5

2.6K 74 1
                                    

Ace's POV

I stepped inside the mall wearing the same shirt I wore yesterday since kakalaba lang ni mama and why not? mukha kaya akong model dito AHAHAHAHAHAH

Pumunta ako sa 4th floor para mamili ng panonoorin ko at bumili ng ticket.

Nakita ko na showing ang Toy Story 2 sa cinema dito kaya ayun ang pinili kong panoorin (Baby talaga ako). Childhood movie ko pa man dun yun.

Time check; 12:48pm palang pero ang start ng movie ay mamayang 1:30pm kaya bumili muna ako ng pagkain at naglibot-libot.

Habang pabalik ako sa cinema may narinig akong familiar na pangalan.

"Kenzo! Tara na!" sigaw ng isang lalaki.

Napalingon ako at agad kong hinahanap ang pinanggalingan ng boses pero turns out, it was just another random guy named Kenzo.

Tsk, I'm so pissed! Si Kenzo nanaman ang nasa isip ko! At sino ba kasing nagpangalan sainyo ng Kenzo ha? Kailangan pa kasi pareho tss🙄

Dali dali akong pumasok sa sinehan para hindi malate sa panonooring film at para na din mawala sa isipan ko si Kenzo.

- END OF ACE'S POV -

Kenzo's POV

"KENZOOOO!!" pambungad na sigaw ni mama sa umaga.

"bakit po ma?" "BUMABA KA RITO!" Nakakatakot naman bumaba parang kakainin ako ng buhay ni mama sa galit.

Pero syempre hindi na ko magsasayang ng oras kaya agad akong bumaba sa kusina.

"MAGHAPON KA NG TULOG WALA KANG AMBAG SA BAHAY" sigaw agad ni mudra sakin kahit kaka lapag pa lang ng talampakan ko sa kusina.

Binungangaan nanaman ako ni mama. Ratatatat boom boom pew pew.

Pagtapos ng mahabang sermon, ang gusto lang palang sabihin ni mama ay ang utos nya na pumunta ako ng grocery.

Binigay nya yung listahan ng bilihin at naisipan kong pumunta na lamang sa mall para makapag shopping din ako ng mga bagong damit.

I dressed up a bit and tried to call an uber para mas mabilis ang byahe.

[After Transportation]

Once arrived at the mall, naisip kong unahin muna yung bibilhin kong damit para hindi mabigat ang dadalin ko pag nagikot ako sa grocery.

While roaming around a clothing store, I saw this guy wearing a familiar shirt.

Wait parang nakita ko na to, is this-- is this acee???!?

Dali dali akong pumunta sa kanya at tinapik ang balikat. "Ace ikaw ba ya-"

The guy faced me and I was wrong, hindi sya si Ace, he was just a stranger.

"Hala pasensya na po kayo, akala ko kasi uhm yung- yung friend ko." I told the stranger while he was weirdly looking at me.

Bigla nalang sya umalis at parang nanaray pa yata si kuya. Wow ang sungit ha. Attitude ka eh, nagsorry na nga.

Kasi naman Kenzo parang tanga bigla bigla nalang nangangalabit ng tao. Isip ka kasi ng isip kay Ace tsk...

- END OF KENZO'S POV -

Ace's POV

[Time Stamp: Next Day]

Sayang naman wala akong work today, hindi ko mafe-flex yung bagong position ko sa trabaho :((

Babangon na sana ako nang biglang tumunog yung phone ko at nakitang may chat yung mga kaibigan ko.

******

"tropapanget"

James: hoy mga gago

Abby: ano nanaman yun pokpok

Ace: oh?

Abby: ay ang sungit ni mareng Ace!

Ace: ano ba kase kailangan niyo? HAHAHAHAHAHAHAHAHA

James: rara gala tayo mga wala naman tayong pasok eh

Ace: sige tara bored na ko -_-

Abby: what time tyaka saan?

James: mamayang 3pm sa mall

Ace: sige sige, see u guys latuuuuh~

******

[A Few Hours Later]

Pagkatapos ko mag-ayos ng bongga sa bahay para lang ma-stranded ng matagal sa traffuc at mapawisan... FINALLY! Nakarating na ko sa mall na sinasabi ni James. Hinihintay ko silang dumating kasi as usual, late nanaman sila.

Matapos nila akong paghintayin ng matagal, hindi pwedeng ganun ganun lang kaya nagpalibre ako sa kanina sa fave naming restaurant.

Habang naguusap usap kami ay nabanggit ni James yung mga nangyare sa bar.

And guess what? Tangina si Kenzo nanaman yung nasa isip ko. Argh! Nakakainis na! Kenzo ng Kenzo tong utak ko eh hindi naman ako gusto nung tao.

Sa kakaisip ko sakanya bigla nalang ako napasabi ng; "Tangina mo Kenzo"

Nagulat sila Abby sa sinabi ko. "Huy? Bat minumura mo si Kenzo? Asan ba?" ani ni Abby. "Ay wala yun baka may naririnig lang kayo wala akong sinabi no pshh" sabi ko naman.

The atmosphere became kinda quiet and akward kaya pinagpatuloy ko nalang yung pinaguusapan namin kanina.

Fuck! Get him out of your thoughts Ace!

- END OF ACE'S POV -

Kenzo's POV


Haysss it's Monday nanaman. I'm currently at school, pretending to be productive eventhough puro Ace nalang ang pumapasok sa isipan ko.

Buti pa si Ace na-stuck sa utak ko samantala yung lessons namin labas pasok lang sa tenga ko.

I don't know why pero masyado na akong na-attach sa kanya nung gabing yon.

I was daydreaming about Ace hanggang sa binato ako ng marker ng prof namin.

"NAKIKINIG KA BA KENZO?" sigaw nya sakin. "I'm sorry po ma'am medyo pagod pa po kasi-" "WAG KA NA MAGDAHILAN AT MAKINIG KA NALANG" "O-okay po..."

Naririnig kong pinagtatawanan ako ng iba kong kaklase pero I don't care lol, pake ko sa bitches na yan. Pag untugin ko pa sila eh.

[At Lunch]

"Tol nabalitaan ko nabato ka daw ng marker ha HAHAHAHHAHA" pangangasar ni Christian.

"Gusto mo batuhin kita ng mesa?" naiiritang sagot ko sabay taray sa kanya.

"Ang attitude ha. Yung chixx siguro sa bar iniisip mo nohh" sabi ni Scarlet. "Tanga si Ace kasi." nabiglang sabi ko sa kanila.

Tinignan nila ako na para bang gulat na gulat. Ang tanga mo Kenzo, sa dinami rami ng pagsasabihan mo nyan, sila pa???

"Uy Kenzo si Ace pala haaaaa~" sabi ni David.

They continued teasing me hanggang sa mapikon na ako at di nalang kumibo.

Ewan ko ba pero habang inaasar nila ako imbis na magalit ako kinikilig ako. GRRR KASALANAN MO TOH ACE!!!!

- END OF KENZO'S POV -

"Love Out Of The Blue" (BL story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon