhen sa akin.

"Kamusta lil sis, tapos mo na ba yung misyon mo?" na may pagtutuksong tono. At lumapit saken para guluhin ang buhok ko.

"Kuya naman eh , pwedeng iba nalang. Ako na gagawa ng mga gawaing bahay. Ako na maghuhugas , magwawalis at sa iba mo pang gawain." Ayun, di pa rin natatanggal ang ngisi sa mukha niya.
"No, I can do it by myself. And I'm just doing you a favor." Anong favor? favor ba yun, eh pinapahirapan niya nga ako. Nagalit tuloy si Zhen sakin.

"Remember , once na di mo magawa yun.."He pause for a bit. "Alam mo na yung consequence , ciao"  aba, tinalikuran lang ako.


"Kuya bat yun pa?" tanong ko na ikinalingun niya

"Coz I know , mahirap yung gawin. I know Zhen also dahil kaibigan ko rin siya." at pumasok na sa kwarto niya. Talaga naman oh, bakit ba kase tatanga tanga ako at iniwan ko sa kitchen yung diary ko. Knowing my brother, sobrang pakialamero.

Kung natataka ulit kayo kung ano yung consequence sasabihin ko sa inyo para makarelate kayo but before that sasabihin ko muna kung bakit nagkaabutan sa ganito.


Mahilig akong isulat yung feelings ko sa diary and then yung bwiset kong kuya binasa lahat nang nilalaman dun. And the worst is nalaman niya yung mga pinag gagagawa ko last week ,pumunta kase kami sa bar with my bestfriends  at nalaman niyang may gusto ako kay Zhen.
Baka isumbong niya ako kela mommy , kukunin talaga nila lahat ng gadgets at allowance ko.


Kaya ayun we made a deal na dapat kong mapangiti si Zhen kung hindi isusumbong niya ako at sasabihin niya kay Zhen na gusto ko siya. I don't want that to happen, baka masira yung friendship namin and baka di niya na ako pansinin .

OPERATION: MAKE HIM SMILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon