Confession (One Shot)

27 4 0
                                    

"Alexa matagal ko na itong tinatago, simula palang nung una kitang makita naramdaman ko agad na tumibok ang puso ko para sayo, sa tatlong taon nating bilang magkaklase nakuntento ako sa pasulyap sulyap lang pero ngayon, ngayon napag desisyon ko nang umamin, ngayon di ko na ito itatago. Alex mahal na mahal kita, pwede ba kitang ligawan?"

Omg sana di niya naririnig yung tibok ng puso ko, syempre kahit naman crush ko rin siya nakakahiya pa rin. At oo crush ko yung umaamin sa akin.

Siya si Alexander, Alexei ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya at oo halos magkapangalan kami, ang cute diba? Meant to be na meant to be talaga kami. Naalala ko pa unang beses ko palang siya makita napatibok niya agad ang puso ko.

*Flashback

Hays sa wakas college na rin ako, akalain mo yun makakagraduate pala ako ng High School tapos sa dream school ko pa ako nakapasok.

New school, new environment at new set of friends. Kaya ako eto mag isa na nakaupo rito sa room, pero karamihan sa kanila mukhang magkakakilala tapos ako mukhang loner dito.

"Hi miss pwede ba makipag kaibigan" may biglaang tumabi sa akin na lalaki "Ako nga pala si --

"Hoy Alexei napakaharot mo talaga kahit kailan" kantyaw ng sa tingin ko ay mga kaibigan niya. Tapos nagtawanan naman sila pati tong Alexei raw.

"So ano miss pwede ba? Wag mo nalang pansinin yung mga yun baliw talaga mga kaibigan ko" di ko alam bakit pero bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko. Paano naman kasi tinitigan niya ako ng sobra at sa totoo lang ang ganda ng mga mata niya.

"Uhm si-sige, ako nga pala si Alexa" sambit ko naman

"Alexa? Wow ang galing naman halos magkapangalan tayo" gulat na sabi nito at mukhang narinig ng mga kaibigan niya dahil sige ang kantyaw nila.

"Ayiiee miss Alexa ikaw na raw ba ang cupcake sa icing ni Alexei" sabi ng isa

"Tanga mo talaga Sean, icing sa cupcake yun" sabi naman nung isa pagkatapos batukan yung Sean daw kaya naman napakamot ito sa ulo.

At natawa naman ako sa kakulitan nila

"Ang ganda mo lalo kapag tumatawa ka" ano ba naman toh si Alexei lalo pinapabilis tibok ng puso ko

Simula nun ay naging close ko na si Alexei at ang tropa niya pero di rin nagtagal ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Pero kahit naman hindi ko na sila lagi kasama eh lalo pa rin ako nahuhulog kay Alexei. The more na nakikilala ko si Alexei the more na nahuhulog ako sa kanya. Bukod kasi sa gwapo ito eh napakatalented din niya, kasali siya sa Theater Club, paano ba naman kasi marunong na nga siyang kumanta marunong pa siya sumayaw, pero pinaka magaling siyang umacting. At dahil na rin alam ng mga kaibigan ko na crush na crush ko si Alexei eh pinilit din nila akong sumali sa Theater Club and luckily natanggap ako sa audition.

Dahil na rin sa halos same kami ng pangalan eh palagi rin kaming nagiging tampulan ng tukso at eto namang si Alexei ay nakikisama rin. Bukod dun ay sobrang sweet niya rin tuwing magkasama kami sa club.

"Water oh" sabay abot ni Alexei ng tubig sakin habang break namin, nagshoshoot kasi kami para sa movie na pepresent ng aming club. "Binilhan din kita ng burger, ayoko kasing nagugutom ang kapartner ko" sabay abot ng burger.

Araw araw niya yang ginagawa kaya nga minsan di ko mapigilan umasa eh. Minsan naiisip ko na kaya ba niya ako nilapitan nung first day kasi na love at first sight din siya sa akin? Kaya ba siya sweet sa akin ay dahil gusto niya rin ako?

*End of Flashback

At ngayon eto na nga, dumating na yung araw na hinihintay ko, nasagot na rin ang matagal kong tanong. Nandito ngayon ang lalaking gustong gus-mali mahal na mahal ko na umaamin din ng kanyang nararamdaman.

"So ano Alexa, payag ka bang ligawan ko?" Dagdag na tanong pa nito. Di ko na napigilan ay tumakbo ako at yumakap sa kanya

"Alexei di mo lang alam na tatlong taon na rin kitang mahal, tatlong taon na rin akong naghihintay at umaasa na baka sakaling parehas tayo ng nararamdaman" masayang sagot ko naman dito

"So ibig sabihin ba nito tayo na agad?" Nagagalak nitong tanong. Tumango nalang ako bilang sagot.

Ako na ata ang pinaka masayang babae ngayon, sa wakas ay kami na rin ng taong mah--

"And CUT!" Sigaw ng director namin

"Tara na Alexa" nakangiting sabi ni Alexei "Galing mo talaga ng acting mo dun parang totoong totoo" dagdag pa nito

Oo nga pala bakit nakalimutan ko agad. Oo nga pala nagshoshoot lang kami ngayon. Oo nga pala part of script lang lahat ng sinabi niyang yun. Oo nga pala di totoo lahat ng sabi niyang yun. Bakit nga ba umasa pa ako, eh never naman niya akong magugustuhan pabalik. Isa lang naman akong halos kapangalan niya, isa lang akong kaibigan at kaklase niya, at isa lang akong nagkakagusto sa kaniya ngunit di rin niya magugustuhan pabalik.

The End..

---

Credits to the owner for the cover, I only get that from google

Confession (One Shot)Where stories live. Discover now