By: MissTroublemaker_07
Genre: Sad story(Inspired from the Kelly Clarkson's song, Because of You.)
Note: readers, wag niyo sana akong ibash kapag nabasa niyo na to. Brokenhearted ako habang ginagawa ko ang story na to. So please, hayaan niyo nalang ang nagluluksa kong isip habang ginagawa ang story na ito. Maaring maglaman ng ideyang hindi niyo magustuhan. So sana, wag kayo magalit. Para to sa mga bitter, hahaha.
°°°°°°°°°°°°°°°°
Kelly's POV
"I'm sorry, Kelly. Pero hindi na ako masaya." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Brian. Kahit alam ko na ang pinupunto niya ay nagawa ko parin siyang tanungin.
"A-anong ibig mong sabihin?" I managed to say.
Yumuko siya. "Gusto ko nang... Gusto ko nang... M-makipagbreak."
I was too shocked on his revelation that I remained speechless.
"I'm sorry." Huling sinabi niya bago siya umalis.
Unti-unting nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya kaya dali-dali ko siyang hinabol. Nakasakay na siya sa kotse niya at pinaharurot iyon. Hinabol ko siya at tinawag ang pangalan niya. Pero hindi siya huminto. Bakit? Bakit siya nakipaghiwalay sa akin?
Kasabay ng paghagulgol ko ay ang pagbuhos ng ulan. Hindi na daw siya masaya? Paanong nangyari iyon? Ehh parang kahapon lang ay ang saya-saya namin, tapos ngayon? Hindi ko kayang mawala siya. Ibinigay ko sa kanya lahat-lahat. Siya ang kasiyahan ko, siya ang buhay ko. Pero bakit niya ako iniwan at sinaktan?
Napasalampak nalang ako sa kalsada at lalong humagulgol. Pare-pareho lang pala sila. Pareho lang siya sa mga ex ko. Sabi niya di niya ako iiwan at sasaktan. Pero ginawa niya rin. Akala ko siya na. Pero matapos niyang makuha lahat sa akin ay iniwan niya rin ako. Napakasama nilang mga lalaki. Mas lalo akong naiyak sa mga naisip ko.
After one year...
"Break na tayo."
Nanlaki ang mata ni Jason sa sinabi ko.
"What? Kahapon lang tayo naging mag-on ah? Break na agad?"
"Ehh sa hindi na ako masaya." Sagot ko sa kanya.
"Kelly naman. Tatlong buwan ako nanligaw sayo, sabi mo napapasaya kita. Tapos ngayong tayo na, isang araw palang, hindi ka na masaya?"
Parang gusto kong mairita na matawa sa reaksyon ni Jason. Pero kailangan ko tong gawin. To satisfy my ego. Almost one year ko narin to ginagawa. Matapos kay Brian ay nakasampung boyfriend na ako, pero lahat ng iyon hindi nagtagal. Mas matagal pa ang ligawan stage kaysa sa mag-on. Ang pinakamatagal, tatlong araw. Sinisigurado kong nahulog na sila sa akin bago ko sila sagutin at makipagbreak agad. Iyon lang ang makapagpapasaya sa akin. Pambawi lang sa ginawang pananakit sa akin ng mga naging boyfriend ko. Lalo na si Brian. Hindi pa ako nakakaganti sa kanya, kaya humanda siya.
"Pasalamat ka nga at nakaabot ka ng dalawang araw. Yung iba nga, one hour lang." Dahilan ko sa kanya.
"Naman, Kelly. Wag naman ganito. Mahal na mahal kita. Nasa akin naman lahat, gwapo ako, matalino, varsity player at popular. Huwag naman umabot sa ganito."
"I don't care if your popular. Basta ako, ayoko na. So tanggapin mo nang wala na tayo." Tinalikuran ko na siya pero napatigil ako sa sinabi niya.
"Tama nga sila. Nagbago ka na. Mula nung iniwan ka ni Brian, naging heartless ka na. Sana naniwala nalang ako sa kanila. Nang hindi ako nasasaktan ng ganito." Narinig ko ang pagsinghot niya. Umiiyak siya na hindi naman bago sa akin. Ilan narin ang napaiyak kong lalaki, but who cares? Pinaiyak din ako ng mga lalaki dati. Sad to say, kabilang si Jason sa pinaghigantihan ko.
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A LYRICAL STORY (One shot & Short stories)
Short StoryBy: MissTroublemaker_07 ONCE UPON A LYRICAL STORY One shot & short stories' compilation of my personal interpretations of the meaning of a song. I found serenity while listening to songs, but sometimes, I got carried away. Sobra pa ako sa na-LSS at...