A one-shot story...
I was scrolling on my feed, when I saw an article about my classmate, Meg.
I was really shocked after reading it. Napabangon ako sa pagkakahiga "Oh my god! Totoo ba 'to?!"
So I commented on the status "I'm her classmate. Is this true? I don't think na magagawa niya yan" the picture also is blurry siguro for privacy? Kaya ayaw kong maniwala na si Meg yun. Pero pangalan niya ang nakalagay sa article eh.Nakatulog ako sa kakaisip about the article i've read if it is legit. I really can't believe it.
In the next day, nagising ako sa kakabulabog ni mama sa kwarto ko. "Leah!"
"Nak! Gising na! Malelate ka na!"
Agad akong bumangon at tinungo ang banyo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis at agad na bumaba.
"Hhmm.. bango naman. Anong ulam ma?"
"Ano pa nga ba? Yung paborito mo" sinilip ko yung niluluto ni Mama.
"Wow! Adobong manok!" Habang hinihintay na maluto yung niluluto ni Mama, bigla akong nakaramdam ng gutom. Mukhang mapaparami kain ko neto ah.
"Oh luto na. kumain kana, punta lang muna ako sa kwarto"
"Sige ma"
"Lock mo yung gate pag-alis mo ah"
"Opo" sagot ko habang sinisimulan ng kumain.
Agad naman akong natapos at nagpaalam na ako kay Mama. Nilock ko na rin ang gate pagkalabas ko.'Scam talaga 'tong si Mama, ang aga pa nga eh' sabi ko sa isip ko. Maglalakad na lang ako tutal maaga pa man rin at malapit lang naman sa bahay ang paaralan na pinapasukan ko.
Habang naglalakad naalala ko nanaman yung about kay Meg na nabasa ko kagabi. 'Totoo kaya yun?'
Sa lalim ng iniisip ko 'di ko namalayan malapit na ako sa paaralan.Pagkapasok ko palang sa classroom ang ingay na. As usual. Malamang puro chismiss nanaman.
"Uy Leah! Nabalitaan mo ba yung nangyari kay Meg?" Tanong ng kaibigan kong si Mich.
"Ah oo, totoo ba yun?"
"Di ko rin alam. Hindi nga kami naniniwala na magagawa yun ni Meg"
Pansin ko nga halos lahat sila hindi makapaniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang isang 'Megan Aragon' o mas kilala sa tawag na 'Meg' na isang masayahin at palabiro sa klase. Joker o clown ika nga, ay magsu-SUICIDE?! Hindi nga kumpleto ang araw namin 'pag wala si Meg. Friendly siya sa lahat kahit teachers napapatawa niya masyado siyang palabiro at tawa niya ang pumupuno sa silid-aralan namin. Nakakahawa ang mga ngiti niya parang wala siya kaproble-problema.
Napatahimik ang lahat ng kaklase ko ng biglang pumasok ang adviser namin. Umiiyak siya.
"C-class, 'di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Yung kaklase niyo, S-si Meg, w-wala na siya" at dahil dun tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko pati na rin ng mga kaklase ko. Lahat umiiyak dahil naging malapit saamin lahat si Meg.
"Meg is suffering from depression. Pero wala siyang sinasabihan ni-isa saatin. H-hanggang sa 'di niya na makayanan at n-nagpakamatay siya"
Dahil sa sinabi ng adviser namin, napagtanto kong, hindi lahat ng malungkot, malungkot. At hindi lahat ng masaya, masaya. Hindi talaga natin alam kung ano talaga ang pinagdaraanan ng isang tao. Tulad ni Meg, pinapakita niya sa lahat na masiyahin siya at wala siyang problema pero kapag wala nang tao sa paligid niya, doon niya inilalabas ang totoong nararamdaman niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219887268-288-k331946.jpg)
YOU ARE READING
My Joker Classmate(one-shot story)
General FictionThis will make you realized that not all lonely are really lonely and not all happy are really happy. Sometimes, happy person are really the saddest person.