"SHOOTING STAR"

2 0 0
                                    


Genre: Sad story

(A story inspired from the song "Teardrops on my guitar" by Taylor Swift.)

ZOE'S POV

"Cause he's the reason for the teardrops on my guit-" napatigil ako sa pagkanta nang namatay ang music. I eyed the one who turned off the music.

"Ba't mo pinatay?" Singhal ko sa kanya. Hindi niya man lang ako tiningnan at patuloy na nakatingin sa harapan.

"Ang panget," tipid na sagot ni Jay na ikinalaki ng mga mata ko.

"Panget? Ang alin? Ang boses ko?" Di makapaniwalang tanong ko. Ako? Panget ang boses? Ano pa ang silbi na ako ang pambato ng department namin sa cultural sa university namin when it comes to singing? How couldn't he appreciate my lovely voice?

"Hindi. Iyong kanta, ampanget ng meaning nun," sagot niya na saglit lang akong binalingan ng tingin.

"Anong panget sa meaning nun?" Tumingin narin ako sa harapan.

"Ang lungkot nung kanta. Hindi mo ba napansin ang ibig-sabihin ng lyrics?"

"Alam ko. Pero kanta yun ni Taylor Swift, alam mong favorite ko siya. Kinakanta ko lang naman yung kanta ng favorite ko, masama ba yun?" Kunot-noong tanong ko.

Nagulat nalang ako ng tumawa siya. Anong problema ng lalaking ito? Kanina seryoso, ngayon tumatawa na. Baliw na ba to? Hindi pwede. Sayang ang lahi niya. Paiibigin ko pa nga siya.

Yeah! Mahal ko ang lalaking ito. Hindi ko alam kung kelan nag-umpisa pero four years ko nang inaalagaan ang damdamin ko sa kanya. He was my bestfriend since grade school and I was fourteen back then when I realized I'm already in loved with him. Eighteen na ko pero nanatili paring lihim ang pagmamahal ko sa bestfriend ko.

"Seriously? Nag-aaway tayo dahil sa isang kanta?" Tanong niya.

Napakunot-noo ako. Oo nga noh? Kanta lang, pinag-awayan na namin. Napatawa narin ako. Napuno ng halakhak ang loob ng kotse niya. Para kaming mga baliw. Mag-aaway tapos di na namin alam kung nagkabati na ba kami maya-maya pero alam namin okay na kami.

"I just wonder? Why you always sing that song when it plays in my car stereo?" Pagtataka niya na ikinaisip ko rin. "Napansin ko lang, maraming kanta sa stereo pero, iyong kanta lang na yun yung lagi mong sinasabayan?"

Ang totoo, hindi ko rin alam. Baka nagkataon lang dahil Taylor Swift song siya? Kibit-balikat nalang ang sagot ko sa kanya.

Hindi ko namalayan nasa loob na pala kami ng bakuran namin. Hinatid niya ako dito mula sa university na pareho naming pinapasukan. Magkapit-bahay lang naman kaming dalawa. Nasa tapat nga lang yung bahay nila at ang ibig-sabihin ng pagpasok ng kotse niya sa garahe ng bahay namin ay ang katibayang nagdesisyon na naman siyang dito maghapunan samin.

May naiba pa ba? Halos nga, dito na siya tumira samin. Kulang nalang ampunin siya ng mga magulang ko. Pero kung gugustuhin niya, hindi na nila kailangang magprocess ng adoption papers. Pakasalan niya lang ako, magiging legal na kapamilya na namin siya. Oops, pero joke lang yun (na inaasam ko na sana'y magkatotoo). (^o^)

"Nakikinig ka ba?" Singhal niya sa akin. Pagkatapos ng hapunan ay dumeretso na kami dito sa tree house ko. Ipinagawa 'to ni papa nung eight birthday ko. Ten years past, maayos parin siyang nakatayo dito sa likod bahay namin.

Tiningnan ko siya, habang nakaupo dito sa kama sa loob ng tree house, yakap-yakap ko ang gitara ko. Parang yamot ang mukha niya. But I found it cute. Ang gwapo talaga niya. Kahit siguro puno ng putik ang mukha niya, gwapo parin siya.

"Hoy!" Dinanggil niya ang balikat ko na nagpagising sa akin sa pagpapantasya sa kanya.

"Nakikinig ako," palusot ko at inilapag ang gitara sa kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONCE UPON A LYRICAL STORY (One shot & Short stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon