Vanna's Pov
Argghh! Nakakahiya talaga, umamin ako kay Zhen like really? Sobrang awkward na neto. Kasalanan talaga to ni Kuya. Kung di lang sana niya ako binablackmail. Paano na ako haharap kay Zhen neto?
*Knock ,knock*
Speaking of the devil. Humanda ka saken.
"Aray, Vanna tama na." Kasalanan mo to kaya napahiya ako kay Zhen. " Akala ko ba pinakaiingatan mo tong mga books mo? Bakit mo na sila tinatapon." Hindi ko namalayan na mga babies ko pala ang pinangtapon ko sa kanya. Naiinis talaga ako. Pero tung mokong na nasa harap ko ngayon ay tinatawanan lang ako.
"Kasalanan mo to Kuya kung di mo lang sana ako binablackmail ,hindi pa sana alam ni Zhen na gusto ko siya." Mas pinagtawanan pa ako. Itatapon ko na ulit sana yung librong nasa gilid ko pero na realize ko ito yung favorite kong book. " Wait lang li'l sis , hindi ko sinabing umamin ka. Ang sabi ko kailangan mo siyang pangitiin." May point siya, pero hindi kasalanan niya pa den.
Tumabi siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Kaya tinabig ko ang kamay niya at pinaghahampas ko ng unan. "Aray naman." Yan ang nababagay sa'yo.
"Teka nga muna Kuya Drix bakit ka nga pala andito? " May kailangan ata tung mokong na to. Well this is my chance para gantihan siya.
"Uhmm, kase sasabihin ko sana na mag ready ka para sa saturday. Nag invite ng dinner si Tita Zoira. " Sa saturday pa naman ah. Thursday ngayon bakit ang advance ng isang to. Tita Zoira is Zhen's mother, nahihiya akong makita si Zhen matapos kong mag confess. " Ah okay." Matapos sabihin ni kuya sa akin yun ay umalis na siya dahil may gig pa sila ng barkada niya. Well kasama si Zhen doon dahil siya ang main guitarist while si kuya ang drummer.
Hindi ako makatulog everytime na ipipikit ako ang mga mata ko naaalala ko yung nangyari kanina. Dahil sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
*kriinggg.. krinnnggg*
Ang sakit ng ulo ko, para akong may hang over. Anong oras nga ba ako nakatulog kagabi no , hindi pala kagabi kanina?. Nevermind na nga lang baka ma late pa ako.
I did my daily routine. Since Friday ngayon pwede kaming hindi mag school uniform. I just wear a simple yellow dress with a floral pattern and a pair of doll shoes. Ayoko sa takong , hindi kase ako nasanay mas prefer kong mag sapatos at doll shoes. I curl the end of my hair at put some liptint. And then I'm done, ready na ako. Para kahit makita ako ni Zhen hindi ako magmumukhang haggard. How can I approach him now. Bahala na si Batman.
Pagdating ko sa room ay as usual nakita ko si Zhen sa upuan niya sa may likuran. Tumabi ako sa kanya, kase magkatabi naman talaga kami ng upuan. Para di masyadong awkward I'll just act na walang nangyari kahapon.
"Zhen, may gig kayo ni Kuya kagabi diba? Musta?" Lumingon siya akin na may nagtatakang mukha.
Did I say something weird? " Ahh ,ehh nevermind." May mali ba akong sinabi? Like I'm just asking lang naman.
BINABASA MO ANG
OPERATION: MAKE HIM SMILE
Teen FictionMeet Vanna Zapanta , a girl who has a crush on her childhood friend. Because of a deal between her and his kuya ay napaamin siya ng wala sa oras. That deal is to make Zhen smile at dahil sa sinabi niya before ay mahihirapan siyang mapangiti si Zhen...